One

1259 Words
Ng makapasok ang grupo nila Keros sa isang malawak na lupain agad silang nag kanya kanyang kilos. Hiwa hiwalay silang tinahak ang daan patungo sa pinakagitnang bahagi kung saan nakatayo ang apat na palapag na bahay na pinagkukutaan ng grupong Vallan. Ang isa sa mga salot ng lipunan nila. Ang order ng Hainsha walang ititirang buhay. Maliksi at sigurado ang bawat kilos ni Keros ng makita na nyang sumasalakay ng ibang kasamahan nya. "K, kami ng bahala dito, hanapin mo na lang ang pinuno nila." "Sigurado ka bang makakaya nyo ng sitwasyon dito?" "Oo naman kami pa ba, eh mana kaya kami sayo hehe!" "Sige, mag iingat kayo!" Paalis na sya ng may maalala. " Ah Pyre, ayokong mabawasan kayo, kuha mo?" "Hai! Master K." Nanunuksong sumaludo pang kaibigan sa kanya. Naiiling na tumalikod na lang sya sabay tinalon ang pader para makapasok sa loob ng malaking bahay. Sigurado ang bawat galaw nya, kabisado na nyang pasikot sikot sa loob ng bahay dahil napag aralan na nila ang blueprint nito. Bawat madaanan nyang kalaban kundi baril, espada ang ginagamit nya. hindi man lang makahugot ng sandata ang kalaban nya agad na bumabagsak na lang ang walang buhay nitong katawan. Hanggang sa umabot na sya sa pinakamataas na palapag ng bahay. At dun nakatayo ang taong pakay nya. "K, ikinatutuwa kong makita kang muli." Nakangiti si Lorzan ang pinuno ng Vallan, habang titig na titig ito sa kanya. Nakangisi rin syang tiningnan ito bago biglang itinaas ang hawak na baril at walang kakurap kurap na ipinutok ito. Sapol sa noo si Lorzan at walang buhay na bumagsak sa sahig. "Ikinatutuwa ko ring makita kang muli Lorzan, rest in peace fucker." Ganun ang paraan nya sa pagpatay, wala ng paligoy ligoy pa. Sayang ang oras at saka yun ang motto nya sa buhay "time is gold". Agad na syang bumaba sa unang palapag para katagpuin ang mga kasamahan. Nagtaka pa sya ng makarinig ng isang boses babae, nagtataka syang kumubli sandali sa isang divider sa sala at nakinig sa usapan ng mga kasamahan at ng isang babae? "Helloooo... mga bingi ba kayo? Ang sabi ko anong lugar ito?" Hindi napigilan ni Keros ang sarili, sinilip nya ang mga nag uusap. Isang napakagandang babae ang nakatayo sa gitna habang nakapamewang ito at nagtataray sa mga kasamahan nya. "Vallan property." Sagot naman ni Pyre sa katarayan ng babae. "Vallan? s**t na prank ako? bwisit." Sabay talikod at akmang hahakbang na sana ito palabas ng bahay. "Teka lang Miss., hindi ka pwedeng umalis na lang basta." Inis na nilingon ni Hydra ang mga kalalakihang may mga suot na maskara sa mata. Kanina pa sya nagtataka sa mga hitsura ng mga ito. Pinalibot nyang tingin at dun nya lang napansin ang nagkalat na mga sugatang lalake sa paligid. Ibinalik nya ang tingin sa lalakeng pumigil kanina sa pag alis nya. "At bakit? Sino ka para pigilan ako ha? Hitsura nito hmp." Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa mga kasamahan nya. Napangiti naman si Keros dahil sa kamalditahan ng babae, ni hindi nga ito kakikitaan ng konting takot man lang. "Utos samin ng nakakataas walang ititirang buhay. Kaya pasensya na kasi kahit ubod kapa ng ganda kailangan kapa rin naming itumba." "Are you serious?" Hindi mo ba ako kilala ha?" Nanggagalaite na sa inis si Hydra, pero hindi sya natatakot sa mga ito. Nakita nyang humugot ng samurai ang lalake. "Ay teka! Seryoso ka nga dun sa sinabi mo? Grabe na surprise naman ako." Napakuyom ang mga kamao ni Hydra. kalmado lang sya sa panlabas na anyo pero sa loob loob nya galit na galit na sya sa mga kaibigan nyang nag prank sa kanya at naglagay sa sitwasyon nya ngayon. Oras na makaalis lang sya sa lugar na ito ipapa hunting nya isa isa ang mga kaibigan nyang walang kwenta. Tanggap nya ng mga mangyayari sa kanya ng biglang may lumabas na isa pang lalake at naglakad palapit sa kanya. Ng magkatabi na sila may ibinulong ito sa kanya. "Relax akong bahala sayo." Maangas na sabi ni Keros sa natitigilang babae. "K, kilala mo ba yan?" Ani Pyre. "Girlfriend ko. Nagpasundo ako sa kanya." Seryosong sagot ni Keros sa kaibigan. Tinitigan ni Pyre si Keros, alam nyang nagsisinungaling ito sa kanya. Pero kilalang kilala nya ito siguradong may dahilan ito kung bakit gusto nitong iligtas ang babae. Nalipat ang tingin nya sa katabi nitong babae na nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Keros. Confirm hindi magkakilala ang dalawa. Binalingan nyang mga kasama sabay sabing.... "Ok Men, move! to the headquarters now." Nagsilabasan naman agad ang mga kasamahan nila. Ng papalabas na si Pyre sa pinto ng bahay sumulyap pa sya ng isa kay Keros, nakangisi naman ang kaibigan sa kanya at sumenyas na umalis na sya. Umiiling na nagpatuloy sya sa paglalakad papalabas ng bahay. "Araayyy.. bakit ka ba nananakit dyan?" Sapo ni Keros ang tiyan dahil bigla syang siniko ng "girlfriend" nya. "Stupid, bakit mo sinabing gf mo ako eh ni hindi nga kita kilala?." Nanlilisik ang mga mata ni Hydra dahil sa antipatikong lalake na ito. " Tsk tsk dapat nga magpasalat kapa sakin kasi hindi ka nila tinadtad e." Nakaismid na hinimas himas ni Keros ang tiyan saka naglakad na palabas ng bahay. Napahinto sya bigla ng sumigaw ang babae na humahabol sa kanya. "Hey wait! Who are you? Give me your name and bank account number, I'll pay you for saving my life." Napataas ang kilay ni Keros sa narinig. Hindi nababayaran ng pera ang serbisyo nya at saka mayaman din sya. Sa katunayan nga may mga foundation syang tinutulungan. Ganun sya kabait sa labas pero pag nasa loob na sya ng organisasyon nila walang puwang ang kabaitan sa kanya. Ngayon lang sya lumabag sa sarili nyang batas at dahil lang yon sa babaeng ito. "Just give me your name and we'll even." Seryoso nyang sabi sa matapobreng kaharap. "Why? Hmmm may gusto ka sakin ano? Sorry your not my type. At bakit my maskara yang mata mo? Ah siguro may peklat ka dyan ano hahaha." 'Nanlait pa! Maldita talaga ang babaeng to, sana diko na lang sinagip, hinayaan ko na lang sana si Pyre na hatiin sa dalawa ang babaeng ito.' (Sus gusto mo kasi sya kaya iniligtas mo, hala ka! Nagbabago kana Keros Kitsume, hindi maganda yan, makakasama yan sayo tandaan mo. Bulong ng isip nya.) Tinitigan ni Keros ng matiim ang babaeng kaharap na nakatingin naman sa kanya ng may pang uuyam. Hindi totoong naiinis sya dito kundi gandang ganda talaga sya sa babaeng ito, lalo na sa suot nitong leather fitted black jacket at black jeans na kitang kita ang kurba ng katawan. Nagtagal ang mga mata nya sa malulusog nitong dibdib na bahagyang nakalitaw sa suot nito. Napakagat labi pa sya sa mga kahalayang pumapasok sa isip nya. Ng biglang naputol iyon ng isang malakas na sampal. "Bastoooos." Inis na sigaw ni Hydra sa lalake sabay walk out. Sapo ang pisngi na napasunod naman ang tingin ni Keros sa babaeng nagmumura pa habang naglalakad patungo sa pulang sasakyan nito. "Humanda ka sakin kapag nagkita ulit tayo , dudurugin kita at papatayin sa sarap. Kaya maghanda ka na." Pahabol nya pang paalala kay Miss Maldita. Na sinagot naman nito habang papasok na sa kotse nito. "Hindi ako pumapatol sa mga pangit Tse!." Humaharorot ang sasakyan nito palayo kay Keros. 'Hahanapin kita kahit saang sulok man ng mundo para pagbayarin sa utang mo! Kaya humanda ka Miss Maldita dahil magkikita pa tayo.' Pabulong na sambit ni Keros sa hangin. Nilagay nyang kamay sa tapat ng dibdib sabay sabing.... "Pangako!" ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD