"Zandro tama na ang laro sa mga babae tandaan mong ikakasal ka na sa kapatid kong si Karina. Pero isa pa iyon galit na galit dahil ayaw niyang tulad mo ang mapangasawa niya, alam mo namang mapili iyon pagdating sa lalaki." nakangiting turan ni Anton kay Zandro.
"Kahit ako ay ayokong maikasal sa kapatid mo maldita iyon, saka spoiled brat pa. Kaso hindi natin puwedeng suwayin ang gusto ng mga magulang natin." saad ni Zandro habang nakangiti.
"Pare, mag-enjoy ka muna habang hindi pa kayo kasal ni Karina, ako ang bahala sa iyo. Hindi malaman ni Jamilla na engaged ka na sa kapatid ko."
“Kaya ‘yan ang gusto ko sa ‘yo, eh. Dahil alam mo kung ano ang mga gusto ko. Pero iba siya, eh. Marami na akong naging girlfriend pero sa kanya ako natamaan. Na-love at first sight ako sa kaniya, Pare. Mahulog din siya sa mga kamay ko balang araw." nakangising saad ni Zandro.
“Pero alam mo, Pare, may potential siya. Tingnan mo ang mga designs niya. Hindi basta-basta, ‘di ba?” tanong niya kay Zandro. Nakangiti si Zandro dahil iniisip niya ang itsura ni Jamilla. Natutuwa siya sa style nito at napakaganda pa ng hugis ng katawan, ang ganda ng mukha at ang ngiti niya ay nakakabighani.
“Anton, anong klaseng pamilya meron si Jamilla? Mayaman ba sila? Business minded ba ang parents niya? Para naman maipagmalaki ko siya sa mommy ko balang-araw."
"Mayaman siguro sila, kasi ang sportscar niya ay sobrang expensive. Kung mahirap sila, hindi siya magkakaroon nang ganoong klaseng sasakyan. Limang million ang halaga ng pinakamurang brand na ‘yon,” saad ni Anton.
“Ang alam ko lang ay mas sisikat ang company natin dahil sa mga designs niya. Kaya huwag mo naman siyang saktan agad, patagalin mo muna baka maapektuhan ang mga gawa niya,” payo ni Anton kay Zandro.
“Anton, ganyan na ba ako kasama para
sa ‘yo?” tanong ni Zandro.
“Oo naman, alam naman nating walang puwedeng magtagal sa ‘yo kasi alam naman nila na hindi mo sila pakasalan." seryosong saad ni Anton.
"Meron nang naka-reserve sa altar para
sa ‘yo,” dagdag nitong sinabi. Alam nito na napilitan lang si Zandro na sundin ang gusto ng mommy nito para sa company nila. Walang pakialam ang mommy ni Zandro sa nararamdaman ng isang tao, ang sa kanya ay gawin niya ang gusto niyang mangyari kasi kung hindi magtago ka na.
“Anton, change topic. Ayokong pag-usapan, nakasisira ng mood eh,” saad ni Zandro.
“Hindi mo ba mahal si Karina pare? Kahit konti?” tanong ni Anton habang umiinom ng kape. Nakita niyang hindi masaya si Zandro Sa desisyon ng kaniyang ina.
“Kapatid lang ang tingin ko sa kanya. Best friend kita pare at kapatid lang ang tingin ko kay Karina, kahit konti ay hindi ako na-attract sa kanya,” saad ni Zandro.
“Tsk, tsk, tsk. Wala ka nang magawa pa, pare. Tanggapin mo na lang ang katotohanang para ka sa kanya. Kay Karina.” saad ni Anton.
Inisip ni Zandro na sana ay malaya siya na pumili kung ano ang mga gusto niyang gawin, pero malaking hadlang ang kanyang ina, dahil ang mga gusto nito ang kanyang sinusunod.
Kailangang bago gumawa ng hakbang ay dapat alam ng kanyang ina. Para siyang bata na sunud-sunuran sa mga gusto nito, pati lovelife niya ay ang kanyang ina pa rin ang masusunod.
“At isa pa, habang hindi pa kayo kasal mag-enjoy ka muna. Hayaan mo, sagot kita kay Tita. Mambabae ka, magpakasaya ka, gawin mo lahat ang gusto mong gawin kasi, kapag kasal na kayo ng fiancee mo wala na, habambuhay ka nang bilanggo, hyper pa naman ang mapangasawa mo." Nakangiting turan ni Anton.
"Kapatid mo siya pare, kahit ganoon pa man ay lagi mo pa rin akong sinuportahan." saad ni Zandro habang nakangiti.
"Kaya sulitin mo ang mga oras mo habang malaya ka pa pare, kasi alam kong parang butiki iyong mapangasawa mo, dikit nang dikit sa ‘yo,” ani Anton habang nakangiti.
“Wala akong naramdaman kahit na konti kay Karina. Kapatid lang ang turing ko sa kaniya. Sana magbago ang isip ni Mommy at hindi niya ako hayaang maikasal sa babaeng 'di ko mahal,” seryosong saad ni Zandro.
“Pare, maturuan ang puso, kaya isipin mo na lang na mahal na mahal mo siya para hindi ka malungkot sa buhay mo habambuhay,” pang-aasar ni Anton kay Zandro.
Samantalang naiinis si Jamilla kay Zandro, nakita niya kung paano siya landiin ni Zandro kanina. “Ang angas niya. Ang kapal ng mukha! Pasalamat ka boss kita kasi kung hindi tinadyakan ko na ang bayag mo!” bulong niya sa kanyang sarili.
Lunch time at nagkayayaan ang lahat na kumain sa labas pero hindi kumain si Jamilla. Kumuha siya ng gum at iyon na ang kanyang lunch. Kapag gutom siya, gum lang at water ang kanyang kinakain.
Kaya nanatiling sexy at maganda ang hubog ng kanyang katawan.
Pumasok ang secretary ni Anton sa kanyang opisinan meron itong ibinigay sa kanya na isang box ng pizza at water bottle.
“Jamilla para daw sa ‘yo sabi ni Sir, Anton. Kumain ka raw at huwag kang magpagutom. Gusto niya raw busog ka upang maganda ang gawa mong design,” nakangiting sinabi ng secretary.
“Ha? Ang dami niyan. Isang box, kaya ko bang ubusin? Samahan mo ako, Rhea, para naman meron akong kasama kumain.” maya-maya ay pumasok sina Zandro at Anton Kinumusta nila si Jamilla kung kinain ba nito ang pizza. Lumabas na si Rhea dahil sa labas siya kakain kasama ang iba pang workers.
“Sir, maraming salamat sa food pero hindi ko kayang ubusin ‘yan, ang dami.” seryosong sinabi ni Jamilla.
“Jamilla, binili ‘yan ni Zandro para sa ‘yo, kaya ikaw lang ang puwedeng kumain niyan,” turan ni Anton habang abot sa tenga ang ngiti nito. Biglang sumimangot ang mukha ni Jamilla at palipat-lipat siya ng tingin sa dalawa.
“Sir, pakisabi sa kanya diet ako,
ayokong mag-pizza, at isa pa hindi ako mahilig sa pizza." Saad ni Jamilla.
“Jamilla, sabihin mo kay Zandro nang deretso, magkaharap lang naman kayo,” turan niya habang tawa nang tawa. Nakita niya kasi ang expression sa mukha ni Zandro. Hindi ito makapaniwalah ganoon ang approach ni Jamilla sa kaniya.
“Sir, Zandro. Hindi po ako nagugutom. Thank you sa pizza pero nawalan na po ako ng ganang kumain nang nalaman kong ikaw ang bumili niyan para sa akin,” seryosong wika ni Jamilla.
“ Jamilla walang lason ‘yan.” Umupo si Zandro at kumuha ng isang pizza at ganoon na rin si Anton para meron kasamang kumain si Jamilla. Nahiya si Jamilla sa dalawa kaya kumain na rin siya.
Nahihiya siya dahil panay ang sulyap ni Zandro sa kaniya bawat pagnguya at paglunok ni Zandro ay ramdam na ramdam niya. Feeling niya siya ang kinakagat ng binata. Bahagyang sumilay ang ngiti sa labi ng binata dahil napansin niyang nag-blush si Jamilla.
“Anton, ang sarap ng pizza,” seryosong sinabi ni Zandro habang nakangiti.
“Masarap nga. Ang sarap para sa akin ang peperoni. Anong flavor ang kinain mo? Mukhang ine-enjoy mo ang bawat pagnguya mo?” tanong ni Anton habang nakangiti.
“Pare, Jamilla flavor ang kinain ko, ang sarap sobrang juicy at ang lutong. Grabe, fresh na fresh,” sagot ni Zandro habang kinindatan niya si Jamilla. Dahil sa sinabi ni Zandro ay biglang naubo si Jamilla at nabulunan. Agad siyang uminom ng tubig at binigyan niya nang matalas na tingin si Zandro.