“Okay! I’m sorry! I’m sorry! Ano happy ka na ba?” sigaw ng lalaki kay Jamilla.
“Hindi! Paano ako magiging happy? Napakamalas ng araw ko ngayon! Sana lang hindi na kita makita ulit!” singhal ni Jamilla.
“Lalo naman ako! Ayaw kitang makita ulit!” sigaw ng lalaki.
“Ang mga lalaking katulad mo dapat nilagyan ng buntot! I hate you!” Agad na sumakay si Jamilla sa kaniyang kotse at pinapalipad niya ito nang todo at na-shock ang lalaki nang makita niyang pinalipad ni Jamilla ang kanyang sasakyan.
Namangha siya nang makita niyang sobrang bilis nitong magpapatakbo.
“Oh my god! That’s amazing. . . Makikita rin kita ulit, peks man!” napangiti siya at bumalik siya sa kanyang kotse. Natuwa siya sa dalaga.
“Ano kaya ang pangalan niya? Hmmm . . . see you soon, babe,” saad niya sa kanyang sarili.
First day ni Jamilla sa kanyang trabaho at siya ang nag-design ng iba’t ibang klase ng gown. Nag-enjoy naman siya sa kanyang ginawa. Gusto niyang matutunan ang lahat-lahat dahil pangarap niya na magkaroon ng sariling company. Gusto niyang maging sikat na designer someday.
Pinapatawag siya ng kanilang prsidente dahil gusto nitong makita ang mga design na ginawa niya, kailangan niyang magpasikat dahil first day niya sa trabaho. Papunta na siya sa opisina nito dahil ibigay niya sana ang kaniyang design, pero binangga siya ng isang lalaki at nagliparan ang mga papel na dala-dala niya.
Pinulot niya ang mga ito at tinulungan pa siya ng lalaking nakabangga sa kanya. Nakatitig ang lalaki sa kanya dahil hindi ito makapaniwalang nagkita sila ulit.
“Miss, sinusundan mo ba ako? Hanggang dito ba hindi mo ako titigilan? Ang malas ng araw ko, may balat ka ba sa puwet? At pati ako hinahawaan ng malas mo?”
Inabot nang lalaki ang mga papel kay Jamilla, pagtingin ni Jamilla ay nagulat siya dahil ang lalaking nakabangga sa kanya ay ang lalaking bumangga sa bumper ng kanyang kotse. Napasimangot siya at gusto niya itong sakmalin.
“s**t! Ikaw na naman! Anong klaseng hayop ka ba? Bakit sa tuwing magkakasalubong tayo ay may nangyayari sa akin na hindi maganda?” singhal ni Jamilla.
“Hey! Relax ka lang, miss, dahil ayaw din naman kitang makita, eh! Sinusundan mo ba ako? I mean, type mo ba ako?” tiningnan niya ang ID ng dalaga at binasa ng lalaki ang pangalan niya.
“Ang kapal mo rin, ‘no? Kung isampal ko sa mukha mo ang mga papeles na dala ko, ano sa tingin mo ang sagot sa tanong mo? Ang presko mo! Akala mo lahat nang babae na makabangga mo ay may gusto sa ‘yo. Sarap mong balatan!” singhal ni Jamilla.
“Jamilla Zapanta. Ang ganda naman ng pangalan mo kaso hindi bagay sa ugali mo. Ang sungit mo, bata ka pa nga pero parang nag-menopause ka na. Dahang-dahan sa ugali mo baka tumanda ka na walang gustong umasawa sa ‘yo! Tumanda kang dalaga at walang magmahal sa ‘yo!” singhal ng lalaki. Galit na galit si Jamilla sa mga sinasabi nito kaya hinampas niya ang balikat nito sabay inaapakan niya ang paa ng lalaki.
“Aray! Ang sakit!” sigaw niya habang tumalon sa sakit ng kanyang paa.
Tumalikod ang lalaki at pumasok ito sa opisina ng CEO. Nagdadalawang-isip siya kung papasok ba siya o hindi, pero kailangan niya itong ma-submit para pagpilian. Kumatok muna siya bago pumasok, pagpasok niya sa loob ay nakita niya ang kaaway niya at nakangiti pa ito sa kanya. Nagulat siya kung bakit nandito ang lalaking ito.
“s**t! Devil smile!” bulong niya sa kanyang sarili at pinaikot niya ang kanyang eyeball. Nakita niyang lihim na ngumiti ang lalaki.
“Good morning, Sir. Ito na po ang final designs ko. Pilian niyo na lang po kung saan diyan ang gusto niyo. Thank you po,” saad ni Jamilla.
"Jamilla, huwag ka nang mag-po sa akin. Magka-age lang naman tayo. Minamadali mo naman ang pagtanda ko,” nakangiting saad ng presidente.
“Okay, Sir. I’m sorry,” saad ni Jamilla.
Sinulyapan niya ang lalaking kaaway niya at nakita niya na nakatitig pala ito sa kanya. Nagmadali siyang lumabas pero tinawag siya agad ng presidente.
“Miss Zapanta, balita ko isa kang car racer?” tanong nito.
“Sir, kanino niyo nalaman?” tanong niya.
“Sa kanya,” sabay itinuro nito ang lalaking nakaupo sa sofa. “Siya si Zandro Navalez. Siya ang CEO ng company." nakangiting sabi nito. Tinitigan ni Jamilla si Zandro at tumalikod na siya para lumabas.
“Sir, excuse me. May gawin pa po ako, eh.”
Hindi comfortable si Jamilla kay Zandro kaya gusto niyang lumabas pero tumayo si Zandro at inabot nito ang kamay kay Jamilla.
“Miss Zapanta, I am please to meet you,” nakangiti nitong sinabi habang nakatingin sa kanyang mukha.
Tinititigan niya ang kamay ng CEO. Nahihiya siya sa ginawa niya sa binata, wala siyang planong hawakan ito pero si Zandro na mismo ang humawak sa kamay niya.
“Excuse me, kailangan ko nang lumabas.” Hinablot ni Jamilla ang kamay niya at lumabas na ito sa opisina.
Paglabas niya sa opisina ay nagtawanan ang dalawa, matalik na magkaibigan sina Anton at Zandro, Malapit sa isa’t isa ang kanilang mga magulang. Magkasundo sila sa lahat nang bagay.
Minsan hindi umuuwi si Zandro sa bahay niya. Sasabihin lang ni Anton na kasama niya si Zandro ay hindi na magtatanong ang mommy nito. Kaya sobrang close nila sa isa’t isa.
Kapatid ni Anton ang babaeng nakalaan para kay Zandro, dahil ito ang gusto ng mga magulang nila. Hindi gusto ni Zandro ang idea ng kanyang parents kaya palagi siyang umiiwas at kay Anton siya magtatago o hindi kaya sa kanyang mga kaibigan.
“Anton, gusto ko siyang makasama araw-araw. Ang astig niya, ngayon lang ako nagkaganito sa isang babae. Ang sarap niyang kausap kahit laging galit, hindi ko alam kung anong meron sa babaeng ‘yon pero nakuha niya ang atensyon ko,” seryosong sinabi ni Zandro.