"Jamilla, mula ngayon samahan mo na ako kahit saan ako pupunta, kung may mga clients akong ka meet up dapat kasama kita para may mga ideas ka kung paano humarap sa mga malalaking clients." Wika ni Zandro.
"Gawin mo akong personal assistant mo Sir?"
"Bakit ayaw mo ba?" tanong ni Zandro kay Jamilla.
"Ayoko, hindi ko naman trabaho iyan
'di ba?" diretsong saad ni Jamilla.
"Zandro, huwag mo namang biglain si Jamilla baka bigla tayong iwanan." nakangiting turan ni Anton kay Zandro.
Wala nang nagawa pa si Jamilla dahil boss niya si Zandro at kahit labag man sa kanyang loob ay kailangang sundin niya ang gusto nito. Kinabukasan ay nagyaya si Zandro kay Jamilla na umalis sila. Meron silang ka meet up na kaibigan kakarating lang nito galing Amerika at niyaya silang mag-coffee. Pagkatapos ng office hour ay umalis na sila. Magkasama sina Zandro at Jamilla sa kotse at samantalang si Anton naman ay sakay sa sariling kotse.
"Kotse ko na ang gamitin natin Jamilla, baka paliparin mo ang racer car mo." wika ni Zandro.
Habang nasa sasakyan silang dalawa ay tahimik lang si Jamilla siya ang nagmaneho kaya hindi niya maiwasang sulyapan si Zandro sa salamin.
"Jamilla, bakit nagtatrabaho ka sa ibang company meron naman kayong sariling company?" tanong ni Zandro.
"Sir, meron akong sariling dahilan. At saka bakit mo nalamang meron kaming company? Huwag mong sabihing pinaimbistigahan mo ang personal kong buhay? Iba ang gusto ko, ito ang dream ko na maging isang designer at kailangang mag-umpisa ako sa mababa hanggang sa unti-unti kong maabot ang gusto ko. Kaya mas pinili ko ang ganito, saka masaya naman ako sa ginagawa ko eh. Siguro kung hindi na kaya nina daddy at mommy na magpatakbo sa aming company saka na ako uuwi." diretsong turan ni Jamilla.
"Kaya mo iyan Jamilla, tulungan kita." Sabay kindat niya sa dalaga at binigyan niya ito ng matamis na ngiti.
"Sir, bakit ang bait mo sa akin kahit ang bastos ko sa iyo?" tanong Jamilla habang diretso ang tingin sa kalsada.
"Kasi gusto kitang kaibiganin at mabait ako sa 'yo kasi gusto ko ang attitude mo, kasi magaling ka at prangka higit sa lahat malaki ang tulong mo sa company, meron pa muntik ko nang makalimutan crush kita." turan ni Zandro habang nakatingin sa reaction ng mukha ni Jamilla.
"I'm sorry, Sir. Hindi kita type. Saka sana pantay-pantay ang trato mo sa aming mga empleyado mo ayokong magkaroon ng haters sa company mo."" prangkang wika Jamilla habang nakasimangot.
"Jamilla, hayaan mo sila. Sanay na sila sa akin kapag meron kaming magandang empleyado ay ganito na talaga ang trato ko, saka crush kita anong masama?"
"Masama sir, dahil boss kita." hindi na nagsalita si Zandro hinayaan niya na lang si Jamilla. Ayaw niya itong galitin dahil nag-drive pa naman ito, natakot siya baka ibangga ni Jamilla ang kotse kapag maiinis ito sa kanya.
Isang coffee shop ang kanilang pinuntahan pagpasok nila sa loob nakita niya si Anton may kasama itong mga lalaking kaedad nila.
"Zandro, salamat at hindi mo ako tinanggihan gusto kong mag-coffee kaso bored ako gusto kong meron kasama." saad ng kaibigan nilang si Arthur, habang nakatingin ito kay Jamilla.
"Obcourse pare, malakas ka sa akin eh. Kumusta ang Amrika? Siya nga pala sinama ko si Jamilla para hindi ako boring sa kotse." nakangiting turan ni Zandro sa kaibigan mga kaibigan.
"Hi, Jamilla. Kumusta ka na?" tanong ni Arthur.
"Okay, lang ako Sir. Sana ikaw rin po." nakangiting saad ni Jamilla.
Tumawa lang si Anton, nakita kasi niyang kumunot ang noo ni Zandro, ang tamis kasi ng smile ni Jamilla sa kaibigan nilang si Arthur.
"Jamilla, mabait ba sa iyo ang mga boss mo? Lalo na si Zandro mahilig pa naman iyan sa mga magandang babae." nakangiting tanong ni Arthur.
"Mabait sila lalo na si Sir, Anton." sagot ni Jamilla habang nakangiti, naiinis na si Zandro dahil binalewala na siya ni Jamilla nakaramdam siya nang selos kay Arthur nakita niyang na-aatract si Arthur kay Jamilla dahil sa mga tingin nitong sobrang lagkit.
"Jamilla, anong gusto mong flavor ng coffee?" tanong ni Arthur.
"Tubig na lang sa akin Sir, mas lalong tumaas ang blood pressure ko sa coffee." Pasaring nito kay Zandro. Alam naman ng binata na siya ang pinasaringan ni Jamilla. Pagdating ng order nilang coffee ay binigay niya kay Jamilla ang isa, habang nakangiti.
"Para sa 'yo iyan babe. Love flavor iyan, promise masarap ang coffee nila rito kahit may kamahalan at least nakakawala ng hi blood." Nakangiting wika ni Arthur, sabay kindat kay Jamilla.
Nag-blush ang mukha ni Jamilla, na parang kinukuryente siya sa ngiti ng binata, kaya binawi niya ang kaniyang mga mata at binaling niya sa iba. Mabuti na lang may tumawag sa cellphone ni Anton at bumaling ang mga mata ni Zandro sa best friend niyang si Anton. Tumawag ang girlfriend ni Anton dahil nagpapasundo ito kasi nasiraan ito ng kotse.
"Oh my god, I'm sorry, Zandro, Arthur. Kailangan ako ng girlfriend ko emergency nasiraan siya ng kotse, Jamilla ikaw na ang bahala kay Zandro. Seryosong wika ni Anton at nagmadaling tumayo.
"Okay, Sir, masusunod. Ngumiti pa si Jamilla. Mag-ingat kayo Sir." nakangiting turan ni Jamilla.
Pagkatapos nilang mag-coffee at nagkukwentuhan ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Nakita ni Zandro na panay ang ngiti ni Jamilla kay Arthur, ang hindi niya alam ay sinadya ni Jamilla iyon para maasar sa kanya si Zandro.
Paglabas nila sa coffee shop ay medyo makulimlim na nagulat si Jamilla nang hawakan siya ni Zandro sa balikat.
"Ang bastos mo rin nuh?" sabay tulak niya kay Zandro. Madaling iniwan niya ang binata pero sinundan siya nito.
"Hey, Jamilla wait. . . wait lang, puwede ba mag-usap muna tayo?" saad ni Zandro pero patuloy pa rin sa paglalakad ang dalaga.
"Wala tayong dapat pag-usapan! Dahil ayokong marinig kung ano man ang sasabihin mo sa akin!
Hindi tayo close! At ayoko sa iyo!" singhal nito.
"Hindi tumigil si Jamilla kaya walang choice si Zandro sumigaw siya at lahat nang tao sa kaniyang paligid ay nakatingin sa kaniya.
"Jamilla. . . I love you. . . " Sigaw ng binata, dahilan para tingnan siya ng mga tao. Huminto si Jamilla at dali-daling binalikan nito si Zandro.
"Anong sinasabi mo? Puwede ba maawa ka naman sa akin, huwag mong guluhin ang buhay ko!" galit na turan nito.
"I love you, mahal kita sa tagalog. Alam mo bang nang una kitang nakita ay mahal na kita? Gusto kitang makasama gusto kitang pasayahin, gusto kitang halikan at gusto kitang mahalin habang buhay." nakangiting wika ni Zandro habang nakasimangot naman si Jamilla, naiinis siya sa binata dahil nagtinginan ang mga tao sa kanilang dalawa.
"Thank you, pero kahit alin diyan sa mga sinasabi mo ay wala akong pakialam! At hindi ako naniniwala sa iyo, huwag mo na akong lapitan kasi hindi kita gusto at ayoko sa 'yo!" galit na turan nito sa binata.
"Pero bakit Jamilla? Pangit ba ako? Ano ang dahilan bakit ayaw mo sa akin?"
"Lahat nang katangian mo gusto ng mga babaeng oto-oto! At hindi ako kabilang sa kanila, kaya huwag mo na akong sundan kung ayaw mong balian kita ng boto! Hindi kita tinatakot! That's a promise! At kahit anong gawin mo hindi kita magustuhan kasi sobrang presko mo! At hindi ka na nakakatuwa."
"Mahal mo ako 'di ba? Kaya nagagalit ka ng ganiyan nakita ko sa mga mata mo, gusto mo rin ako."
"hell no! Never! At kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki dito sa mundo ay hindi
pa rin kita magugustuhan!" Iniwan ni Jamilla si Zandro at pumara siya agad ng taxi, naiwang nakatulala ang binata saka niya na lang napansin na nakatingin ang mga tao sa kaniya. Pagdating ni Jamilla sa kaniyang opisina ay halos ibato niya ang kaniyang handbag
"Ang kapal talaga ng mukha ng mokong na iyon! Pinagtripan pa naman ako! Ano ba ang nakita niya sa akin at kampanti siya na asarin ako! Ang malas ko, bakit siya pa ang naging boss ko! Ang sarap tirisin ng mokong na iyon!" nagulat siya nang biglang sumulpot si Zandro mula sa kaniyang likuran kaya umaatras siya.
"Bakit galit na galit ka sa akin?" nagulat siya nang biglang sumulpot si Zandro mula sa kaniyang likuran.
"Hey! Hanggang sa opisina ko pa naman ay susundan mo ako? Ano ba ang drama mo Sir? Pwede ba layuan mo na ako please. Sa simula pa lang ay ganito na tayo eh, laging nag-aaway kaya kung ako sa iyo iwasan mo na lang ako." galit na saad ni Jamilla.
"Baka nakalimutan mong boss mo ako? Sundin mo ang mga sasabihin ko sa iyo. Gusto kita at mula sa oras na 'to ay akin ka na!" diretsong wika ni Zandro.
"Ang malas ko nga eh, kung bakit sa daming tao sa mundo ay, ikaw pa ang boss ko! Kapag nakikita kita hindi ko mapigilan ang dugo kong umakyat sa ulo ko!"
Lumapit si Zandro kay Jamilla, umatras siya. Pero hindi tumigil ang binata hanggang dumikit si Jamilla sa table tinititigan ng binata ang mga mata niya.
"Jamilla" halos hindi na makagalaw ang dalaga dahil dumikit na sa kaniyang katawan ang katawan ng binata at nalanghap niya ang mabangong hininga nito.
Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig, hinawakan ni Zandro ang kaniyang kamay at nilagay niya sa kaniyang dibdib. Napalunok ng laway ang dalaga, dahil naamoy niya ang mabangong katawan nito.
Pinikit niya ang kaniyang mga mata at nagulat siya nang biglang lumapat ang labi ni Zandro sa kaniyang labi. Hindi na siya pumalag kaya pinasok ng binata ang dila niya sa bibig ng dalaga.
Lumalim ang kanilang halikan at bumaba sa kaniyang leeg ang dila ng binata. At hindi niya namalayang umuungol na pala siya dahil sa sarap ng dila ni Zandro.
Nagulat siya nang hawakan nito ang kaniyang maumbok na dibdib, dahilan sa pagsampal niya sa mukha ng binata kinuha niya ang kaniyang bag at lumabas siya sa opisina.
"Jamilla. . . I'm sorry. Bumalik ka rito please. . . s**t! Ang sarap na sana eh,
pero bakit niya ako sinampal? Maangkin din kita Jamilla, walang puwedeng tumanggi sa akin mahulog ka rin sa mga kamay ko!" galit na bulong ni Zandro sa sarili.
Nakatitig si Jamilla sa salamin at paulit-ulit siyang nagmomog ng tubig, hindi siya makapaniwalang nakipaghalikan siya sa taong iyon. Galit na galit siya sa kaniyang sarili, naramdaman niyang kinikilig siya kanina at nagustuhan niya ang mga halik ng binata, nahihiya siya sa kaniyang sarili dahil ang bilis niyang bumigay sa taong iyon.