CHAPTER 1

1114 Words
Ayaw ng ina ni Jamilla na umalis siya para magtrabaho sa ibang company, dahil meron silang sariling company. Pero ang gusto ni Jamella ay magamit niya ang kanyang talent. Isa designer si Jamilla, at gusto niyang mapatunayan sa kaniyang sarili na kaya niyang maging isang sikat na designer. Labag ito sa loob ng kaniyang mga magulang pero, wala na silang magagawa dahil ito ang gusto ng kanilang nag-iisang anak. “Mommy, okay lang po ako. Kailangan ko lang po itong gawin para sa sarili ko. Gusto kong mabuhay nang hindi nakadepende lang sa inyo ni Daddy. Gusto kong gamitin ang natutunan ko, Mommy." nakangiting saad ni Jamilla sa kanyang ina. "Alam mo namang pangarap ko po na maging isang sikat na designer. At isang malaking company ang pinapasukan ko ngayon,” paliwanag ni Jamilla sa kanyang ina. “Anak, basta kapag nahihirapan ka huwag kang magdalawang-isip na umuwi rito sa mansiyon. Anak-mayaman tayo, bakit kailangan mong magtrabaho sa ibang company?" tanong ng kaniyang ina. Hindi kasi niya maintindihan kung ano ang gusto ni Jamilla. "Dito, ikaw ang CEO tapos doon baka gawin ka nilang tagatimpla ng kape. Samantalang dito seniyorita ka at nag-iisa kang tagapagmana sa lahat ng kayamanan natin,” saad ni Gloria. “Mommy, gusto ko munang patunayan sa sarili ko na kaya ko. Promise, Mommy, hindi kita bibiguin. Gusto kong bumukod sa inyo. Gusto kong makita ang totoong kahulugan ng buhay. Uuwi rin naman po ako sa inyo kung may napatunayan na po ako, Mommy eh.” turan ni Jamilla habang yakap-yakap niya ang kanyang ina. “Mommy, nandito naman po si Yaya Martha. Hindi ka niya pabayaan. Saka si Daddy, palagi naman kayong magkasama araw-araw, ‘di ba?” “Mommy, hayaan niyo muna ako. Gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya kong ipakita sa buong mundo na magaling ako,” seryosong saad ni Jamilla habang nagliligpit ng kanyang mga gamit. “Anak, ang daddy mo hindi mo na ba hintayin bago ka umalis?” tanong ng mommy niya. “Mommy, nagkausap na po kami ni Daddy kagabi. Ang sabi po niya huwag daw akong sumuko. Kung bumagsak man ako, huwag ko raw po kalimutang tumayo. Support siya sa pangarap ko Mommy at alam kong ganoon ka rin po.” niyakap ni Jamilla ang mommy niya at hinalikan niya ito sa pisngi. Kinabukasan ay maagang umalis si Jamilla. Kumuha siya ng sariling condo para mapalapit lang siya sa kanyang trabaho. Gamit ang racer car niya na halos paliparin niya ito dahil nagmadali na siya upang hindi maabutan ng red light. Nag-overtake siya sa isang kotse pero naabutan pa rin siya ng stoplight. Bigla siyang nasubsob sa manibela dahil binangga ang bumper ng kaniyang kotse. “s**t!” saad niya. Agad siyang bumaba sa kotse at tiningnan kung nagasgasan ba ang kanyang kotse. Nayupi ito nang kaunti kaya galit na galit siya, at kinatok niya ang may-ari ng kotse. Binuksan naman ng may-ari ang salamin ng kotse nito pero hinagisan siya ng pera at mabilis nitong isinara ang salamin. Galit na galit si Jamilla nang makita niya ang pera na inihagis sa kaniya. Sa galit niya ay pinokpok niya ang salamin gamit ang kaniyang kamao. Sumakit na lang ang kaniyang kamay pero hindi pa rin ito binuksan. “Hayop ka! Buksan mo ‘to! Anong akala mo sa akin mukhang pera?” sigaw ni Jamilla. Biglang nag-green light na kaya agad na pinatakbo ng lalaki ang kotse nito. Galit na galit siya, sumakay siya agad sa kaniyang kotse at hinabol niya ito. “Hayop ka! Akala mo matakasan mo ako! Hindi ka man lang mag-sorry. Ipakain ko sa ‘yo ang pera mo!” sigaw ni Jamilla. Isang car racer din siya at madalas siyang nanalo ng gold medal. Madalas ay kinukuha siyang model sa mga bagong design ng racer car. Famous siya mula high school hanggang college dahil sa sobrang galing nitong makipagkarera. Hinabol ni Jamilla ang kotse, nakakita siya ng pagkakataon at nag-overtake siya sa kotseng iyon. Hinarangan niya ito at nagmadali siyang bumaba. Lumabas na rin ang lalaki at galit na galit itong humarap kay Jamilla. “Ano pa ba ang problema mo? Binigyan na kita ng pera ah! Bakit mo pa ako sinusundan hanggang dito? Kulang pa ba sa ‘yo ‘yon?” kinuha ng lalaki ang kaniyang wallet at kumuha siya ng pera at Inabot niya ito kay Jamilla pero nagulat siya nang paluin ng dalaga ang kaniyang kamay. “Ano? Ibang klase ka rin, ‘no? Ito ang pera mo, lamunin mo iyan! Hindi ka ba tinuturuan ng mga magulang mo ng tamang asal? Kung nagkasala ka, matuto kang magpakumbaba at mag-sorry! Kapag nagkaroon ka ng kasalanan dapat mag-sorry ka!” sigaw ni Jamilla sa lalaki. “Huwag mong idamay ang mga magulang ko sa katarantaduhan mo! Kung ayaw mo ng pera, umalis ka na sa harapan ko! At alisin mo ang kotse mong hinaharang mo diyan sa sasakyan ko!” singhal ng lalaki. "Ikaw ang unang nag-overtake sa akin at kasalanan mo! Kung hindi ka nakikipaghabulan sa traffic light hindi sana kita nabunggo! Ikaw ang dapat mag-sorry sa akin!” singhal ng lalaki sa kaniya. “Ang kapal ng mukha mo!” natatawang sigaw ni Jamilla. “Ikaw pa rin ang may kasalanan, dahil ikaw ang nakabunggo sa akin! Mag-sorry ka!” ganti ni Jamilla. “Huh? Pinapatawa mo ba ako?” sarkastikong tanong ng lalaki. “kahit anong mangyari ay hindi ako magso-sorry sa ‘yo!” singhal ng lalaki sa kaniya. “Ayaw mo? Okay, wait!” kinuha ni Jamilla ang kanyang baseball bat pinuntahan niya ang kotse ng lalaki at pinokpok niya ang bumper ng kotse nito. Nagulat ang lalaki sa ginagawa ni Jamilla. Sinubukan niyang pigilan ito pero patuloy pa rin sa pagpokpok ang dalaga. “Hey! Anong ginagawa mo sa kotse ko? Oh my god! Anong klaseng nilalang ka ba? Parang hindi ka babae!” sigaw nang lalaki, galit na galit ito sa ginawa niya. “Tinuturuan lang kita ng leksyon! At sana meron kang natutunan!” singhal ni Jamilla. “Bakit mo ‘yan ginagawa? Sinira mo ang kotse ko!” sigaw ng lalaki sa kaniya. Galit na galit ito at tinitigan niya si Jamilla. “Mag-file ako ng case laban sa ‘yo! Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo!” dagdag ng lalaki. “Mag-file ka ng case?” Lumapit si Jamilla sa salamin ng kotse niya para basagin ito pero hinawakan ng lalaki ang kamay niya at inagaw sa kaniya ang baseball bat. “Magso-sorry kana ba? Mag-sorry ka! Simpleng sorry lang naman hindi mo magawa? Huwag mo akong pasikatan sa pera mo dahil marami ako niyan!” dagdag pa ni Jamilla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD