Chapter 14 MISCARRIAGE

1462 Words
NAGTATAGIS ANG PANGA ni Peter habang nakatingin sa dalawang taong magkayakap. Talagang sa harap pa ng building kung nasaan ang condo niya. Gustong-gusto na niyang lusubin ang mga ito pero kinakalma niya ang sarili dahil mas makakaagaw pa sila ng eksena. Kanina nang makita niya ang video na sinend sa kanya ni Zena ay wala siyang inaksayang oras para puntahan ang asawa na kasalukuyang nakikipaglandian sa ex-boyfriend nito. Nang dumating siya doon ay tapos na kumain ang dalawa. Parang may hinihintay o gusto pa makasama ang isa't isa kaya naman tinawagan niya na ang asawa at kunwari ay may pinapahatid. Sumasakit ang mga mata niya makita na may kasamang ibang lalaki ang asawa. 'Nagseselos ka kasi.' Singit ng isang bahagi ng isip niya. "Hindi ako nagseselos! Ayoko lang masira ang pangalan ko!" Depensa niya. Napaayos siya ng tayo nang makitang naghiwalay na ang dalawa at sumakay na ng kotse ang lalaki. 'Nakakainis, kung makangiti parang nanalo sa lotto' Hindi niya akalain na darating siya sa punto na kailangan magtago sa gilid para lamang subaybayan ang isang tao. Never in his life, he did that. Well, his father hid them before. Ang bilis niyang itinago ang sarili nang biglang dumako ang tingin ng asawa sa kanya. Lumakas rin ang kabog ng dibdib niya dahil sa kaba na baka nakilala siya nito. Nang narinig niya sumigaw ang ex nito at pinapapasok na sa loob ang asawa ay kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. Nakayuko siyang nilapitan ang kotse ng kaibigan. Mabilis ang mga hakbang niya. Bakit ba kasi naisipan niya pang bumaba? Kunsabagay, hindi kasi kita sa pinaradahan niya ang pwesto ng dalawa. Nahagip ng tingin niya ang tuluyang pagpasok ng asawa. Lumipat ang tingin niya sa kotse ng ex nito. Nang umandar iyon ay pinaandar na rin niya ang kotse at sinundan ito. Napilitan pa siyang hiramin ang kotse ng kaibigan para lang hindi siya makilala ng asawa kung sakali ngang sundan niya ito. Gusto niya lang makausap ang ex-boyfriend nito at bantaan na layuan na ang asawa niya dahil hindi siya natutuwa. Hindi siya nagseselos! Matagal ng tapos ang kabaliwan niya rito. Simula ng saktan siya nito kahit na wala naman talaga itong alam. Asawa niya ito at hindi niya hahayaan na maiputan siya sa ulo. Malaking kahihiyan 'yon. Naguguluhan pa siya sa tunay na damdamin. Basta ang mahalaga sa kanya ay nasa tabi niya ito, kasama ang anak nila. Hindi rin naman ito nag-de-demand sa kanya. Siguro dahil may mahal itong iba. Tila may pumiga sa puso niya sa kaalaman na 'yon. Napakunot ang noo niya. Saan ba balak magpunta ng lalaking 'yon? Doon niya lang napansin na malayo-layo na rin ang binyahe nila. Napasulyap siya sa cellphone nang tumunog ito. Nagsalubong ang kilay niya nang makita galing sa hospital nila ang tawag. Inabot niya ito gamit ang kanang kamay. Ayaw niya man sagutin dahil wala siyang panahon ngayon. Kailangan niya makausap ang lalaking sinusundan. Pero nang muling tumunog ay napilitan na siyang sagutin at baka importante. "Hello," he answered in a bored tone. "He-hello po Doc Quazon," sagot mula sa kabilang linya pero bakas ang panginginig ng boses nito. "What is it?" Kunot na ang noong tanong niya. "Give it to me," rinig niya singit ng isang boses na kung hindi siya nagkakamali ay si Arjay. "Where are you?" tanong nito. "Why? At ano ba kailangan n'yo? Sinabi ko naman sa 'yo na may pupuntahan ako kaya nga hini—" "Your wife is here," putol nito sa sinasabi niya. He expected his wife dahil nga may pinapadala siya pero ang sumunod na sinabi nito ang gumimbal sa kanya. "She had an accident and she is now in the ER. Kung nasaan ka man o anuman 'yan ginagawa mo, itigil mo. Your wife needs you here, damn it!" Tila huminto ang mundo niya. Did he hear it right? O, baka nagkakamali lang siya? "Peter, are you still there?" Ang sunod-sunod na pagbusina ang nagpabalik kay Peter sa kasalukuyan. Hindi niya napansin na nahinto na pala siya sa pagmamaneho. "F*ck! Are you driving? Get yourself, Peter! Baka may mangyari rin sa 'yo. Come here as fast as you can but be careful. I will make sure your wife will be safe." Namatay na ang linya habang siya ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Alam niya na halos isumpa na siya ng mga kasunod kanina na mga sasakyan dahil sa bigla niyang pagpreno nang hindi niya namamalayan. Mabuti at hindi siya naaksidente. Nakalimutan na rin niya ang taong sinusundan. His mind is occupied with worry for her wife and unborn child. "F*ck!" Malakas niyang mura kasabay nang paghampas niya sa manibela nang maabutan pa siya ng red light. His heart was beating too fast, his hands were trembling, and his whole body was trembling. Paanong naaksidente ang asawa? He keeps glancing at the numbers that indicate how many seconds are left before it turns green. At tila ang oras ay biglang bumagal. Kung kailan ka nagmamadali. Kung wala lang nakaharang na isa pang kotse sa harap niya ay kanina pa siya humarurot. The hell he care about the law. Bawal bawas ng oras ay tila dagdag naman sa takot at pangambang nararamdaman niya para sa kanyang mag-ina. Nang malapit na mag-green ay walang kahirap-hirap niyang nilagpasan ang nasa unahan niya. He drove as fast as he could. Nang makarating siya sa hospital—sa mismong ER ay basta na lang siya bumaba at walang pakialam na iniwanan ang kotse na nakaharang. Nang makita ang security na papalapit sa kanya ay sinenyasan lamang niya ito. Alam na nito na emergency at ito na ang bahala sa pag-park ng dala niyang sasakyan. Malalaki ang mga hakbang niya hanggang sa makarating siya sa tapat mismo ng ER. He wanted to go inside to check his wife but he was aware of the rules and regulations. Nang makita ang kaibigan na palabas ay sinalubong niya ito. "How's my wife?" Tumingin sa kanya si Arjay ngunit saglit lang saka sinulyapan ang kasama nitong nurse na nasa likuran nito. "Prepare everything Doctor Reyes needs." Nang makaalis ang nurse ay muli siyang binalingan ng kaibigan. "What? Answer me, how is my wife?" May diin na niyang tanong. "Doctor Reyes is already inside. Just pray that your wife and the baby both survive." "I heard a but, Arjay?" Hindi niya gusto ang tono nito. Parang may gustong iparating. Huminga ito nang malalim bago ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng doctor's coat na suot. "Nasagasaan ang asawa mo. Mabuti at hindi gano'n kalakas ang impact ng pagkakabangga sa kanya. Pero, dinugo siya," paliwanag nito. Napaatras siya at napapikit. Naikuyom niya ang mga kamao. Kasalanan niya ito. Kung hindi niya sana inutusan ang asawa. Kung hindi sana umiral ang pagiging praning niya, hindi mangyayari sa asawa ang nangyari rito. Wala sana ang asawa sa loob ng emergency room. "Nygel Peter, what is happening?" Ang boses ni Amah ang nagpamulat sa kanya. Papalapit na ito sa kanya. Worried is written all over her old but still gorgeous face. "Where is Khaira?" sunod nitong tanong. Nagkatinginan sila si Arjay. "What? Where is she?" madiin na nitong tanong. He pressed his lips before he answered, "In the emergency room, Amah," sabay iwas niya ng tingin rito. "What did you do this time?" May pag-aakusang tanong ni Amah. Pero bago pa niya masagot si Amah ay may lumapit sa kanilang dalawang pulis at isang may-edad na lalaki na bakas ang takot sa mukha nito. Nang maalala niya na nasagaan ang asawa ay mabilis niya sinugod ang lalaki at tumama rito ang kanyang kamao. "Peter!" "Nygel Peter! "Sir!" Sabay-sabay na tawag sa kanya. Lalapitan niya pa sana ang nakahandusay ng lalaki nang hawakan siya ni Arjay. "Let me go, Arjay! I will kill that bastard!" Nanggagalaiti niyang sabi habang pilit kumakawala sa pagkakahawak ni Arjay. Aaminin niya malakas ito, tapos humarang pa sa harapan niya si Amah kaya naman hinihingal siyang tumigil sa pagkakawala sa hawak ni Arjay. But his eyes are like a knife that is ready to kill that man. Wala siyang pakialam kahit matanda pa ito. Dahil rito kaya nasa panganib ang mag-ina niya. "This is not the right place to act like that, Nygel Peter!" Amah whispered in her warning tone. Bago pa siya makasagot ay kasabay nang pagbukas ng ER. Lahat sila ay napatingin doon. Naramdaman niya rin ang pagbitaw ni Arjay sa kanya. Nauna pang nakalapit si Amah bago siya sumunod. "How are they?" Amah asked. He doesn't like the expression he was seeing in Doctor Reyes' face. He was very familiar with that look. No! It can't be. "Talk Doctor Reyes," untag ni Amah rito. Huminga nang malalim si Doctor Reyes bago nagsalita," I'm sorry to say…" 'No!' "We tried our best but the baby did not survive."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD