Chapter 15 LEAVING

2310 Words
DAHAN-DAHAN iminulat ni Khaira ang kanyang mga mata. Puting kisame ang unang sumalubong sa kanya. Inaalala niya ang huling nangyari. At gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya saka inilibot ang tingin. She saw Amah sitting on the couch. She looks like not in herself. Dahil hindi man lang nito namalayan ang kanyang paggising. "A-amah," mahinang tawag niya rito dahil parang wala pa siyang sapat na lakas. Mukhang hindi narinig ni Amah ang pagtawag niya dahil hindi man lang ito tumingin sa gawi niya. Nanatili ang seryosong mukha nito na nakatingin lang ng diretso. "Amah!" Pinalakas niya ang boses sa abot ng kanyang makakaya. And that is when Amah faced her. Mabilis na tumayo si Amah at nilapitan siya. "How are you, iha?" masuyo nitong tanong sabay hawak sa kanyang kanang kamay. "Do you need anything?" tanong muli nito. Umiling siya saka dumako ang tingin sa kanyang tiyan kasabay rin nang paghawak ng kaliwa niyang kamay rito. "Ho-how is my baby?" Hinaplos-haplos pa niya ang tiyan. She glanced at Amah when she didn't answer her inquiry. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito. Her serious aura starts occupying the whole room. Tila biglang may bumara sa lalamunan ni Khaira. She didn't like what she's seeing. The serious expression on Amah's face is like saying something bad happened. "A-mah. I'm asking you-po. Kumusta po an-ang baby na-namin?" Kahit anong pigil niya ay hindi niya napigilan mapahikbi. 'No! Maayos ang baby ko.' Huminga nang malalim si Amah saka siya tiningnan sa mga mata. Ngayon ay may nakikita na siyang emosyon roon. Isang emosyon na hinding-hindi niya kakayanin. Hindi pa man lumalabas sa bibig ni Amah ay tila may pumipiga na sa kanyang puso. Naagaw ang atensyon nila nang bumukas ang pinto at iniluwal si Peter. Nagsalubong ang kanilang mga tingin. And like Amah, Peter had this emotion on his eyes. Humakbang si Peter palapit sa kanila. "Amah, take some rest," sabi nito kay Amah. Nalipat ni khaira ang tingin kay Amah at nahabag siyang makita ang kalungkutan sa mukha nito. Bakas na bakas ang pighati na nararamdaman nito. At unti-unti ay pumapasok na ang ideya na 'yun sa kanyang isip. "How about Khaira," rinig niyang tanong ni Amah sabay tingin sa kanya kaya nagtama ang kanilang mga mata. "I handle it, Amah," tanging sagot ni Peter. Muling humarap sa kanya si Amah, humigpit ang pagkakahawak nito sa kanang kamay niya na hindi pa pala nito binibitawan. Kapagkuwan ay mahigpit siyang niyakap. "Be strong, iha." Mas humigpit ang yakap ni Amah sa kanya at hindi nakaligtas ang pagkabasag ng boses nito na parang naiiyak. Mas lalong lumakas ang kutob niya pero pilit pa rin ito kinokontra ng isip niya. Nang makalabas si Amah ay namayani ang katahimikan sa loob ng silid. Walang gustong magsalita. Maging siya ay tila naputulan ng dila dahil natatakot siya. Natatakot siya na marinig ang mga salitang magpapagunaw ng mundo niya. "Nagugutom ka ba? Ano gusto mong kainin?" Pagbasag ni Peter sa katahimikan. Nanatili itong nakatayo sa may gilid ng kama. Habang siya ay nanatiling nakatingin sa pintuang nilabasan ni Amah. "Qīzi," masuyong tawag nito sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata saka dahan-dahan na nilingon ang asawa. She needs to be strong like what Amah said. But, could she? "Ku-kumusta an-ang ba-baby?" Buong tapang niyang tanong. Iniwas ni Peter ang tingin sa kanya. At doon ay hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Hindi siya tanga. Hindi pa man niya naririnig ay alam na niya. "An-answer me, Ny-Nygel. A-ayos lang si ba-baby, 'di ba?" Nakita niya ang pagtagis ng panga nito at pagkuyom ng mga kamao habang ang dibdib nito ay nagtaas-baba. And at that moment, she cried out loud. "No! Nygel, tell me that my baby is safe—our baby is safe!" Binalak niyang bumaba sa kama upang lapitan ito pero mas nauna itong lumapit sa kanya. Niyakap siya nito. "Ok-okay lang si baby, 'di ba? Ayos lang siya. Uuwi na tayo, ta-tara na," sambit niya sa pagitan ng pag-iyak. Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ng asawa. "Wa-wala na ang ba-baby," basag ang boses nitong tugon. Natigilan siya. At hinihintay na mag-sink in sa utak niya ang sinabi ng asawa. Wala na ang baby niya. Wala na ang baby nila. Bakit? Isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya. Sigaw na punong-puno nang paghihinagpis. Pinaghahampas niya pa ang asawa sa dibdib nito kahit anong higpit ng yakap nito sa kanya ay para bang napakalakas niya. "You're lying! My baby is fine! Get out! Leave me alone! Sin-sinungaling ka!" Pagwawala niya. Pero kahit anong hampas ay hindi siya binitawan ng asawa. Nanatili itong nakayakap sa kanya. Masakit. Sobrang sakit. Ito ba ang parusa dahil sa ginawa niyang desisyon? Ang gamitin ang bata para sa pansariling hangarin. Pero mahal niya ang anak. Kahit na nabuo ito sa bagong teknolohiya, mahal niya ang anak. Kahit na hindi ito bunga ng pagmamahal. Ilalaban niya ang anak. Pero bakit? Bakit naman ganon? Hanggang sa tuluyan siya napagod. Napagod makipagtagisan ng lakas sa asawa. Na mukhang walang balak na magpatalo. Sana…sana panaginip lang ang lahat. LIMANG araw na mula nang makunan si Khaira. Dumating ang mga magulang niya at maging ang mga ito ay sobrang nasaktan. Unang apo. Gayunpaman, pinilit ng mga magulang niya na bigyan siya ng magandang dahilan bakit nangyari 'yun. Magandang dahilan? Walang magandang dahilan sa pagkawala ng anak niya. She wants to be optimistic but how? Siya ang nawalan, masakit 'yun. Sobrang sakit! At sa loob ng limang araw na 'yun ay hindi niya kinausap ang asawa. Wala siyang gana na kausapin ito. Hindi niya alam, bakit? Basta, ayaw niyang makita ito. Siguro dahil sa kabilang parte ng puso at isip niya. Sinisisi niya ang asawa. Kung hindi siya nito inutusan, hindi siya masasagasaan. "Kumusta po siya?" Napalingon siya sa nakasaradong pinto nang marinig ang boses ng asawa. "Ganon pa rin po. Halos hindi niya ginagalaw ang pagkain na dinadala namin," sagot ni manang Perla—ang mayordoma sa mansion. Oo, pagkalabas niya sa hospital ay sa mansion sila dumiretso sa utos na rin ni Amah. Pero wala si Amah ngayon dahil kailangan nito lumipad patungong Malaysia. "Ako na po magdadala nito." "Sigurado ka ba?" "Opo. Sige na po manang, makakaalis na kayo," sabi pa ng asawa niya. Nang bumukas ang pinto ay hindi siya umalis sa pagkakaupo sa may balkonahe ng silid niya. Nanatili siyang nakatanaw sa kalangitan na nagbabadya ng isang malakas na pag-ulan. "I bring you food. Hindi ka na naman kumain?" tanong ni Peter sa kanya. Hindi siya sumagot. Narinig niya ang mga yabag na papalapit sa kanya. Hanggang sa huminto ito sa kanyang likuran. Napapikit siya nang maamoy ang pamilyar na pabango ng asawa. Amoy na hinahanap-hanap niya. "Do you think our baby will be happy seeing his mom like this? You are trying to kill yourself, Monique!" Napamulat siya dahil sa itinawag nito sa kanya. Unang beses na tinawag siya nito sa kanyang pangalawang pangalan. At hindi niya alam pero tila napaka-pamilyar no'n. Dahil nagawa nitong patibukin nang malakas ang kanyang puso. "Stop it. Just tell me what do you want me to do? Huwag mong ikulong ang sarili mo. Kahit ano pa gawin mo, wala na ang anak natin!" Nagpanting ang tainga niya sa sinabi ng asawa. Padasko siyang tumayo saka hinarap ito. "Do you hear yourself? How do you manage to act like you never lost a child? Talaga bang wala kang puso?" Naggagalaiti niyang sumbat rito. "Kung ikaw walang pakialam pwes huwag mo akong idamay! I lost my child, limang araw pa lang. And you wanted me to act as if it didn't happen? You're unbelievable!" Sa frustrasyon na nararamdaman niya ay ngayon niya nailabas—sa asawa niya. Kasalanan naman nito, he provoked her. Nagtagis ang panga ni Peter at matalim na sinalubong ang kanyang mga mata. She can see hatred in his eyes. She swallowed her own saliva, regretting her action. "Is that what you think? That I don't care about my own child? Is that how cruel I am to you?" Maging ang boses nito ay punong -puno ng galit. Ramdam na ramdam niya ang pagbabago ng awra nito. Katulad nang araw na nalaman nito na birhen pa siya. "I'm a f*cking doctor. I have duties to fulfill and patients need me. At gusto mo magmukmok ako rito. Naisip mo ba 'yun?" Balik sumbat nito sa kanya. "You're a doctor?" She sarcastically said. "A doctor who failed to save his child? Is that what you're saying?" Her voice is full of sarcasm. "F*ck it! Don't bullshit me, Monique! I'm a neurosurgeon and not an OB-GYN! F*cking tell me what do you want now? Let's not pretend that we are okay?" Diretsahang tanong nito. Ilang dipa lang ang layo nila sa isa't isa kaya ramdam na ramdam niya ang galit nito. Pero, siguro nga ito na rin ang tamang oras. Tutal, napilitan lang naman ito na pakasalan siya dahil sa baby. Ngayon wala na ang bata. Wala na rin dahilan para manatili pa siya sa tabi nito. 'Mahal mo siya, 'di ba?' Paalala nang munting tinig na 'yun. Yes. She falls in love, unexpectedly. Pero hindi sapat 'yun para manatili. She was sure that someone was waiting for him. Bigla niyang naalala ang tumawag rito. Tinalikuran ni Khaira si Peter at pinilit ikalma ang sarili nang maramdaman ang paninikip ng dibdib dahil sa alaala na 'yun. Oo, na! She was jealous and…hurt. "I want an annulment," buong tapang niyang sabi. Ilang minuto ang lumipas na wala siyang narinig na sagot kaya naman napilitan siyang muling harapin ito. Matiim ang pagkakatitig ni Peter sa kanya. Para bang pilit pinapasok ang tunay niyang kagustuhan. Pero ginawa niya rin ang makakaya niya to hide her feelings. "What did you say?" tanong ni Peter makalipas ang ilang minuto paninitig sa kanya. Matapang niyang sinalubong ang mga mata ng asawa. "I want an annulment. Tutal, ang baby lang naman ang dahilan bakit tayo naikasal. Now, the baby is gone. Meaning, no reason for us to be together. 'Yun naman ang gusto mo, 'di ba? To discard me," puno ng pait na turan niya rito. Nakita niya ang pagbanggaang ng mga kilay ng asawa. Nagulat ba ito? Bakit? Hindi naman siya manhid tulad nito. Baka nga tuwang-tuwa pa ito na nawala na ang baby nila. Huminga siya nang malalim. Alam niyang mali na husgahan ang asawa pero…nasasaktan siya. "Is that really what you want?" muli nitong tanong. Marahan siyang tumango. "I thought you needed money?" paalala nito sa kanya. She gritted her teeth. Yes, it was true. She needs money and his surname. Pero ano gusto nitong sabihin? Manatili silang kasal. "Yes, I need money and your f*cking name. Pero, hindi mo na problema 'yun. Ako na bahala!" "Makikipagbalikan ka sa ex mo?" Out of nowhere he asked, which made her eyebrows raise. "What?" tanong niya upang siguraduhin ang narinig. Ipinasok nito ang mga kamay sa bulsa ng suot na black pants. "You don't need it. Because our marriage is…fake." Huminto yata ang mundo niya sa pag-ikot. Anong sabi? Fake? Peke ang kasal nila? Paano? "You are right all along. I don't want to marry you even though you are carrying my child. But, Amah blackmailed me. She said she would leave to my unborn child all her businesses, assets, money, and even the main hospital that I wanted so much. I have no choice. However, I'm not that stupid. Amah's fault is that she let me handle my wedding. Kaya nagawa kong pekehin ang kasal natin. Now, if you want to leave, go ahead. The door is open." Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig. Paano nangyari 'yun? Talaga bang nagawa ni Peter ang bagay na 'yun. Paano nito nagawang lokohin ang mga tao lalo na si Amah. "Don't you think Amah will surely get mad once she finds out about it?" "She will. If you will tell her. Pero, kapag nangyari 'yun, magpaalam ka na rin sa resort n'yo. Because I will make sure that you will not see it anymore." Napasinghap siya sa sinabi nito. 'What the heck!' "I'm not kidding, Khaira Monique. Kung gusto mong manatili nakatayo ang resort n'yo, umalis ka nang maayos sa buhay ko. No one will know about our fake wedding, especially Amah. I want people to believe that you left me—" "At ako ang magmumukhang masama?" Putol niya sa sinasabi nito. Peter smirked. "Yes. Don't worry, once you do that I will continue to support your not-so-beautiful resort of yours," he said sarcastically. "For what?" Naguguluhan niyang tanong. Hindi niya makuha ang gusto nito mangyari. Mas sumeryoso ang mukha nitong tumingin sa kanya. "Simple, you asked for annulment. At kapag nangyari 'yun, lalabas na ako ang masama. And I won't let that happen. Gusto kong isipin ng mga tao na umalis ka tutal balak mo balikan ang gago mong ex, 'di ba?" "Hindi siya gago!" Pagtatanggol niya. "Really?" Tinalikuran siya ni Peter pagkasabi no'n. "Leave peacefully. Maybe after five years, pwede ka nang bumalik. Siguro naman sa mga oras na 'yun. Nakalimutan na ng mga tao ang koneksyon natin dalawa. I'm giving you a good deal." "What if I stay as your wife?" Hindi niya napigilan itanong. Ewan niya ba pero parang may sariling isip ang bibig. Dahan-dahan na humarap si Peter sa kanya. Madilim ang mukha nito. May mali ba siyang sinabi? She was just asking. "Kaya mo bang pakisamahan ang taong sinisisi mo kung bakit namatay ang bata sa sinapupunan mo? Kaya mo ba ako makasama muli sa kama?" Natigilan siya. "Sagot!" Napakislot siya nang sumigaw ito. At kasabay nang pagtulo ng mga luha ay ang pagtalikod niya sa asawa at pagkuha ng kanyang maleta. Yes, she's leaving. Bukod sa hindi niya pa kaya makita ang asawa ay mas lalong hindi niya makakaya na baka ipakita pa nito na may iba itong mahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD