Chapter 13 CYRIUS

2705 Words
INABALA Na lang ni Khaira ang sarili kaysa mag-ovethink. Walang maidudulot sa kanyang mabuti at sa baby niya ang mag-isip ng kung ano-ano. Napangiti siya nang tingnan ang pinasa na mga picture ng mama niya. Mga litrato ng bawat sulok ng kanilang resort. Unti-unti na nga muling bumabangon ang Dream Paradise. Ito ang dahilan kung bakit siya nauwi sa desisyon na ikasal kay Peter. They needed his name to get a lot of investors. 'Yon ang totoong dahilan kaya pumayag na rin siya. Nang una ang tanging gusto niya ay makakuha lamang ng mag-i-invest o makahiram ng pera pero nang kinausap siya ni Amah at sinabi na hindi sapat 'yon ay doon niya lang naintindihan. Malaking halaga ang kailangan upang makabawi sila. Kung hindi lang nagkasakit si Papa hindi naman sila mamomoblema sa pera. "Senyorita, kanina pa po tumutunog ang cellphone n'yo kaya hinatid ko na po sa inyo," napukaw siya sa sinabi ni Ate Nida na nasa kanyang harapan na at hawak ang cellphone niya na patuloy pa rin sa pagtunog. Kinuha niya ito at nagpasalamat. Naiwanan niya yata sa kusina, narito kasi siya sa may sala at nanonood ng palabas sa t.v na mukhang hindi rin naman niya maintindihan dahil wala doon ang isip niya. Napatingin siya sa hawak na cellphone. Nagliwanag ang kanyang mukha nang makita kung sino ang tumatawag. Kaybilis niya itong sinagot. "Cyrius!" banggit niya sa pangalan nito pagkapindot niya sa answer button. "Do you need to yell?" reklamo naman nito sa kabilang linya. Tumawa lang siya. "How are you? Na-excite lang naman ako nang makita na ikaw ang tumatawag," biglang napalitan ng lungkot ang boses niya. Ang huling usap nila ay ang araw na nakipaghiwalay siya rito. "Buti tinawagan mo na ako?" Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito. "I'm sorry, naging busy lang ako saka, Do you still think that we can chat and see each other often after you get married?" Hindi makapaniwala nitong bulalas. Doon siya natigilan. Oo nga naman. Cyrius is still her ex-boyfriend. Pero kaibigan niya rin ito. "But, we are still friends, right?" Pagkumpirma niya. Muli niyang narinig ang pagbuntung-hininga nito na para bang stress. "Are you okay? Where are you? What have you done for the past two months?" sunod-sunod niyang tanong. Ewan niya ba pero hindi pa rin mawala sa kanya ang mag-alala para rito. Is she guilty for breaking up with him? "Can we meet now?" Balik-tanong ni Cyrius sa kanya imbes sagutin ang kanyang mga tanong. "As in now?" "Yes. Where are you? Ako na lang pupunta sa 'yo, d'yan na lang tayo sa malapit magkita," suhetsyon nito. "How about here in our condo?" Suhestyon niya rin. "Are you out of your mind? Nag-asawa ka lang, tumagilid na rin 'yang utak mo," sermon nito sa kanya na ikinangiwi niya. Lumalabas na naman kasi ang pagkataklesa nito na parang babae. "I'm still your ex-boyfriend. Mamaya ano pa isipin ng asawa mo kapag nalaman niya na nagpunta ako d'yan," pagpapatuloy nito. Tila naman napaisip siya sa sinabi nito. Oo nga naman. Bakit pa bigla nawala ang talino niya. "Rainbow Corner tayo. I miss their foods, may branch sila rito," bakas ang excitement sa boses niya nang maalala ang naturang restaurants na talaga naman napakasarap ng mga foods. Tutal past two o'clock na kaya pala nagugutom na naman siya. "Text me your location, see you." Bago pa siya makasagot ay busy line na ang sumalubong sa kanya. Umikot na lang ang mga mata niya, hindi pa rin kasi ito nagbabago. Kailangan ito ang unang magbababa. At hindi niya makuha ang rason kung bakit. Nang maalala na magkikita sila ay muli siyang napangiti saka nagsimula nang mag-asikaso. Malapit lang naman ang Rainbow Corner sa building kung nasaan ang condo ng asawa. "Senyorita, aalis po kayo?" tanong ni Ate Nida nang maabutan niya ito sa sala na naglilinis. "Opo. D'yan lang naman po sa may malapit may kikitain lang po ako," tugon niya. Napansin niya na tila naging aligaga ito. "My problema po ba?" "Ano po kasi—samahan ko na po kayo." "Hindi na po. Sandali lang naman po ako," pagtanggi niya. Muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin na naroon. "Pe-pero kasi Senyorita baka magalit po si Senyorito," bakas ang takot sa boses ni Ate Nida. Mukhang binilinan nga ito ng asawa. Humarap siya rito. "Ate, d'yan lang po ako sa may Rainbow Corner at sandali lang din po ako. Hindi po ako preso rito, asawa niya po ako kaya hindi niya ako pwede pagbawalan na umalis," mahinahon niyang sabi kahit medyo nakaramdan siya ng inis para sa asawa. 'Mukha ba akong preso?' "Hindi naman po sa gano'n, Senyorita." Yumuko pa si Ate Nida na tila nahihiya kaya namam nilapitan niya ito at hinawakan sa mga kamay. "I will be fine po. Don't worry, saglit lang po talaga ako, importante lang po talaga. Ako pong bahala sa kanya." Nang tumango ito ay hudyat na 'yon para umalis na siya. PAGKAPASOK NI Khaira sa loob ng restaurant ay agad niya nakita si Cyrius. Malawak ang pagkakangiti niyang nilapitan ito. Nakayuko ito at mukhang abala sa cellphone kaya naman hindi siya agad nito napansin. "Magseselos na ba ako?" tanong niya nang pabiro upang agawin ang atensyon ni Cyrius. Nag-angat ito ng tingin saka mabilis na tumayo. "You're here." "Ay, wala pa, kaluluwa ko lang ito," pilosopo niyang sagot na ikinailing ni Cyrius. Hinalikan siya nito sa pisngi saka pinaghila ng upuan. Always the gentleman. "I already ordered our food. Hoping it's still what you want, nevertheless, you can order again," sabi nito matapos makabalik sa sariling upuan. "Nah' it's fine. Hindi naman ako maselan at alam mo 'yon." "Yea. But you're pregnant, so, it's also given that you might be a little demanding, choosy and patay-gutom," tumawa pa ito sa huling sinabi kaya naman sinamaan niya ito ng tingin. "How dare you!" Kunwari ay naiinis siya at humalukipkip pa. "Stop it. Ang baby, remember." Umayos ng upo si Cyrius saka siya seryosong tiningnan. "How are you Khai?" Pati siya ay napaayos na rin ng upo. "I think I'm…doing good." Sinalubong niya ang mga mata nito. Hindi siya sigurado pero tila may nakita siyang guilt sa mga mata nito dahil mabilis lang 'yon at napalitan na ng tuwa. "It's good to hear that. I'm happy to see you happy. I really am. See yourself, more beautiful and happy. And will have your own family soon." Hindi sanay si Khaira sa seryosong Cyrius. Madalang lang din kasi ito kung magseryoso kaya nga sila pumatok dahil kuhang-kuha nila ang kiliti ng bawat isa. "I hope you don't blame yourself anymore. I respect your decision and believed that destiny really has its own way." "Cy," sambit niya sa pangalan nito. Bigla kasing tila may bumara sa lalamunan niya at namuo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Paano niya ba nagawang talikuran ang isang katulad ni Cyrius? Tumikhim ito na para bang pati ito ay gusto na rin maiyak. Mas malala pa sila ngayon kaysa nang araw na tinapos niya ang lahat sa kanila. Siguro, dahil ngayon lang nila na-absorb ang tunay na nangyari sa pagitan nila. Hinawakan nito ang kamay niya na nasa ibabaw ng lamesa, pinisil nito 'yon habang nanatili ang kanilang mga mata sa isa't isa. "Nakipagkita ako dahil gusto ko rin magpaalam sa 'yo." Napakunot ang noo niya. "I will be leaving." "Le-leaving?" Bahagya itong tumango. "Yes. Pupunta ako ng London." "Hanggang kailan ka doon?" "I don't know. Maybe a year, two, or stay for good. Dipende sa naghihintay sa akin doon." Hindi na niya napigilan ang paglaglag ng mga luha niya na kanina pa nagbabadya. "Hey! Why are you crying?" Mabilis si Cyrius na nakalapit sa kanya. Iniluhod pa nito ang isang tuhod saka sinapo ang kanyang mukha. Mabuti na lang at medyo nasa dulong bahagi sila ng restaurant at kahit paano ay hindi sila agaw eksena. Pero may mga ilan ang napapatingin sa table nila. Paano ba naman kasi, ang ayos ni Cyrius. "Are you okay?" Pinunasan nito ang mga luha niya gamit ang thumb finger nito. "Don't cry, Khai. Baka mapano kayo ng baby." Nang maalala ang anak ay kinalma niya ang sarili. "Tu-tumayo ka nga d'yan. Nakakahiya, baka an-ano ang isipin ng mga tao," pahik-hikbi niya pang sabi. Natatawa na naiiling naman si Cyrius. Sinigurado muna nito na napunasan na nito ang luha niya bago ito muling bumalik sa dating pwesto. Inabutan rin siya nito ng tissue. "Are you okay now?" Inirapan niya ito. "After what you said?" Huminga siya nang malalim. "Why are you leaving?" Bago pa makasagot ito ay dumating na ang mga pagkain na in-order ni Cyrius. Malawak siyang napangiti nang makita ang mga paborito niya. Cyrius tsked. "Kapag ba buntis, nababaliw na rin? Kanina lang umiiyak ka tapos ngayon tuwang-tuwa naman." She stuck her tongue out to him. "Pakialam mo ba. Kain na tayo. We're hungry." Hinawakan niya pa ang tiyan. "Fine." Nawala saglit sa isip ni Khaira ang pinag-usapan nila. Inasikaso siya ni Cyrius just like before. "I want mango cake for desert," wala sa sariling sambit niya habang isinusubo ang huling hipon na binalatan pa ni Cyrius. "What?" tanong niya nang makita itong nakatitig sa kanya. "You're still hungry?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango siya. "Yes. And I want mango cake, please." "Stop using those puppy eyes of yours," natatawa nitong sabi saka tinawag ang waiter upang i-order ang gusto niya. Malapad siyang napangiti. Sumandal si Khaira sa sandalan ng upuan sabay hawak sa kanyang tiyan. "I'm so full." Naitakip niya bigla ang bibig nang mag-burp siya. "Excuse us," sabay hagikhik. "Tapos gusto mo pa ng mango cake? Kaya mo pa?" "I still want my mango cake." Puno nang determinasyong sagot niya rito. "Pero aalis ka talaga?" Nagsalubong muli ang tingin nila. "You're leaving because of me?" He shook his head. "No Khai. Hindi ikaw ang dahilan. Matagal ko na rin gustong umalis. Ito lang ang tamang pagkakataon." "Are you not happy here?" Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha nito. Para bang may gustong sabihin pero hindi pa ito handa. "May problema ba? You know, you can still count on me," pangungumbinse niya. Alam niyang may alalahanin ito. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito sabay yuko. "Khai, I can't tell you now. Dapat matagal ko na itong ginawa. I'm sorry too, I have become too selfish. Pero mukhang si God na mismo ang gumawa ng way. Because you deserve to be happy, to be loved and to have a family like you wanted. I'm sorry if I can't give you that, but believe me, I did love you and still love you." Kinuha nito ang kanyang mga kamay at mahigpit na ikinulong sa sarili nitong mga kamay. "Be happy and don't let anyone ruin your family. If you need anything, don't hesitate to call me. I will always be here for you." Hindi alam ni Khaira kung ano ang mararamdaman sa mga sinabi ni Cyrius. Nangilid muli ang mga luha sa kanyang mga mata. Pero ramdam niya ang bawat salita nito na tumatagos sa kaibuturan ng puso niya. She's willing to wait to hear his reason. She knows there is something deep to his words. Ibubuka niya pa lang ang bibig nang marinig ang pag-ring ng cellphone niya. Napalingon siya sa bag na nasa ibabaw ng table kasabay ng pagbitaw ni Cyrius sa kanyang mga kamay. Kaya naman kinuha na niya ang cellphone at baka importante. Napasulyap pa siya kay Cyrius nang makita si Peter ang tumatawag. "Who's that?" tanong nito. "My husband," tipid niyang sagot. "Answer it. Don't mind me." Dahil sa sinabi nito ay sinagot na niya ang tawag ng asawa na mukhang walang balak na tumigil. "Where are you?" Bungad agad ng asawa ni hindi man lang nito nagawang batiin siya. "I'm asking you. Where.Are.You?!" Nagitla siya dahil lumakas ang boses nito at parang galit. Biglang kumabog ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay para siyang isang magnanakaw na nahuli sa akto. Pero wala naman siyang ginagawang masama. "Na-nasa labas ako, ba-bakit?" She stuttered. Kaya naman napalingon sa kanya si Cyrius na kunot ang noo. And she knows why. Dahil kilala siya nito na kalmado at laging ready na makipagsabayan kahit saan pa. "I need the folder in my office. I want you to bring it here. Hindi ako makaalis dahil busy ako. You can do that, right?" Mahinahon na ang boses ni Peter pero nandoon pa rin ang diin. "Yea. Ngayon na ba?" "Yes. I will wait for you here." Ibinaba na nito ang linya. "May problema ba?" Pukaw sa kanya ni Cyrius na bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Umiling siya. "Wala. May gusto lang siyang ipahatid sa opisina niya, naiwan niya sa bahay. Mauuna na ako sa 'yo." Tumayo na siya. Mukha kasing mahalaga ang ipinapadala ng asawa kaya dapat rin siya magmadali. "Seriously? Wala ba siyang ibang mauutusan? Kailangan ikaw pa talaga? You're pregnant for Peter's sake, Khai!" iritado nitong sabi. "Ayos lang saka maliit na bagay lang 'yon. Baka mahalaga kaya hindi na niya maiutos sa iba," depensa niya sa asawa. "Ihahatid na kita sa condo n'yo tapos sa kung saan mo man ihahatid ang pesteng naiwan ng asawa mo. Pa-take out ko lang ang mango cake mo. Hintayin mo ako sa labas." Tumayo na ito saka lumapit sa may counter area. Doon niya lang naalala ang mango cake na order niya. Napangiti na lang siya habang pinagmamasdan si Cyrius. She never regretted loving that man. Masyado magkaiba ito at ang asawa. Kaya ang isipin na unti-unti na napapalitan ni Peter si Cyrius sa puso niya ay tila nagbibigay sa kanya ng kaguluhan. Mabilis lang nila narating ang condo dahil nga malapit lang ito. Nang papasok na sila ay hinarangan sila ng security guard. Tumaas ang kilay niya. "Excuse me po Mrs.Fuentes, pero hindi n'yo po pwede isama sa loob si Sir." Umawang ang bibig niya sa sinabi nito. "Ano po?" tanong niya upang kumpirmahin ang sinabi nito. "Hindi n'yo po pwedeng isama si Sir sa loob," ulit naman nito. "At bakit?" Kunot na ang noo niya. "Bilin po kasi ni Mr.Fuentes. Ang pwede lang po dumalaw sa inyo ay ang mga magulang n'yo at wala na raw pong iba." Sumakit yata bigla ang ulo niya. Ano na naman ito? Problema ng lalaking 'yon? "Khai, it's alright. Hindi ko akalain na napaka-possessive ng naging asawa mo," may sarkasmo sa boses ni Cyrius. Hinarap niya ito. "I'm sorry for that. And for your information, it's not being possessive. I'm sure it's just about his name, his precious name. Takot na takot sa eskandalo at masira ang iniingatan na pangalan," puno rin ng sarkastikong tugon niya. Natawa naman si Cyrius sa iniasal niya. Para kasing hindi niya asawa ang pinag-uusapan nila. "I wait yo—" Natigil si Cyrius sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone nito. Kinuha nito 'yon sa bulsa. "It's mom, wait a minute. "Hello mom," napalingon ito sa kanya habang pinakikinggan ang nasa kabilang linya. "Now?" Paused. "Ok, Mom. Wait for me. Bye." "What happened?" tanong niya agad matapos nitong ibaba ang tawag. "Mom wants me to pick her up. May driver naman siya pero ako pa talaga," reklamo nito sa kanya na ikinangiti niya lang. "Go inside and get what you need, I'll wait here." "Go ahead. Malapit lang naman ang pupuntahan ko. You need to go. You know tita, kung gaano ka katiyaga kabaligtaran niya. Kaya umalis ka na. I can handle myself, ako pa." Itinaas niya pa ang braso para ipakita rito na malakas siya. "That's my girl," natatawa nitong sagot saka siya niyakap. Naramdaman niya rin ang paghalik nito sa kanyang ulo. "I miss you. Always take care." Napapikit na lang siya. She missed him too. Nasundan na lang ni Khaira ng tingin si Cyrius nang makapasok ito sa loob ng kotse. Binuksan pa nito ang bintana para senyasan siya na pumasok na. Kaya naman, dinilaan niya ito saka natatawang tinalikuran na ang binata. Pero natigilan siya nang may nahagip ang kanyang mga mata. Isang bulto na parang pamilyar sa kanya. Sa may bandang kanan bahagi. Ihahakbang niya sana ang mga paa upang puntahan ito nang marinig niya si Cyrius. "Khai, pumasok ka na." Binalingan niya ito ulit saka dahan-dahan na tumango. Binalewala na lang niya ang nakita baka nagmamalik-mata lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD