IT'S BEEN FIVE years since Khaira left her hometown. And she couldn't believe that she was already home. Hindi niya napigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang paglapag ng eroplanong sinasakyan. Limang taon din ang itinagal nila sa Australia. Matapos mag-announce na pwede nang bumaba at marinig ang 'Welcome to the Philippines' ay mas naramdaman niya ang sarap sa pagbabalik sa lupang sinilangan. "Mommy." Napalingon si Khaira sa katabi nang magsalita ito. Nagising na rin pala ang anak. Yes, she is now a mother of a four years old boy. "How's your sleep, baby?" Malambing niyang tanong. Ayaw niyang makipagsabayan sa mga bumababa. Hindi naman din sila nagmamadali. Oo, excited siya pero makakababa rin naman sila. Kinusot-kusot pa ng anak ang mga mata nito habang humihikab pa. Halat