Year past

1244 Words
"Welcome back Sir Neil." bati ng tauhan n'yang sinusuwelduhan para bantayan ang kapatid na s'ya ngayon assistant ni Rycko. Ngumiti naman si Neil na tinapik sa balikat ang dating kaibigan. "Long time no see! Kamusta ang buhay?' tanong ni Neil ng sumakay na sila sa kotse ng kaunin s'ya nito sa airport. "Okay lang boss! At gaya po ng bilin n'yo, binantayan ko rin po si Doc Abby." "Anong balita sa babaeng yun?" "Walang pag babago Sir, hindi po s'ya nag karoon ng boyfriend pero lagi po s'yang nasa isang Disco gabi-gabi at minsan inuumaga na kapag nauwi." "Sinong mga kasama?" "Minsan po may kasama minsan po wala ." tumango naman si Nathan sabay tingin sa labas ng binata ng kotseng umaandar. Isang top secret mission kung bakit s'ya ngayon nasa Pilipinas at mag-isa lang n'ya gagawin iyon. At ang mission n'ya ma retrieve ang isang memory card na pinag hihinalaan na nakuha ni Abby ng araw na ma kidnap ito. Ang grupo pala na tumangay kay Abby ay ang isang grupo na matagal ng pinipilit na mahuli ng US government para buwagin pero dahil may hinalang mabibigat na tao ang nasa likod ng malaking sindikato ng human trafficking na nag lulunsad ng illegal na gawain ang pag bebenta ng mga babaeng virgin sa mataas na halaga. Nag tataka s'ya kung bakit si Abby ang pinag hihinalaan ng gobyerno na nakakuha ng memory card, hindi rin n'ya binanggit sa ama na s'ya ang tumulong noon na makatakas si Abby baka mag karoon ng conflict sa side ng Papa n'ya kaya itinikom na lang n'ya ang bibig. Ngunit nakakapag taka dahil bakit alam ng papa n'ya na si Abby ang babaeng nakidnap ng mga sindikato at hindi mistaken identity lang ang nangyari. Parang may mali pero nanahimik na lang s'ya dahil soon malalaman din n'ya kapag na isagawa na n'ya ang mission na mabawi ng palihim ang memory card kay Abby. Nang umalis s'ya noon sa Pilipinas alam n'ya na darating pa ang time na mag kikita ulit sila ni Abby pero hindi n'ya ini-expect na pag dudugtungin muli ng dating aksidente ang buhay nila. Aaminin n'ya sa loob ng ilang buwan hindi rin ito nawala sa isip n'ya, na hirapan s'yang burahin ito sa systema n'ya dahil aminado naman s'ya na attracted s'ya sa batang doctor gusto n'ya ito bilang babae pero hindi sa seryosong paraan. Normal naman sa kanya na mag karoon ng ka relasyon sa bawat bansa kung saan s'ya na papadestino. At hindi bago sa kanya ang ma attract kay Abby, normal s'yang lalaki at halata naman pakipot lang si Abby, kinulang lang s'ya sa panahon para mapa ibig ito. Ngayon meron s'yang mahabang panahon para rito pero s'yempre, mission ang ipinunta n'ya roon hindi para makipag harutan kay Abby. Kapag na kuha na n'ya ang memory card tapos na ang mission n'ya at babalik na ulit s'ya sa US. Pinalabas na na dimiss s'ya bilang sundalo para isagawa ang mission. Ilang matataas na kantungkulan sa gobyerno ang nag bigay sa kanya ng mission kasama ang ama n'ya. Isang mission na walang nakakaalam maliban sa kanila na nasa loob ng isang close door meeting noong ipatawag s'ya sa headquarters. S'ya ang ipinadala ng ama at napili na ilagay sa mission dahil gamay na n'ya ang Pilipinas at alam daw ng mga ito ang karakas n'ya pag dating sa mga magagandang babae. Ngunit pinag-iingat s'ya ng mga ito dahil ang ina daw ni Abby ay dating secret assassin ng kilalang matinik na mafia lord idagdag pa na kilala daw sa Pilipinas ang angkan ni Abby na pamilya ng namayapang kilalang pinuno ng isang malaking sindikato sa buong mundo. Habang ang ama daw nito ay isang agent ng 'di kilalang organization na ang layunin ay linisin ang kalat ng angkan ni Abby noon. Kaya ingatan daw n'ya ang mga kilos n'ya dahil hindi birong pamilya ang papasukin n'ya. ********** Natawa si Abby habang umiinom ng alak sa kopita ng matanaw kung sino ang papasok sa loob ng event hall ng hotel, akala n'ya niloloko lang s'ya ni Rycko na ininvite daw nito ang kapatid nitong umattend ng reunion ng pamilya nila since wala naman itong kasamang mag nenew years eve. It's been a year talagang mukhang sila ang itinadhana ng sundalong ito na she heard na na dismiss daw sa tungkulin. Kung anong dahilan hindi n'ya pa alam at gusto n'yang alamin. And this time naka green na ang mga mata n'ya habang nakasunod ng tingin kay Nathan na magalang na bumati sa pamilya n'ya at sa mga angkan n'ya habang ipinakikilala ito ng Mommy n'ya sa ibang kapamilya nila. Napatingin si Abby sa dalawang dibdib na medyo naka expose sa evening gown na suot, kung alam lang n'ya na darating ito edi sana yung mas revealing pa ang sinuot n'ya yun tipong uton* na lang ang tinatakpan. Agad na hinarang ni Abby ang waiter na dumaan na may dalang champagne inis straight n'ya ang isang baso at humingi pa ng isa pa para mas mabuhay ang dugo n'ya. Inayos n'ya ang pag kakadikit ng dibdib n'ya na hahakbang na sana ng biglang humarang si Rycko na nakangisi. "Parang may masama kang balak?" "Kasal ka na! Kasal na din si Ate Shine! at wala akong susukubang kasal kaya ako naman ang magpapakasal this year at nakita ko na ang groom ko." ani Abby sabay turo kay Nathan na tumatawa habang kausap ang mga Lola n'ya. "Lasing ka ba?" natatawang tanong ni Rycko. "S'ympre hindi, tumabi ka nga d'yan." dinabig na ni Abby ang bayaw at humakbang na papalapit kay Nathan. "Hello there handsome!" sabay-sabay na napatingin sa kanya ang mga Lola n'ya at mga lolo ganun din ang magulang na napasimangot. "Lasing ka ba?" tanong pa ng mommy n'ya. Napahawak naman s'ya sa sariling pisngi na ramdam n'yang nag iinit nga pero normal naman ang takbo ng utak n'ya. "Hindi, po." "You look drunk." wika naman ni Nathan habang nakatitig sa kanya para naman s'yang tangang teenager na nag pa cute sa crush na tinawanan pa ng mga lola n'ya. "Yung totoo mahina ako sa inuman... pero sa kainan bakit hindi natin subukan." kindat na wika ni Abby. "Hawakan mo ako Densio," wika ni Aira sa asawa na mabilis naman na itinulak ni Dennis imbis na hawakan. "Sungalngalan mo." utos pa ni Denis sa asawa na tinawanan naman ng mga magulang. "Ano kayo ngayon dalawa, it's payback time." wika ni Luxme. "Saglit, bantayan mo anak mo." Dennis. "Saan ka pupunta?" takang tanong ni Aira na hinawakan si braso si Nathan na natatawa na lang ng hilahin s'ya ng ina ni Abby patungo sa likuran nito. "Kukuha ako ng sako, isasako ko ang babaeng yan at mailigaw na." wika ni Dennis. "Kahit iligaw mo pa ang anak mo, mana sa inyong mag-asawa wala na kayong magagawa, lumalabas na ang tunay na gene." wika naman ni Dana na natatawang napatingin kay Abby na panay ang kagat labi at kindat kay Nathan. "Hoy! Bka hipan ka ng hangin." pitik naman ni Dylan sa noo ng apo na parang na popossess. "Gusto mo bang gulatin ang parents mo...." tanong pa ni Abby na lalapit sana kay Nathaniel ng itulak s'ya ng ina. "iuwi mo na ako sa inyo." dugtong pa ni Abby na sinabayan pa ng hagikgik. "Kailangan na natin kumuha ng albularyo." ani Ivo na napapailing na lang sa inaasal ng apo habang tuwang tuwa naman si Luxme at Dana na sinasabi na Karma is real.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD