"Ma! Mama! Mommy! Yooohoooo! Mommy... Mommy." katok ni Abby sa pinto ng kuwarto ng ina habang naka-upo sa harapan ng kuwarto ng magulang na akala mo ay tumat*e s'ya roon habang tuloy ang katok n'ya at tawag. Ilang minuto pa bumukas na ang pinto. Diretsyo ang tingin ni Aira pero napayuko ng 'di nakita ang anak dahil naka-upo pala ito sa harapan ng pinto.
'Jesus christ Abygail! Lasing ka ba?" ngumiti naman si Abby na sinapo ang mukha ng mga kamay.
"Hindi po pero in love na po talaga ako."
"Hoy! Abygail. Umayos ka! babalatan kita ng buhay." bahagya pang hinila ni Aira ang buhok ng anak na tumawa.
"Ano nanaman ang inililigalig n'yan." ani Dennis na sumilip.
"Hello Daddyow."
"Lasing ka ba?"
"Lasing sa pag-ibig." bungisngis ni Abby.
"Full load ba magazine mo?" tanong ni Dennis sa asawa.
"Kanino ka in love, sagot!" tanong ni Aira.
"Ssssshhhhh! secret, walang clue."
"Normal mo ba talagang inilabas ang babaeng yan? wala ka bang ininom na gamot para alisin s'ya?" tanong ni Dennis.
"Hoy! Abygail... pumunta ka na sa kuwarto mo. maligo ka ng mahulasan ka!"
"Daddyow! Normal ako ano ka ba? Sadyang nakakabaliw lang ang umibig... ay yayay ayayaya oh! pag-ibig, pag pumasok sa puso ay maligalig.." kanta pa ni Aby na tumayo na habang nag lalakad papalayo.
"ayayay! Ayayay! hanggang langit pag pumasok sa pusong umiibig!'
"Abygail!" saway ni Aira.
"Don't worry Mommy... Pag 32 na ako saka ako mag-aasawa promiseeeeeeeee." ani Aby habang nag lalakad na patungo sa kuwarto nito.
"Bakit kasi pinayagan mo pang mag disco, tingnan mo." sita pa ni Aira sa asawa.
"Hindi naman ganyan yan dati baka may nakilalang lalaki kaya bigla na luka-luka." sagot naman ni Dennis na hinila na si Aira.
"Mag yan panganay mo na loka-loka din sa lalaki, patay ka sa akin Densio."
"Bakit ako?" natatawang tanong ni Dennis ng makahiga na ulit sila habang panay ang halik ni Dennis sa balikat ni Aira.
"Ano? puro ka nanaman ganyan."
"Sabi mo kanina bukas na lang."
"Kaya nga." sagot ni Aira, na ungot kasi ito kanina bago sila matulog kaso wala s'ya sa mood na mag love making.
"Time check 12:05 am.' ngisi ni Dennis na inabot pa ang maliit na alarm clock na pinindot nito sa itaas para umilaw at lumabas ang oras.
"Sabi mo kagabi bukas na lang... ayan ang bukas na this is it!" wala ng nagawa si Aira kundi matawa na lang sa kalokahan ni Dennis.
"Para kang tanga Densio."
"Wag kang ano d'yan mare, malinaw ang sabi mo na bukas na lang." wala ng nagawa si Aira ng umibabaw na si Denis na natatawa pa.
********
"Abby." napalingon si Abby ng marinig na may tumawag sa kanya, ito nanaman ang letse n'yang puso na nag wawala nanaman ng makita si Nathan na papalapit na bumati pa sa nurse information na pawang mga kinikilig na tinudyo pa s'ya. Ngitian naman n'ya ang mga nurse.
"Oh! inggit nanaman kayo, may admirer akong Afam."
"Hindi ako admirer." wika naman ni Nathan.
"Assuming naman tong palakang to, hindi ikaw ayun." turo ni Abby gamit ang nguso sa likuran ni Nathan na nilingon naman ni Nathan.
"Asa____?" natawa naman si Nathan ng matanaw si Abby na mabilis ng nag lalakad palayo. Agad naman sumunod si Nathan kay Abby, 1-week na lang ang natitira sa vacation n'ya kailangan na n'yang bumalik sa tunay na mundo n'ya.
"Abygail! Abby! By, Baby." pang-aasar pang tawag ni Nathan sa dalaga na akala mo naman ay teenager pa na nilingon s'ya at sinamaan ng tingin na huminto naman sa pag lalakad.
"Tsk! Ano ba kasing kailangan mo," tanong ni Abby ng magkaharap na silang dalawa.
"1-week na lang aalis na ako."
"Oh! Bakit mag papapigil ka ba?" natawa naman si Nathan.
"Bakit pipigilan mo ba ako?"
"Natural Hindi at bakit ko gagawin yun? Mahal ko pa ang buhay ko, masyado kang na paaga ng dating." ani Abby habang naka pamulsa sa suot na coat.
"Ibig bang sabihin kung medyo na late ako ng dating sa buhay mo puwede na maging tayo?" banat naman ni Nathan.
"Letse talaga ang mestisong animal na to, nanahimik ang puso ko masyadong pa fall...ito nanaman po kami kinakausap nanaman n'ya ang sarili n'ya.
"Siguro mga 5 years after." natawa naman si Nathan.
"36 years old ang target kong mag settledown available ka pa kaya nun?" nagbilang sa isip si Abby 32 na s'ya that time.
"Hindi na siguro baka meron na akong na akong dalawang anak."
"Anak lang walang asawa?" natatawang tanong ni Nathan tumaas naman ang kilay ni Abby.
"Paano ako gagawa ng anak kung walang asawa?"
"10 months lang ako mawawala kung makakabalik ako ng buhay may 2 weeks akong vacation, I'm willing to donate my spe*m if you like." this time si Abby naman ang tumawa.
"No thank you. Pakakasalan ko ang lalaking magiging ama ng mga anak ko. At hindi s'ya sundalo sisiguraduhin ko."
"In others words basted nanaman ba ako." ngiti ni Nathan.
"Hindi ka naman diba nang liligaw? So, hindi kita binasted." humakbang naman si Nathan papalapit sa kanya. Napatingin si Abby sa dulo ng mga sapatos nilang nag dikit ang dulo saka s'ya napatingala ng bahagya sa binatang sundalo. Parang biglang gusto ni Abby na mapakanta nanaman ng favorite n'yang kanta na tunay na ligaya habang nakatitig kay Nathan.
juicko po, panginoon ko! mahabaging langit, iligtas mo po ako sa kalandian na gustong kumawala ngayon sa aking katawan, sawayin mo ang lalaking ito sa akin harapan dahil gusto ko na po s'yang papakin. Piping panalangin ni Abby habang pilit na pilit na pakalmahin ang t***k ng puso n'ya na nag ra-rally na kasama ng mga lamang loob n'ya sa loob ng katawan n'ya dahil sa sobrang lapit nito sa kanya. Hindi na s'ya pinatulog ng halik nito kagabi daig pa n'ya ang naka inom ng whisky lakas ng tama n'ya, sa sobrang kilig n'ya. Daig pa n'ya ang adik na ginising pa ang magulang n'yang na tutulog na para lang sabihin na in love na talaga s'ya.
"Abby." nagulat si Abby ng marinig ang boses ng Ate Summer n'ya at ewan ba n'ya dahil biglang lumipad ang kamay n'ya at sinampal ang binata na mukhang nagulat kay hindi naka-ilag. Naturingan sundalo mahina ang reflex napangiwi naman si Abby na napatingin sa mukha ni Nathan na biglang sumeryoso ang mukha na nakatingin sa kanya.
"Anong meron?" tanong naman ni Rycko ng makalapit sa kanilang dalawa ni Nathan na agad naman na bumati sa dalawang bagong dating, alanganin ng nag paalam naman ang binata habang hinihmas ang pisngi. Napapangiwi naman si Abby na napakagat labi na lang.
"Lagapak yung sampal mo grabe ka." ani Summer na naka sunod ng tingin kay Nathan.
"Saka bakit bigla s'yang nag paalam, may tinatago kayong dalawa ano?" tanong pa ni Rycko.
"Wala ah! Nagulat lang ako sa sinabi n'ya kaya nasampal ko s'ya bigla." pag sisinungaling pa ni Abby.
"Ano bang sinabi?"
"Anong ginagawa n'yo dito?" pag-iwas ni Aby sa tanong ng pinsan.
"Nag pa check-up. Anong sinabi ni Nathan sa'yo?" giit pa ring tanong ni Summer.
"Wala." tanggi pa rin ni Aby na tumalikod na nagkatinginan naman si Summer at Rycko. Dinukot naman ni Rycko ang cellphone saka idinikit sa tenga at nag panggap na may kausap na ikinalingon bigla ni Abby na naalarma.
"Bakit anong kailangan mo... Si Abby kasama pa rin namin. Weh! di nga..' usal ni Rycko na ikinahinto ng pag lalakad ni Abby na napabalik at pilit na inagaw ang phone kay Rycko.
"Walang nangyari sa amin, we just kissed yun lang yun." bulalas ni Aby na ikinatameme nilang dalawa pare-parehas pa silang nagulat ng biglang mag ring ang phone ni Rycko na nakadikit sa tenga nito.
"You trick me!" inis na wika ni Abby na hinampas sa braso si Rycko na napangiwi.
"Patay ka! Isusubong kita. Grabe sakit mong mamalo bigat ng kamay mo. Paano ka naging pedia?" wika pa ni Rycko na hinihimas ang braso.
"Kaya pala panay ang himas ni Nathan ng mukha n'ya parang dos for dos ang palad mo e sa bigat." wika pa ni Rycko.
"May relasyon kayo?" tanong naman ni Summer.
"Wala,"
"E bakit kayo nag kiss kung wala."
"I'm with my friends sa isang disco bar ng bigla kong makita si Nathan doon. I think he's drunk kasi bigla na lang s'yang lumapit at hinila ako palabas then he suddenly kissed me." paliwanag ni Aby.
"E bakit nanampal ka kung yun lang pala ang kaso?" tanong ni Summer. Nag palipat-lipat ng tingin si Aby sa dalawa inis na napabuga ng hangin.
"Basta wala kaming relasyon ayoko ko sa kanya." waka pa ni Aby saka tumalikod na napasunod na lang sila ng tingin sa dalagang pinsan.
"Mukhang kailangan ko ng kumilos mauunahan pa yata ako ni Nathan mag pakasal, kailangan mauna tayo." ani Rycko natawa naman si Summer.