Punchline

1476 Words
"Mag-ingat ka baka mahulog ka sa akin." wika pa ni Abby habang nasa rooftop sila at na nonood ng fireworks. Napayuko naman si Nathan sa dalagang doctor. Kanina nakatingala s'ya sa langit habang na nonood ng fireworks pero si Abby sa kanya nakatingin nakakapanibago ang kilos nito kumpara noon. Kinakabahan s'ya sa galawan nito ngayon, mas okay noon pakipot nakaka intriga ang mga galawan nito. Ngunit ngayon pakiramdam n'ya gusto n'yang tumakbo dahil parang may na sesense s'yang red alert sa mga galawan nito. Ayaw n'ya sa lahat yung babaeng flirt dahil tiyak s'yang sakit ng ulo ang dala nito, mas gusto n'ya yung babaeng s'ya ang mag hahabol. Mas gusto n'ya yung pakipot yung tipong halata naman na may gusto sa kanya kunwari pa, yung Abby na nakilala n'ya noon. Hindi yung Abby na kaharap n'ya ngayon after 2 years anong nangyari dito bakit bigla atang nag bago. "Nag aadik ka ba?" 'di na iwasan na itanong ni Nathan habang nakatingin sa dalaga, pag hindi s'ya nag ingat sa karakas nito ngayon, malakas ang kutob n'yang ma pipikot s'ya nito. May mission s'yang kailangan na tapusin pero si Abby parang may mission na pikutin ata s'ya. Napangiwi pa s'ya ng bigla na lang itong kumanta na hindi naman sintunado pero di rin naman asintado. Pilit n'yang binabalewala si Abby, sana pala hindi na s'ya sumama sa reunion ng mga ito na sisira lang ang buong new years eve n'ya. Adik sa 'yo, awit sa akin Nilang sawa na sa 'king mga kuwentong marathon Tungkol sa 'yo at sa ligayang Iyong hatid, sa aking buhay Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw Sa umaga't sa gabi Sa bawat minutong lumilipas Hinahanap-hanap kita Hinahanap-hanap kita Buong akala kasi n'ya yung Abby na iniwan n'ya ang babalikan n'ya. Hindi na pala ibang Abby na pala ang dadatnan n'ya na daig pa ang nasaksakan ng anestisya sa utak at parang high na high. Panay ang yakap nito sa braso n'ya na panay din ang alis n'ya at nag sisimula na s'yang ma irita kaya lumayo na s'ya bago pa nito matapos ang kinakanta. 'Di n'ya matukoy kung lasing ba ito o nag lalasing-lasingan. "Hoy! Nathan," habol naman ni Abby sa binata. "Kung lasing ka na Abby, matulog ka na." ani Nathan na tuloy ang paglalakad para makalayo rito. "Buo na ang desisyon asawa na ang gusto ko," wika pa ni Abby na ikinahinto n'ya sa pag lalakad at nilingon ito na abot tenga pa ang ngiti. "Hindi na jowa." dugtong pa nito, "Hindi ka ba nag ka boyfriend sa loob ng 2 years?" tanong n'ya sa dalaga. "Hindi e pero tumingin ako sa iba." sagot pa ni Abby na huminto ng pag lalakad ng magkaharap na ulit sila. "Pero huwag kang mag alala nasa mata pa lang sila...pero ikaw nasa puso na kita. eeeeeyyyyy!" ani Abby na yayakap sana sa braso ni Nathan ng mabilis na lumayo si Nathan na napapangiwi. Gusto n'yang matawa sa sense of humor ni Abby, it's actually cute pero hindi n'ya puwedeng patulan ang galawan nito. He's under mission kung papatulan n'ya ang pag fiflirt ni Abby tiyak na mapipikot s'ya. "Kung kelan ka tumanda saka ka lumandi ng ganyan." "Oi, hindi pa ako mantanda, bata pa ako... In fact, puwede mo nga akong tawagin baby." ngiti ni Abby na pinigilan naman ni Nathan na matawa pero na pingiti pa rin s'ya kahit pigilan n'ya. "Ikaw ba hindi ka ba nag ka girlfriend?" "I do have." "Pakakasalan mo na ba s'ya?" "Pinag-iisipan ko pa." sagot ni Nathan. "Alam mo kung hindi ka para sa akin...sayang!" ani Abby na nag kibit balikat pa. "Hindi dapat ginagawang biro ang pag-aasawa at hindi porket gusto mo ng mag-asawa mag papakasal ka na lang bigla. Hindi ka ba na niniwala sa true love?" tanong ni Nathan. "Bakit ikaw ba? Na niniwala ka sa true love?' tumango naman si Nathan na isinilid ang dalawang kamay sa bulsa ng slacks na pantalon. "Kaya pala ang dami mong nagiging girlfriend sabi mo noon. Kung kani-kanino mo hinahanap ang true love e nasa hospital lang naman ako." natawa naman si Nathan sa banat ni Abby na talaga naman ang lakas maka punchline. "Your totall_____." napigil ang sasabihin sana ni Nathan ng biglang hilahin ni Abby nag ulo n'ya at halikan s'ya nito sa labi na mabilis n'yang itinulak bago pa may makakita sa kanila na kapamilya nito. "Are you out of your mind." bulalas pa ni Nathan na nag mamadali ng tumalikod. 'Hala! Kala mo naman kung sinong virgin, Huy! Nathaniel." tawag ni Abby na sinundan ang binata. - - - - -- - - Susundan sana ni Abby si Nathan ng bigla s'yang napatingin sa suot na rilo ng maramdaman na nag vi-vibrate iyon at nag kukulay asul. Ibig sabihin may patawag para sa mga agent at may mission silang haharapin. Piling-pili talaga ng ang new years eve magaling din bossing nila. "Gogogo! power ranger." bulong pa ni Abby na pumasok na sa elevator saka pinindot ang ground floor. "Intayin mo lang ako Nathan my love, babalikan kita. Mamaya tayo mag lo-loving, baka hahabol pa tayo sa putukan." ani Abby habang sumisipol na sakay ng elevator. Pag dating sa parking agad na s'yang sumakay ng kotse n'ya na paalis na sana s'ya ng harangin ni Nathan ang kotse n'ya na muntik pa n'yang masagasaan kung hindi lang malakas ang preno ng sasakyan n'ya. Agad itong umikot at kumatok sa salamin ng bintana sa tapat ng driver seat. Na binuksan naman n'ya agad ang binatana. "Yes baby," "Where the hell are you going? Your drunk." "No! I'm not, may emergency lang sa hospital. Balikan kita later, saan ka ba naka stay puntahan kita baka mag kakaputukan tayo habol tayo sa new year." "Move over, I'll drive." "No! No! No! Baby..." "I said move over, I'll drive." "I said no Baby at wag mong intayin na hindi pa man nagiging tayo mag be-break na agad tayo. Alam mo kasi ayoko sa mga lalaki ang paki-alamero." ani Abby na nanatili naman nakangiti. "At ayoko rin sa babae ang matigas ang ulo." napabuga naman ng hangin si Abby. 'Tsk! kung ganun hindi pala tayo bagay...sayang naman byeeeee!' wika na lang ni Abby sabay paharurot na ng sasakyan palabas ng basement parking. Mula sa side mirror nakita ni Abby na balak s'yang sundan ni Nathan kaya mas diniinan na n'ya ang gasolina para hindi na s'ya abutan ng binata. ******* "Sorry sir, I'm late." bungad ni Abby na sumaludo kay Zian Mcbright ang pinaka chief head ng secret organization na kinabibilangan n'ya. "I'll understood have a seat Abyy." utos nito na pinag taka n'ya ng mapansin na silang dalawa lang ang tao sa headquaters na pinag taka n'ya. Akala pa naman n'ya na late lang s'ya pero mukhang s'ya lang talaga ang pinatawag. Nabuhay ang malaking monitor sa likuran nito at lumabas ang isang picture ng isang lalaki. "S'ya ang bagong mission mo at mag-isa mo lang itong gagawin but still we got you cover kung kailangan. Hindi ito puwedeng malaman ng parents mo dahil tiyak na hindi sila papayag na ikaw ang ipadala sa Pakistan." "Pakistan? Layo naman po wala po bang Philippine area lang." hindi naman sumagot si Zian na itinuloy na ang pag papaliwanag kung sino ang lalaki na nasa picture. Ito pala ang mastermind ng kidnaping n'ya noon na hinihinalang kanang kamay lang din ng pinaka pinuno ng malaking sindikato. Ayon sa chief nila s'ya daw ang target ng grupo ng mga ito sa kadahilanan hindi pa daw malinaw ang dahilan kaya iyon ang aalamin n'ya. Possible daw na na imarket na s'ya ng mga ito pero nakatakas s'ya ngunit hindi s'ya agad magawang muling kidnapin dahil mahigpit na security nila. Ang gusto mangyari ng chief n'ya, mag pakidnap s'ya at hayaan na madala s'ya sa Pakistan kung saan daw naroon ang malaking hideout ng mga ito. Napatay daw kasi ng lalaking nagligtas sa kanya ang spy na inilagay nito sa grupo ng mga sindikato kaya nabulilyaso ang mission. Kilala ng mga ito si Nathaniel Walton at pinag-iingat din s'ya nito sa binata dahil parang may mali daw sa dismisal nito sa position. May kutob din ang chief niya na under mission din si Nathaniel, kung ano man iyon wala pa rin lead kaya mabuti pa daw na mag-ingat s'ya. "Ang magulang mo na ang bahala sa duty mo sa hospital para ayusin ang schedule mo. Do you copy?" "Sir yes Sir." sagot ni Abby na tumayo na. Mapupurnada papala ang love life nila ni Nathan, mukhang nakatoka si Nathaniel na bantayan s'ya. "My love, My hero! Tsk, paano tayo makakahabol ng putukan nito. Hay! mukhang nakatadhana talaga tayo Nathaniel my love." ani Abby na pasakay na ulit ng kotse n'ya. Kailangan n'yang maging alerto dahil one of this day daw possibleng isagaw ang kidnaping sa kanya at dalahin s'ya sa Pakistan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD