Chapter 5: First Eighteenth

1793 Words
PINIPIGA ang puso ko habang nakatitig sa litrato ni Papa sa phone ko. Panay ang pag vibrate nito pero wala akong aksyong ginagawa.  Kinagat ko ang ibabang labi ko nang makita ang paghinto ng tawag. Inakala kong tatawag pa ulit siya pero hindi na niya ginawa. Kung sabagay ay maraming beses naman na akong namali ng akala pagdating kay Papa. Nakatanggap na lang ako ng sunod-sunod na notification galing sa chat niya. PAPA: Happy Birthday, Princess! PAPA: Hindi kita matawagan. Baka tulog ka na pero gusto ko sanang ako ang unang-unang bumati sa ‘yo. I promise, next birthday mo nandyan na ‘ko. I shut down my phone right away. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Ilang sandali lang ay bumagsak na nga ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Hindi ako umiiyak dahil sa saya kung hindi dahil sa lungkot. Ito rin kasi ang sinabi ni Papa last year – na nandito siya sa Pilipinas sa susunod kong birthday. At dapat ngayong taon na iyon. Pero nasaan siya? Isang beses lang ako magiging 18 pero hindi pa rin siya nagpakita. Hindi pa rin niya tinupad ang pangako niya. Pero magtataka pa ba ako? It’s not the first time that he gave me empty promises. Kaya paniguradong kasinungalingan na naman ang sinabi niya ngayon na next year ay uuwi na siya. So, I might sound or look selfish for other people, but I’ve decided not to respond to my father’s greetings. Hindi ko na kasi alam kung ano pang masasabi ko sa kanya. Alam kong hindi ito sign ng maturity lalo na’t 18 years old na ako ngayon, but this is my life. This is my choice. I get to be the one to decide how I would cope with the sadness brought by my father’s absence. Sana lang ay nandito siya. Para habang umiiyak ako at nagagalit dahil sa pang-iiwan niya sa amin, yakap-yakap ko rin siya at maaaring masagot lahat ng ‘bakit’ ko. Bakit ka umalis? Bakit kailangan mo kaming iwan? Bakit kahit ilang beses kang mangako ay wala ka namang tinutupad kahit isa? At dahil hindi ko alam kung kaya kong matulog nang ganito ang pakiramdam ko, nanatili muna ako sa terrace namin. Yakap-yakap ko ang mga binti ko habang pilit na nag-iisip ng ibang bagay. Bumalik naman sa isip ko si Marco, pati ang mga regalo niya’t huling pag-uusap namin ngayong madaling araw.   Naisipan ko na lang tingnan ang mga regalo niya, lalo na ‘yong abs. Para akong baliw na natatawa habang umiiyak dahil sa simpleng watermark. At mukhang tulad ko ay hindi pa siya tulog dahil nagulat ako nang mag send siya sa akin ng picture ni Buster. Gising na ito at hinahaplos niya sa litrato. I could see his long-fingered hand that instantly gave me butterflies. How come everything about Marco seemed beautiful? Katulad noon, si Marco pa rin ang naging susi para kahit sandali ay makatakas ako sa reyalidad. *** Marco was right. I should appreciate what I have now instead of thinking about what I could have had. “Happy Birthday to you!” Kumakanta ngayon sina Mama, Kuya Arthur, at Kuya Jerrick ng Happy Birthday song para sa akin. Sinurpresa nila ako pagbaba ko. Napatakip ako ng bibig dahil sa sala namin ay may naabutan akong Happy Birthday banner sa pader. May malaking lobo rin na number one at eight dito bukod pa sa kulay pink at white balloons na nagkalat sa sahig. Kaya pala hindi sila nag-abalang gisingin ako ng maaga katulad ng inaasahan ko. Mula sa kusina, nilipat nila ang lamesa malapit sa birthday decorations kaya nagmistula rin itong photobooth. Nakita kong pinaghanda ako ni Mama ng iba’t ibang putaheng paborito ko katulad ng pancit, kare-kare at sweet & sour pork. May ilan din siyang pina-deliver kaya ang daming pagkain sa lamesa, aakalaing naka-buffet at marami kaming bisita kahit apat lang naman kami. Paniguradong tatagal ng higit sa isang linggo ang mga pagkaing ito. Tapos ay nalaman kong nag work from home pala ang mga kapatid ko para sa akin. Kaya naman nandito pa rin sila hanggang ngayong lunch. Tapos ay nagpa-deliver din sila ng strawberry cake dahil alam nilang ito ang paborito kong flavor. At dahil talagang nagsumikap sila maging espesyal ang araw na ito para sa akin, hindi man ito ‘yong pinangarap kong debut, sobrang na-appreciate ko lahat ng mayroon ako ngayon. “Ihipan mo na para makakain na tayo!” sabi ni Kuya Jerrick sa akin at ginawa ko naman ito pagkatapos kong mag wish. Sana bumalik na lahat sa normal. Gusto ko nang mag face-to-face classes. Gusto ko nang makalabas nang ‘di natatakot magkasakit. Sana rin umuwi na si Papa. Pagkatapos ilapag sa lamesa ‘yong cake, hindi ko inasahan nang may iabot si Kuya Arthur sa akin na isang kahon. “It’s our gift for you,” ani niya. Nagulat ako dahil akala ko regalo na nila sa akin ang pagsurpresa nila. “Picture frame ‘yan para sa graduation photo mo—kung ga-graduate ka!” pang-aasar ni Kuya Jerrick kaya agad ko siyang inirapan. Tinakpan naman ni Kuya Arthur ang bibig niya para payapa kong mabuksan ang kanilang regalo. Syempre ay excited kong tinanggal ang gift wrapper ng kahon. Hindi na ako nag-abala pang gandahan ang pagpunit dito. At nalaglag ang panga ko nang makitang high-end laptop pala ang regalo nila! Sikat na brand at latest model pa ito! Tuwang-tuwa ako dahil kailangan ko talaga ito. Sobrang bagal na kasi ng laptop na gamit ko dahil pinaglumaan pa ito ng mga kapatid ko. Hirap na hirap ako sa mga online classes ko dahil sobrang ma-lag kaya limitado lang ang pwede kong gawin. “Do you like it? We didn’t know the specs you want so we just bought the latest one,” paliwanag ni Kuya Arthur at mabilis naman akong tumango bilang sagot. “I love it! Sobrang kailangan ko ito! Thank you!” Niyakap kong una si Kuya Arthur at sunod si Mama. Kaya lang itong si Kuya Jerrick ay may pahabol pang pang-aasar. “Ayan para wala ka nang maidahilan sa mga bagsak mo!” Niyakap pa rin namin ang isa’t isa kahit hinampas ko siya sa braso pagkatapos. Tawang-tawa naman siya dahil sa pang-aasar niya. Wala talagang araw na hindi siya naging alaskador. Of course, I made sure to take pictures of everything: their decorations, the food, and the gift! Pagkatapos ay kinuhanan din nila ako ng litrato rito. Solo muna bago sila isa-isang nagpakuha ng litrato kasama ko. Isang buong pamilya naman kami sa huling picture. Nang magsimula na kaming kumain, nag send muna ako kay Marco ng pictures ng handa ko pati na rin ng regalo nila sa akin. At para bang nakaabang talaga siya, mabilis akong nakatanggap ng reply. MARCO: Wow! Happy Birthday talaga! Baka pwedeng magpabalot? TIARA: Sure! Anong ulam ba? MARCO: Ah ‘yung laptop sana ang ibabalot! Angas! Umangat tuloy ang magkabilang dulo ng labi ko. Kaya itong si Kuya Jerrick ay agad nag-react. “Mama, si Tiara may boyfriend na.” Nanlaki ang mga mata ko at agad nag-angat ng tingin sa kanilang tatlo na ngayon ay nasa akin na ang atensyon. Umiling naman ako agad. “Anong boyfriend? Wala ah! Kaibigan ko lang ito!” “’Yung lagi mong ka-chat?” magkasalubong ang kilay ni Kuya Arthur nang magsalita. “Oo. Siya lang ‘to. Friend ko,” sabi ko naman na para bang hindi ito big deal kahit sa totoo lang ay sobrang kabado ako. Minsan na rin naman namin napag-usapan ang lagi kong ka-chat. Pero pasundot-sundot lang ito, hindi ‘yong ganito kaseryoso. “Nak, ano bang itsura niyang katelebabad mo palagi?” tanong naman ni Mama. Naniningkit ang mga mata nang ayusin ang pagkakasuot ng salamin niyang dadausdos na sa ilong niya. “Pakita mo nga sa amin.” Napalunok tuloy ako at kinabahan. Hindi ko alam kung anong litrato ang ipapakita ko dahil patay na agad kapag nalaman nilang lalaki ang kausap ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi ko alam ang itsura ni Marco dahil mas lalo silang magtataka. Baka maungkat pa na sa dating app lang kami nagkakilala. Gulong-g**o ang isip ko nang marinig namin ang pag-ring ng phone ni Mama. Saved by the ring! “’Nak! Ang papa mo pala kanina pa kami kinukulit. Gusto kang makita,” sabi ni Mama at tatanggi pa lang sana ako kaya nga lang ay itinapat na niya agad sa mukha ko ang harap ng phone niya pagkasagot na pagkasagot sa tawag ni Papa! Now I was forced to face him. Dahil baliktad ang oras sa amin at sa Amerika, mukhang tanghali sa amin at madaling araw naman sa lugar ni Papa. Nasa bahay na siya at mukhang patulog pa lang ngayon dahil nakapambahay. Janitor si Papa sa Amerika. Dati siyang supervisor dito sa Pilipinas. Blanko lang ang ekspresyon ng mukha ko noong umpisa. Kaya lang nang kantahan din niya ako ng happy birthday song ay naramdaman ko na naman ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. “Happy Birthday, Princess! Pinaghanda ka ba ng Mama mo?” tanong niya. Tumango lang ako. “Bakit parang malungkot ka? Hindi ka ba masaya?” tanong pa niya na para bang may magagawa siya kung malungkot nga ako.   Ngayong nakita ko na siya. Naglaho ang napakaliit na pag-asa kong manunurpresa siya at bigla na lang kakatok sa pinto ng bahay. Kumunot ang noo ko. Sumenyas na ako kina Mama at mga kapatid ko na alisin sa akin ang pagkakatapat ng camera dahil ayaw kong makita ni papa ang pag-iyak ko. At bago pa man bumagsak ang mga luha ko ay tumayo na ako, nagmadali paakyat sa kwarto. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Kuya Arthur pero hindi ako huminto. Ramdam ang mabilis na kabog ng dibdib, agad kong sinarado ang pinto sa likuran ko. “Tiara, alam naming nagtatampo ka kay Papa. But you should still talk to him. Gusto ka lang niyang batiin at kumustahin,” sabi ni Kuya Arthur pero nagmatigas talaga ako. Wala akong sinabi. Narinig ko na lang ang mga yabag niyang papalayo na sa pinto maya-maya. Nagkulong ako sa kwarto. At dahil alam kong matagal pa bago ako makalabas mula rito dahil sa pagtatago ko sa pamilya ko, ang laking bagay nang mag chat si Marco. He sent me a photo of his lunch. Pritong itlog ito at kanin. MARCO: Look who’s home alone? Dahil sa kanyang chat, I had the urge to talk to him. I need to see Marco. Kaya naman habang nasa baba ang lahat, sinamantala ko ito para matawagan si Marco. My stomach flipped. Dahil imbes na simpleng phone call button lang ng app ang pindutin… Dumampi ang daliri ko sa video chat button. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD