Chapter 6: First Video Call

1800 Words
KUMUNOT ang noo ko. Napatakip din ako ng bibig. Paano ba naman kasi’y mask ni Iron Man ang bumulaga sa screen ng phone ko. “I’m a weapon of mass seduction,” nilaliman ni Marco ang boses niya, para bang ginagaya si Iron Man kahit na bukod sa hindi ito tugma ay hindi rin bagay sa kanya. Tuloy ay natawa ako habang sumisinghot dala ng pag-iyak ko. Inalis ko agad ang camera sa harap ng mukha ko sakaling masaktuhan pa niyang may sipon ako! Paano ba naman ay kagagaling ko lang sa iyak nang tawagan ko siya. Handang-handa na sana akong mag rant pero full of surprises talaga si Marco. Kahit sa chat noon, palagi siyang may pa-ice breaker question kapag magsisimula pa lang kaming mag-usap. “Isinga mo ‘yan,” tawang-tawa niyang saad. Napairap tuloy ako sa kawalan. Sumilip muna ako sa salamin namin bago muling humarap sa phone. And yes, he’s still wearing the mask. “Feeling better?” tanong niya na para bang alam niyang may nangyari ngayon lang kaya ako napatawag bigla sa kanya. And it was not even a simple phone call nor chat. My nose lets out its bunny lines when I pouted and nodded my head as a response. “Ang cute mo,” sabi niya kaya tuloy sinamaan ko siya ng tingin. Parang ang animated ng mukha ko ngayon nang makita ko ang sarili sa camera. “Cute as in kasing cute ni Buster?” Ibig sabihin ay kasing cute ako ng aso. “Ay ‘wag mo namang idamay si Buster,” pang-aasar niya kaya tuloy sinimangutan ko na siya. Humalakhak naman siya kaya unti-unting gumihit ang matamis na ngiti sa aking labi. One thing I’ve always liked about Marco is that he doesn’t feed my sadness. Ibig sabihin ay kapag malungkot ako, imbes na damayan ako o ‘di kaya’y kunsintihin, gumagawa na lang siya ng paraan para mapasaya ako. Kaya kahit papaano, ‘yong kaba ko sa pakikipag-video call sa kanya ay unti-unting naglaho. Lalo na ngayong sobrang natural lang ang takbo ng unang video call namin. Neither did he make me feel uncomfortable nor weird, especially because I initiated calling him. Para ngang walang pinagbago ang pakikitungo namin sa isa’t isa kung ikukumpara ko ito noong ka-chat at katawagan ko pa lang siya. “Let me show you around my room,” presenta niya na ikinatuwa ko. He used the back camera of his phone and gave me a mini-tour of his room. “Nangongolekta ka ng masks?” tanong ko sa kanya nang mahagip ng camera ang isang aparador na naglalaman ng iba’t ibang superhero masks. Ilan lang sa mga kilala ko rito sina Spider-Man, Captain America, at Superman. Mukhang marami-rami na rin ang kanyang koleksyon. “Yup! Ilang taon ko ring inipon ito,” proud niyang sagot at humanga naman ako dahil dito. “Ang galing naman! Pero bakit mask ang naisip mong kolektahin?” “Na-tripan ko lang,” sagot niya pero parang sa pagkakilala ko sa kanya. Hindi siya ‘yong tipong gagawa ng bagay na trip lang niya. “Aren’t we all wearing masks anyway?” Napaisip ako sa huli niyang sinabi dahil totoo nga ito. Kung iisipin nang mabuti ay may maskara naman talagang suot ang bawat tao. Iba-iba pa nga kung tutuusin. Iba sa pamilya, sa kaibigan, at kung minsan iba rin sa sarili. May mga pagkakataon pa ngang hindi natin ito agad napapansin pero kusa na lang nagkakaroon, especially when we try to fit in. Ngayon ay hindi ako sigurado kung anong maskara ang suot-suot namin ni Marco sa isa’t isa. How I wish we weren’t wearing one… “Buster!” tawag ni Marco sa alagang aso kaya bumalik ang atensyon ko sa screen ng phone ko. Saktong itinapat niya ang camera kay Buster na panay ang tahol nang makita ako. Mukhang malikot nga ito katulad ng kanyang sinabi. “Hello!” Nakangiti akong kumaway kay Buster. Nakikita ko na siya sa mga pictures noon pero sobrang cute pala niya lalo sa video! Sa pag tour ni Marco sa kwarto niya, pansin kong malinis at masinop siya sa gamit. Lahat kasi ng gamit niya ay nasa ayos kahit na biglaan lang ang tawag ko. Kaunti lang din ang mga gamit na makikita sa paligid kaya sigurong minimalist siya. “Tapos ka nang kumain?” tanong ko nang maalala kong kanina lang ay nasa kusina siya dahil sa picture na pinadala niya sa akin. “Oo. Hindi ko naubos. Nabusog na ako sa picture na sinend mo eh,” sabi niya patungkol sa handa ko kaya natawa tuloy ako. “Sira! Pang one week na pagkain na namin ‘yon,” paliwanag ko naman sa kanya. At dito ko lang napansin ang kabuuan ng kwarto niya. Nasampal na naman ako ng kahirapan. Nahiya ako sa background kong puting pader lang. Maliit lang kasi ang kwarto ko at kahati ko pa rito si Mama. ‘Yong kwarto ni Marco parang mas malaki pa yata sa sala namin. Headboard pa lang ng kama niya alam mo nang mamahalin ang iba pang gamit dito. Now, Marco looks super rich and way out of my league. Kaya lumaki rin lalo ang paghanga ko dahil mapagkumbaba siya sa kabila nito. “Grabe bigatin ka pala talaga,” sabi ko sa kanya nang bumalik siya sa pagkakaupo sa kanyang kama. Tipid naman siyang ngumiti. Para bang may kakaibang lungkot dito. “Hindi. Sa magulang ko naman lahat ng ito. Nakikitira lang ako,” sabi niya na para bang hindi siya masaya sa buhay na mayroon siya. “Anong nangyari?” pagbabalik niya ng tanong sa akin. At mukhang hindi ko na nga pwedeng takasan ang nangyari ngayon lang. “Si Papa lang. Ayaw kong kausapin kaya nagtatago ako ngayon sa kwarto,” simpleng paliwanag ko. Alam naman kasi niya ang buong kwento tungkol dito. At nirerespeto rin niya ang mga desisyon ko, bagay na pinagpapasalamat ko. “Then you don’t have to force yourself if you’re not yet ready.” “’Wag na lang natin munang pag-usapan si Papa. Matutulog na rin ‘yon kaya makakababa na ‘ko,” sabi ko dahil alam ko naman kung anong oras na roon ngayon. Kaya nga sana hindi na siya tumawag para nakapagpahinga na siya. Ilang oras na nga lang ang tulog niya dahil dala-dalawa ang trabaho niya ngayon. “Thank you. Akala ko hindi mo ako sasagutin,” pagtatapat ko naman kay Marco. Tinawagan ko kasi siya ng walang pasabi. Kung siya nag gumawa nito, magdadalawang isip akong sagutin. “Ah nanliligaw ka ba?” Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. It took me a few seconds before I got the joke. “Hindi pa kita sinasagot ah,” sabi pa niya kaya nagreklamo na ako. “Ay wow! Ang galing ah! Siguro scammer ka.” “Scammer?” Gulat niyang tanong pero nagpigil ako ng tawa. “Oo! Iba ‘yung pictures na ginamit mo online, ‘no? Kaya ngayon nakasuot ka ng mask at hindi mo pwedeng tanggalin!” At mukhang na-challenge siya sa sinabi ko dahil agad-agad niyang hinubad ang Iron Man mask na suot niya. Para bang huminto ang mundo ko nang makita ko ang mukha ni Marco. Nagkagulo ang mga paruparo sa tyan ko. Uminit ang pisngi ko. At bumilis din ang t***k ng puso ko. Ginamit niyang salamin ang camera ng phone niya kaya tuloy ang lapit ng mukha niya ngayon sa screen ng phone ko. Inaayos niya ang kanyang buhok. His medium-length fringe haircut fits him so well and he looks amazing. He’s like a Korean heartthrob! Nakita ko naman na siya sa picture noon dahil sa profile niya pero posible pa lang mas gwapo pa siya sa video. Napalunok ako nang isa-isahin ko ang bawat parte ng mukha niya. He has dark brown eyes which make him look confident and intuitive, a prominent straight nose that I’ve always envied, and cupid-bow lips that I could stare at all day long. Gustong-gusto ko ang itsura niya dahil kahit pinagpawisan na siya, mabago pa rin siyang tingnan! “Are you done checking me out?” He smirked. Mabilis naman akong nag-iwas ng tingin at tumikhim. “’Wag ka ngang assuming. Si Buster ang tinitingnan ko ah. Ang laki nga ng mukha mo, tinatakpan mo siya sa likuran,” pagsisinungaling ko dahil nahihiya lang akong aminin ang totoo. “Wow. Thank you ah,” sabi niya kaya tiningnan ko pa kung na-offend ko ba siya talaga. Mabuti at nakangiti naman siya kaya mukhang hindi naman siya apektado talaga. Nagda-drama lang. Napansin ko namang masyado na akong matagal sa kwarto. Baka nagsisimula na silang mag lunch ng wala ako kaya naisipan ko nang bumaba. Tatapusin ko na ang tawag kay Marco. “So…” I bit my lower lip and had to take a deep breath. “I’m sure hindi mo na sasagutin ulit ang tawag at chat ko. For sure… you’ll ghost me – probably even block--” “H-Ha?” parang hahagalpak na siya nang tawa. “Teka lang. May nangyari ba ngayon lang na hindi ko nasundan? Anong sinasabi mo?” “I mean look at me. I probably don’t look like the person you’re expecting. Siguradong ikukumpara mo ako sa picture na naka-post sa profile ko pagkatapos ng call na ‘to. At madidismaya ka--” “Alin dun? ‘Yung naka-side view ka? I don’t even have expectations,” natatawa na siya kaya pinaningkitan ko ng mga mata. “Seryoso nga! Halos hindi ko naman makita ang mukha mo sa profile mo eh.” “Eh bakit nag swipe right ka?” Alam ko naman kasing ang daming mamagandang babae sa dating app na ginagamit namin para maisipan niyang magkaroon ng koneksyon sa akin. Ang tagal na naming magkausap pero iniisip ko pa rin kung bored lang siya noong nag swipe right siya o ‘di kaya’y nagkamali lang siya ng pindot. Ganito ako dahil hindi ako confident sa itsura ko. Sobrang ordinaryo ko lang kasi. Madaling kalimutan ang mukha. “Because you were different,” sagot niya kaya nagsalubong ang kilay ko. “Different in a good way or… in a bad way? Pa-explain naman, please?” “Your bio looked interesting so I read through your profile. Hindi ko ‘yon madalas gawin kaya ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko noon,” He chuckled. “You sounded genuine – you seemed to be a person who I could talk to and trust with my thoughts.” “And if I’m being honest, you look prettier than you sound too…” My heart skipped a beat. I never knew a guy as beautiful as him could also say such beautiful words. “… basta sisinga ka lang.” “Marco naman eh!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD