MAAGA akong nagising. Mali. Hindi ako nakatulog. Paano’y panay ang galaw ni Chloe sa ilalim ng double deck. Ako ‘yong binilinan niyang ‘wag maglikot pero siya itong hindi mapirmi sa pagkakahiga. Palagay ko kasi ay namamahay pa siya kaya hindi mapakali. Matitiis ko na sana ito. Kaya lang, kada ilang minuto ay nagsasalita pa siya. Parang gusto na yata niyang ikwento ang buong buhay niya sa akin. Kaya nga nalaman kong isang taon pala ang tanda niya sa ‘kin. Second year college student na siya at nakapasok na rito sa UA noong unang taon niya. Ayon nga lang ay biglang naging online ang mga klase kaya parang tulad ko, pakiramdam niya’y unang taon pa lang niya rito. Mayaman nga talaga ang pamilya niya. Pero kahit pwede naman siyang ihatid-sundo ng Ferrari nila araw-araw, mas gusto niyang ma