IBINALIK ko agad kay Maeve ang shark head para wala nang g**o. Nag-sorry ako at magpapaliwanag pa sana kaya lang ay hindi na niya ako binigyan pa ng pagkakataon. Basta na lang siyang umalis kaya naiwan ako kasama ‘yong lalaking videographer. Mukhang mabait naman ‘yong lalaking videographer dahil inabutan niya ako ng panyo na agad ko namang tinanggap. Pinunasan ko ang basang pisngi at pawis ko sa noo. Inayos ko talaga ang sarili ko dahil pansin kong pinagtitinginan na ako ng ibang tao. “Ano kasi—” Natigilan ako sa pagsasalita nang pagtingin ko sa wall clock ‘di kalayuan sa ‘min, nalaglag ang puso ko nang mapaalalahanang alas otso pasado na ng umaga! “Sorry— I mean, thank you!” mabilis kong sinabi roon sa lalaking videographer sabay takbo papunta sa lecture room para sa una kong klase. W