Chapter 16: First Trouble

1789 Words

PAGKATAPOS mag-lunch ay naglibot-libot muna ulit ako sa paligid ng University of Alcazar. And if I would be asked to choose one thing I love about UA’s main campus, that would be its building design. The buildings were designed to look new and contemporary, but they made them in a way that they still look compatible with the old. Napansin kong kumpara noong nag on-campus visit kami ni Kuya Arthur, dumami na ang mga taong makikita sa paligid. Bukod sa mga estudyante ay may mga faculty at staff na rin. Siguradong abala ang lahat sa paghahanda dahil bukas na ang unang araw ng face-to-face classes. Talagang ramdam na ang unti-unting pagbalik sa normal ng lahat. Masaya ako dahil mas gusto ko talaga ang face-to-face classes. Para kasi sa ‘kin ay mas natututo talaga ako kapag nasa classroom.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD