BINALIKAN ko lahat ng mga litratong pinadala ni Marco sa ‘kin noon. Naka-save talaga at naka-compile sa isang album sa phone ko ang mga ito. Nangingiti ako habang pinagmamasdan ang mga selfies ni Marco lalo na ‘yong ginamitan ng mga filters at effects. Nakakatawa naman ‘yong mga litrato niyang may bahid ng kalokohan at nadamay pa pati si Buster. Ngunit kung may pagkakapareho man ang lahat ng ito, iyon ay ang kalungkutang nararamdaman ko sa pagtingin dito. Paano’y mukhang talagang naputol na ang komunikasyon namin ni Marco nang ganun-ganun na lang. Napilitan nga akong mag premium sa dating app para lang ma-activate ang feature na read receipts. Gusto ko kasing malaman kung nabasa ba niya ‘yong huling chat ko. And yes, I found out that apparently, he already read it. Marco read my la