MAHIRAP pala kapag sa dating app lang kayo nag-uusap ng isang tao. Sa sitwasyon namin ni Marco, wala akong numerong pwedeng i-text o tawagan dahil hindi naman kami nagpalitan ng ganitong impormasyon. Wala rin akong ibang application na magamit para mahanap si Marco dahil kahit nga buong pangalan niya ay hindi ko alam. Marco is just Marco. Hindi ko masabing kaibigan ko lang siya dahil alam ko sa sarili kong higit pa rito ang nararamdaman ko para sa kanya. We became each other’s support system, we shared so much about ourselves, and we even flirted sometimes if I’m not mistaken. Pero hindi naman kami. Walang umaamin. Walang label. Tiningnan ko ang chat box namin at mas lalo lang akong nainis nang makitang wala pa rin siyang sagot sa huli kong chat sa kanya. Hindi naman siya required i-