SAGLIT na tila bumakas rin ang pagkagulat sa mukha ng lalaki. Ngunit agad din iyong nawala at napalitan ng matiim na ekspresyon. Hindi alam ni Tiffany kung sino ang unang nakabawi sa kanilang dalawa.
Tumaas ang sulok ng mga labi nito at tila patamad na sumandal sa lamesa nito. She realized he looks even better now that he is in front of her. Ngunit magugunaw na muna ang mundo bago siya magpakita ng kahit kaunting hint ng paghanga rito. “What a surpise this is. What is the high and famous Tiffany Del Valle doing in here?” tanong nito. Hindi nakaligtas sa kanya ang sarkasmo sa boses nito.
Tumikhim si Andi ngunit hindi niya ito nilingon. She would never let this man treat her like that. Bahagya niyang itinaas ang mukha at tinapunan ito ng malamig na tingin. “Is that how you treat a prospective client Mr. Alvarez?” kalamadong tanong niya.
Saglit nitong sinalubong ang tingin niya bago sumagot. “It depends Ms. Del Valle.”
“Why do you hate me?” hindi niya napigilang sabihin.
Saglit itong tumitig sa kanya bago nagkibit balikat ito at lumigid sa likod ng lamesa nito. Kampante itong umupo sa swivel chair nito. “I don’t hate you. Have a seat,” anitong kay Andi nakatingin.
She pursed her lips. Nang umupo si Andi sa silyang katapat ni Andrew ay mas pinili niyang umupo sa sofa na kaharap pa rin ng lamesa nito. Hindi niya gustong mapalapit dito. Isa pa ay hindi na niya gustong makipag-usap dito. Tumingin siya kay Andi na marahan namang tumango. Ang manager na niya ang bahalang kumausap sa nakakainis na arkitektong ito.
“So, what can I do for you?” tanong ni Andrew na sa kanya nakatingin.
Tumikhim si Andi. “Well, as we have said sa kasama mo kanina, gusto naming kunin ang serbisyo mo para i-design ang bahay na nais ni Tiffany. Nakita namin ang mga bahay na dinesign mo sa isang magazine at nakausap ko ang writer ng article na iyon. Fortunately ay ibinigay niya sa akin ang address mo,” mahabang litanya ni Andi.
Lalo siyang nakaramdam ng inis sa lalaki dahil habang nagsasalita ang manager niya ay sa kanya ito nakatingin. Pero hindi tulad ng lahat ng lalaking paghanga ang mababanaag sa mga mata tuwing nakatingin sa kanya, si Andrew ay may bakas ng animosity ang mukha habang nakamasid sa kanya.
Napakunot noo ito at ibinaling ang atensyon kay Andi. “Nakausap mo kamo ang writer ng article na iyon? And she willingly gave my address?” tila manghang tanong nito.
“Yes. So, can we expect you to do it?”
Saglit na tila nag-isip ito. Pagkuwa’y muling bumaling sa kanya. Kumabog ang dibdib niya nang magsalubong ang mga mata nila. She tried her best to remain expressionless. Makalipas ang ilang sigundo ay nagkibit balikat ito at sumandal sa backrest ng swivel chair nito.
“Okay. I’ll make a design fit for someone like Tiffany Del Valle,” anitong bahagya pang tumaas ang sulok ng mga labi. Katulad ng dati ay hindi nakaligtas sa kanya ang sarkasmo sa tinig nito. “So, what design do you like? Pang magazine din ba? A mansion? Or what?” tanong nitong deretso ang tingin sa kanya.
Tuluyan na siyang nakaramdam ng inis. “I just want a home. Not a chic house that can be featured in a magazine,” iritableng sagot niya.
“She likes that bungalow house you designed. Iyong ang disenyo ay purong kahoy,” dugtong ni Andi.
Nagtaka siya nang bumakas ang pagkabigla sa mukha ni Andrew. Pagkuwa’y matamang napatitig sa kanya. “You like that one?” anitong may pagtataka ang boses… at iba pa na hindi niya mabigyan ng pangalan. Tumango na lamang siya bilang sagot.
“I see,” tila wala pa rin sa sariling sagot nito.
Tumayo na siya. Tumayo na rin si Andi at ngumiti kay Andrew. “Then, we’ll expect to see your design when?”
Saglit na tila nag-isip ito. “Next week,” simpleng sagot nito na tumayo na rin.
Nang magpaalam si Andi rito ay nagpatiuna na siya sa paglabas ng opisina nito. Baka sumabog pa ang inis niya ng wala sa oras.
Ang Andrew na iyon. Ano ba ang dahilan at galit ito sa kanya? Ni hindi nito tinatangkang itago ang disgusto nito sa kanya. Maybe you’re just not his type. Pinalis niya ang naisip na iyon. E ano kung hindi siya nito type? Hindi niya kailangan ng komplikadong relasyon sa buhay niya. Besides she doesn’t need a man in her life. Maraming lalaking nagkakandarapa sa kanya at hindi kawalan ang Andrew na iyon.
“Darling, why are you angry? Magkakilala ba kayo ni Andrew at tila may something sa inyo kanina?” takang tanong ni Andi ng nasa elevator na sila paakyat sa floor kung nasaan ang unit niya.
She sighed. “That’s why I am angry Andi. Hindi kami magkakilala pero parang galit na galit siya sa akin.”
Saglit na tila pinagmasdan lamang siya nito. “So gusto mo bang humanap na lang ng ibang arkitekto kung ganoon?”
Tumingin siya rito pagkuway umiling. “No, I… I like him to do the design for me. I really liked his design. Hindi rin ako masasatisfy kung ipapagawa ko sa iba.”
Ngumiti ito. “I see. Okay if that’s what you want darling.”
“KUYA!” patiling salubong ni Mandela kay Andrew pagpasok niya sa bahay nila. Ngumiti siya nang yakapin siya nito. Kahit kailan ay hindi na ito nagbago. Bente sais na ito ay para pa rin itong bata kung minsan. And still weird as ever.
“Nasaan sila mommy at daddy?” tanong niya sabay akbay dito.
“Nasa garden. Naglalambingan na naman,” anitong humagikhik pa.
Ngumiti siya. Hindi niya naiwasang igala ang paningin sa paligid ng bahay nila. Bigla niyang naalala si Tiffany. Until now, he could not believe that she liked his parent’s house. Ineexpect niya na gugustuhin nito ng very classy na bahay na tulad ng ibang celebrity na nagiging kliyente nila. Wala sa impresyon niya rito na mas gugustuhin nito ng simpleng bahay. Bigla niya tuloy naitanong sa sarili niya kung alin pa sa pagkatao nito ang hindi nalalaman ng lahat. Sigurado siyang maraming marami pa.
“Huy, kuya bakit natutulala ka? Siguro may iniisip kang kung ano ‘no?” pukaw sa kanya ni Mandy. Hindi naikaila sa kanya ang panunudyo sa tinig nito. He felt defensive. Hindi niya alam kung bakit.
Himbis na sagutin ito ay ginulo niya ang bobcat stlye na buhok nito. Pumalag ito. “Masyado kang usyuserang bata ka,” sabi na lamang niya.
“That’s because I am a writer,” balewalang sagot nito.
“Ang sabihin mo, eccentric.”
“Eh ikaw workaholic,” banat nito na lumayo na sa kanya.
Hindi na niya ito nabuweltahan pa ng kung ano dahil nakarating na sila sa garden kung nasaan ang mga magulang niyang nagtatawanan. Napangiti siya. Marahil ay isa sa dahilan kung bakit nahihirapan siyang humanap ng babaeng seseryosohin niya ay dahil sa mga magulang niya. Dahil sa pagmamahalan ng mga ito, tumaas ang standard niya sa pakikipagrelasyon. Or maybe, he just doesn’t know how to love the way his parents love each other. Tama nga yata si Mandy, masyado siyang nafocus sa trabaho at nawalan na ng panahon sa ibang bagay.
Napailing siya. Tumatanda na nga yata siya at puro tungkol na roon ang naiisip niya. Nang mapabaling sa kanila ang mga magulang niya ay ngumiti na lamang siya at lumapit sa mga ito. It is their anniversary after all.