“KAILAN ka kaya magdadala ng babae rito Andrew?” tanong ng mommy niya na nakapagpahinto sa kanya sa tangkang pagsubo. Hindi niya pinansin ang pagtawa ni Mandy.
“’My, hindi ko pa kayang sagutin ang tanong mong iyan,” safe na sagot niya.
“Bakit naman? You’re not getting any younger. Hindi ka naman namin pinupuwersang mag-asawa sa ngayon. Ang gusto ko na nga lang ay kahit may maipakilala ka man lang sa aming kasintahan,” patuloy ng mommy niya.
Tumikhim siya at uminom ng juice. Naiilang siya kapag ang kanyang ina ang umuusyoso sa love life niya. Napatingin siya kay Mandy na tila tuwang tuwa sa pang-gigisa sa kanya ng kanilang ina. “Stop laughing Mandela,” inis na sabi niya rito.
Himbis na tumigil ay ngumisi pa ito. “Naku mommy, asa ka pa sa kuya kong workaholic. But don’t worry mommy, feeling ko naman may maipapakilala siya sa iyo soon,” makahulugang sabi ni Mandy na ikinakunot ng noo niya.
“What do you mean by that kid?” tanong niya rito.
Nagkibit balikat ito at sumubo. “Instinct brother, instinct.” Umismid siya. Wala siyang tiwala sa instinct na sinasabi ng kapatid niya.
“Huwag niyo ng i-pressure si Andrew. Lalaki naman siya kaya hindi naman masyadong isyu kung may nobya siya o wala,” pagtatanggol sa kanya ng daddy niya.
He smiled at him gratefully. “Thanks Dad.”
“Pero maganda rin kung may maipapakilala ka sa amin,” sabi nito na ikinatawa ni Mandy. Napailing na lamang siya. Then, Tiffany’s face materialized in his mind. Napailing siya. What the hell is the meaning of that?
TUNOG ng alarm clock ang gumising kay Tiffany. Napaungol siya. Parang ang bigat ng pakiramdam niya ngunit kailangan niya pa ring bumangon. May photoshoot siya para sa isang magazine sa araw na iyon. Bumuntong hininga siya at patamad na bumangon.
Dahil hindi maganda ang pakiramdam ay hindi na siya nagabalang mag-ayos pa ng husto. Nagsuot na lamang siya ng simpleng bestida at flat sandals. Hinayaan na lamang din niyang nakalugay ang buhok niya. Hindi rin siya naglagay ng kahit anong make-up. Sa venue na rin sila magkikita ni Andi kaya siya na naman ang magbibitbit ng gamit niya.
Matamlay siyang lumabas ng unit niya. Natigilan siya nang halos kasabay ng paglabas niya ang pagbukas ng katabing unit niya. Napasinghap siya nang makita si Andrew na bihis na bihis rin at may mailman bag sa balikat. Teka, anong ginagawa nito roon?
Tumaas ang sulok ng mga labi nito at walang anumang isinara ang pinto ng unit. “If you are wondering why I am here, well, it’s because I live here,” balewalang sabi nito na dumeretso ng tayo.
Ikinagulat niya iyon. “S-since when?” hindi niya napigilang itanong.
Bahagyang naningkit ang mga mata nito. May bumakas na inis sa mga iyon na agad din namang napalis. “Since five years ago,” tipid na sagot nito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pasimpleng paghagod nito sa kabuuan niya bago siya nilampasan at lumakad patungo sa elevator.
Naiwan siyang natitigilan. Magkapitbahay lamang sila pero hindi niya alam? Saan ba siya nakatingin sa loob ng limang taon at ni hindi niya ito nakita? Bigla siyang nakaramdam ng panghihinayang sa nasayang na limang taon. Huh? Why are you even thinking about that Tiffany? That’s so not you.
Napakurap siya ng marinig ang pagtunog ng elevator at ang pagbukas ng pinto niyon. Himbis na pumasok agad doon ay hinarang nito ang katawan sa pinto at tumingin sa kanya. “Hindi ka pa ba sasakay?” tanong nito habang deretsong nakatingin sa kanya. A gentleman.
“S-sasakay,” aniyang hinatak na ang maleta niya. Lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil natataranta na naman siya sa presensya nito. Bakit ba nasisira ang poise niya kapag nasa harapan niya ang lalaking ito? Nakakainis.
Napasinghap siya nang matisod na naman siya papasok ng elevator. Mabuti na lamang at mabilis siya nitong naalalayan sa baywang. Napakapit siya sa balikat nito. Her heart beat wildly because of his nearness. Tumingala siya. She met his dark eyes. Wala siyang mabasang anumang emosyon sa mukha nito. Ngunit sapat na ang pagkakalapit ng mga mukha nila upang makaramdan siya ng matinding nerbiyos.
Dagli rin siya nitong pinakawalan at tinulungan siyang ipasok sa elevator ang maleta niya. She blushed. Palagi na lang siyang napapahiya sa harapan nito.
Nang nakapasok na sila sa elevator ay pumalatak ito. “Whether in heels or in flats may pagka-clumsy ka. Mabuti at hindi iyan nangyayari sa iyo sa catwalk,” komento nito.
Napayuko siya dahil doon. Noon lamang siya nakaramdam ng matinding pagkapahiya sa buhay niya. Naiinis siya dahil ang bilis ng t***k ng puso niya. Masyado siyang aware sa malaking bulto nito. Para ding biglang sumikip ang elevator. Ipinagsalikop niya ang mga kamay sa handle ng maleta niya habang ito naman ay walang anumang nakapamulsa.
“Hindi ka rin suplada no,” sarkastikong sabi nito.
Napaangat ang tingin niya rito. Hindi niya gustong isipin nitong ganoon siya. Pero anong magagawa niya? Suplada naman talaga siya. Bumuntong hininga at itinutok ang paningin sa pinto. “Yeah you’re right.”
Nagulat siya ng tumawa ito. Muli siyang napatingin dito. Amused na nakatingin din ito sa kanya. “Ikaw pa lang ang nakilala kong umaming suplada. You should have said no,” komento nito. Somehow, nakahinga siya ng maluwag ng wala ng bahid ng sarkasmo ang boses nito.
Nagkibit balikat siya. “Why would I say no kung totoo naman?”
Lumawak ang pagkakangiti nito at tumango tango. Bahagya tuloy siyang natulala rito. He looks so damn gorgeous with that amused look on his face. At ano ang panama ng mga modelo ng toothpaste sa pantay pantay at mapuputing mga ngipin nito? She reminded herself not to let Andi see that smile. Siguradong pipilitin nito si Andrew na magmodelo na lamang.
“Very well said,” amused pa ring sabi nito.
Nag-iwas na siya ng tingin dito. Mahirap na, baka maipahiya na naman niya ang sarili sa lalaking ito. Naturingan pa naman siyang modelo ay nagmumukha siyang gaga ng dahil dito.
“Siya nga pala, hindi ko pa tapos ang design ng bahay mo. Pero kapag nakagawa ako ng first draft ay ipapakita ko sa iyo,” biglang kambiyo nito.
Tipid niya itong sinulyapan. Deretso ang tingin nito sa pinto ng elevator. “Okay.”
“Are you sick?” maya-maya ay muling tanong nito.
Tuluyan na siyang napatingin dito. Nakatingin na rin ito sa kanya. Nasalubong niya ang matiim na mga mata nito. Her heart leapt. Bakit ba parang lagi siyang nagpapalpitate kapag nakatingin ito sa kanya ng ganoon? “Not really,” tipid na sagot niya.
Bahagyang tumaas ang makapal na kilay nito. “Not really? But you look pale,” komento nito.
Hindi niya alam kung hindi lang talaga ito makatiis na hindi pansinin ang pamumutla niya o gusto lang nitong mag-usap sila. Nagkibit balikat siya. “I always look this way,” tanging sagot na lamang niya.
“I see,” sabi nito. Bumukas na ang elevator. Nakaramdam siya ng disappointment ng lumabas na ito sa floor na iyon. Napatitig na naman siya sa likod nito.
Bahagya siyang napaatras ng bigla itong limingon bago pa man sumara ang elevator. Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Be careful,” sabi nito. Hindi na siya nakasagot dahil sumara na ang elevator. Tulad ng dati ay napabuntong hininga na naman siya.