“YOU’RE still gorgeous as always. Care to have a drink with me later?” Walang salitang tinapunan ng tingin ni Tiffany si Harold San Andres, ang modelong kapareha niya sa photoshoot niya para sa isang clothing line. Hindi iyon ang unang pagkakataong makakapareha niya ito para sa isang shoot.
Ayon kay Andi ay may kakaibang chemistry daw sila ni Harold sa mga larawan nila, kaya maraming kumukuha sa kanila. Nagkakalakas tuloy ng loob ang lalaki na lapit-lapitan siya at ayain ng ayain. Hindi naman sila masasabing personal na magkakilala dahil iba ang agency nito. Kaya lalo siyang naiirita kapag dumidikit ito sa kanya.
Muli niyang ibinalik ang atensiyon sa magazine na binabasa niya. “No,” simpleng sagot niya.
“Oh come on, wala namang mawawala sa iyo kung lalabas ka kasama ako,” sabi pa nito.
“I said no,” malamig na tugon niya. Mas makulit pa ito kaysa sa kasamahan niyang modelo sa Timeless na si Emmanuel Pelayo. Ang akala pa naman niya ay si Eman na ang pinakamakulit na lalaki sa mundo. Ngunit iba talaga ang dating ng Harold na ito. Kay Eman ay alam niyang biro lamang dito ang mga sinasabi nito. Pero ang Harold na ito ay parang may itinatagong ugaling hindi niya maintindihan.
Bumuntong hininga ito. “You’re still cold as always Tiffany,” angal nito. Hindi na niya ito pinansin. Saglit itong nanatiling nakatayo sa harap niya bago umalis. Mabuti naman. She doesn’t want to waste her time on annoying guys like him.
“Tiffany,” narinig niyang tawag sa kanya ni Andi.
Mabilis niyang ibinaling ang atensyon dito. Tila may kung sino itong tinitingnan bago bumaling sa kanya. “Kinukulit ka na naman ba ni Harold?” tanong nito.
“Yes and he was really annoying,” prankang sagot niya.
Umupo ito sa tabi niya. “Lahat naman ng lalaki para sa iyo nakakairita. But that one, parang iba talaga ang tingin sa iyo eh. You better be careful with him okay?” paalala nito.
She twitched her lips. “You don’t have to worry Andi. I can perfectly take care of myself.”
Saglit itong tumitig sa kanya at bumuntong hininga. “Don’t forget that you are still a woman. Hay, I really want you to find someone who could protect you. Kailan kaya mangyayari iyon?” sabi nito na tila iyon talaga ang pinakapangarap nito.
She smirked. “I can perfectly live without someone like that. Tumanda na nga akong walang ganyan ngayon pa ba ako maghahanap?” katwiran niya.
Andi rolled his eyes pagkuwa’y ngumiti. “Fine. Anyways I’ve got a surprise for you.”
“Oh?” she raised her brow for inquiry.
May inilabas itong piraso ng papel. “I’ve got that architect’s address. Buti na lang yung writer ng article na iyon about houses sa magazine na iyon ay personal na kilala si Mr. Architect. And guess what?” tanong nitong bakas ang excitement.
“What?” simpleng tanong niya.
“Their office is in the same building as your unit dear. Isn’t it a nice coincidence?”
“Really?” gulat ding tanong niya. Inabot niya ang papel kung saan nakasulat ang address ng firm na sinasabi ni Andi. Natigilan siya nang mabasa iyon. Third floor? Biglang sumagi sa isip niya ang lalaking nakasabay niya sa elevator. May kung anong kabang bumundol sa dibdib niya. Could it be? No, imposible iyon. That would be a very weird coincidence.
“So, gusto mong puntahan na natin mamaya?” pukaw sa kanya ni Andi.
Bumuntong hininga siya. “Yes.”
NANG bumukas sa third floor ang elevator na sinasakyan nila ni Andi ay pasimpleng iginala ni Tiffany ang paningin sa paligid. Nang huli kasing bumukas ang elevator sa floor na iyon ay hindi niya iyon masyadong napagmasdan. But now, she could perfectly see the fantastic interior of that floor.
Nang magpatiuna si Andi sa pintuang pinasukan ng lalaking nakasabay niya noon sa elevator ay bigla siyang nakaramdam ng kaba. Ngunit dahil ayaw niyang magtaka si Andi ay walang salitang sumunod na lamang siya rito.
Isang lalaki ang nakita nila pagkapasok nila sa silid na iyon. Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Tiffany nang makitang hindi iyon ang lalaking nakasabay niya sa elevator. It’s a combination of relief and... was it disappointment? Why? Is it because deep inside her she wants to see him again? Pinagalitan niya ang sarili sa isiping iyon. Kailan pa nakaramdam ng ganoong emosyon si Tiffany Del Valle?
“Whoa, what a surprising guest we have here,” sabi ng lalaki nang mapabaling sa kanila. Bakas ang pagkabigla at paghanga sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.
Himbis na sagutin ito ay bumaling siya kay Andi. Ito ang humarap sa lalaki. “Mr. Andrew Alvarez?” tanong ni Andi rito.
Saglit na tila natigilan ang lalaki pagkuwa’y bahagyang sumeryoso ang mukha. “Yes?”
“Well, Tiffany saw the house you designed in a magazine and she really got an interest in your work. At dahil gusto niyang magpatayo ng bahay, gusto naming kunin ang serbisyo mo para gumawa ng design ng bahay niya. Budget is not a problem so you can focus on the quality of the design,” dere-deretsong sabi ni Andi.
“Ah,” tanging sinabi ng lalaki pagkuwa’y tila nag-iisip habang nakatingin sa kanya. “Which one did you like?” tanong nito sa kanya.
Tumingin din sa kanya si Andi. “The bungalow one. The one entirely made with wood,” simpleng sagot niya.
“Really? Wow, that’s so unusual for someone like you Ms.Tiffany Del Valle to like that design,” komento nito. Pagkuwa’y ngumiti. “But Andrew will be really delighted to know that you like that one.”
Napataas ang kilay niya sa sinabi nito. Nagkatinginan sila ni Andi lalo pa nang lumapit ang lalaki sa isang pinto. Kumatok muna ito bago binuksan iyon. “Pare, may kliyente ka. Looks like they came here personally because of you,” kausap nito sa kung sino mang nasa loob niyon.
“Papasukin mo na lang Clev,” sagot ng nasa loob.
May kabang bumundol sa dibdib ni Tiffany nang marinig ang boses na iyon. It’s somewhat familiar. Parang bigla siyang naduwag na lumapit doon. But then, she’s not that cowardly type. She learned to be strong for herself since she was young. Kaya hindi siya dapat matakot ng dahil lamang pamilyar sa kanya ang boses nito.
Nakangiting humarap sa kanila ang lalaking tinawag na Clev. There is a mischievous grin on his face. Kung bakit ay hindi niya alam. “You can come in already.”
Muli niyang binalingan si Andi na nagpatiuna naman sa pagpasok. Sumunod siya rito. Nang makapasok siya sa loob ng silid na iyon ay agad niyang napansin ang nakatalikod na lalaking may kung anong tinitingnan sa malaking lamesa nito. Muli na naman siyang nakaramdam ng kaba ng mapatitig siya sa bulto nito. Matangkad ito, marahil ay nasa six feet one inch ang tangkad at maganda ang bulto ng pangangatawan. Kahit nakatalikod ito ay nasisiguro niyang papasa itong modelo sa katawan nito. Ngunit ang mas nakakapagpakaba sa kanya ay ang katotohanang pamilyar sa kanya ang likod na iyon.
“Mr. Andrew Alvarez?” tanong ni Andi.
“Yes,” sagot nito. Nang humarap ito ay hindi niya napigilan ang panlalaki ng mga mata niya. Napasinghap siya nang masalubong niya ang matiim na mga mata nito. That same eyes that seems to always hate her yet she long to see again. The ruthless man she met in the elevator.