NATIGILAN si Tiffany sa pagtingin sa pahina ng magazine nang makita ang mga iba’t ibang disenyo ng mga bahay. Kasalukuyang inaayos ng paborito niyang hair stylist na si Darlyn ang buhok niya para sa photoshoot niya sa araw na iyon.
That particular house is not as chic and high end as the houses on the previous pages. Ang bahay na iyon ay bungalow lamang at kulay kahoy lahat. May iilang kuwarto din lamang at may magandang kusina. Malamig din sa mata ang living room. At ang pinakagusto niya ay ang patio ng bahay kung saan may isang duyan at may kahoy na lamesa na may nakalagay na halaman sa gitna. It was simple but very homey looking. Parang bigla siyang naiingit sa may-ari ng bahay na iyon.
Sa pagkakatanda niya, malayung-malayo ang bahay na iyon sa bahay nila noong bata pa siya. Theirs was a black and white house na maraming salamin. Lahat ng gamit ay mamahalin. Her parents both came from a very rich family. At kaya lamang nagpakasal ang mga ito ay dahil sa pera. Too bad hanggang sa kasalukuyan ay hindi nagawang mahalin ng mga ito ang isa’t isa. At maging siya.
“Okay na ang hair niyo Ms. Tiffany. Make-up na lang po,” pukaw sa kanya ni Darlyn, ang pinakamagaling na hair stylist na nakilala niya.
Tiningala niya ito at tumango. “Thank you Darlyn,” aniya rito.
“Sus. No problem. Trabaho ko naman ito. Besides, I like making people look good,” nakangiting sagot nito at inayos na ang mga gamit nito sa pag-aayos ng buhok niya.
Sinulyapan niya ang detalyeng nasa ibabang bahagi ng larawan bago ibinaba ang magazine. She wished she could have a house like that. May biglang pumasok sa isip niya. Iginala niya ang paningin upang hanapin si Andi ngunit hindi niya ito makita. Nakalapit na rin sa kanya ang make-up artist. Di bale, later she will talk to Andi.
“I want a house Andi,” deretsong sabi ni Tiffany sa manager niya. Nasa loob sila ng unit niya. Nakonsiyensiya itong hindi siya nito natulungan sa pagbitbit ng gamit niya kaya nag-volunteer ito na samahan siya saglit doon. They are both sitting on the sofa and sipping wine.
Napakunot noo si Andi. “Anong tawag mo dito?” takang tanong nito.
“No, no. I mean, I want a real house. Not like this.”
Saglit itong tumitig sa kanya. “Why darling? Naliliitan ka na ba dito?”
Bumuntong hininga siya. “No. actually, nalalakihan na ako. I don’t know. I suddenly feel lonely in here these past months. I’m no longer comfortable,” paliwanag niya.
Ito naman ang bumuntong hininga. “You always feel lonely dear,” komento nito. Hindi siya nakaimik dahil tama ito. “You see, hindi lang naman paglipat ng bahay ang solusyon sa kalungkutan.”
“Alam ko iyan Andi. Pero sa ngayon, ito lang ang kaya kong gawin okay? I want a house. A real house.”
Ngumiti ito. “Okay. Kung iyan ang gusto mo hahanap ako ng bahay na pwede mong mabili. Saang subdivision mo ba gusto?” tanong nito.
Sumimsim muna siya sa wine glass niya bago sumagot. “Actually hindi naman ako nagmamadali Andi. Gusto kong magpatayo ng bahay. I want it personalized. So I thought I should hire an architect for my house.”
“Hmm... that sounds nice. Do I have to look for an architect o may nahanap ka na?” tanong nito.
Tipid siyang ngumiti. “You see, I saw this very nice house on a magazine. And I really loved it. Pangalan lang ng may ari ng bahay at ng architect ang nandoon. But can you ask the magazine for that architect’s contact number? I want him to design me a house like that one.”
Saglit siya nitong pinagmasdan pagkuwa’y masuyong ngumiti. “Sure darling. I can do that for you.”
Lumapit siya rito at ginagap ang mga kamay nito. “Thank you Andi,” nakangiting sabi niya.
Tumawa ito. “Kung ngingiti ka ba ng ganyan sa harap ng ibang tao malamang mas dadami ang projects mo. You look more beautiful when you smile darling.”
Dumeretso siya ng upo at pinalis ang ngiti niya. Sumandal siya sa sofa. “I don’t need more projects Andi.”
Muli itong tumawa. “Very well said.”
Maya-maya ay bigla itong natahimik. Nang tingnan niya ito ay tila nababahala ito. “You want to tell me something Andi?” tanong niya rito.
Alanganin itong tumingin sa kanya. “Nothing.”
“Andi, I know you want to tell me something.”
Maarte nitong ikinumpas ang kamay. “I don’t want to ruin your good mood.”
Natigilan siya. “Is it about them again?” tanong niya.
Bumuntong hininga ito. “Sort of. Tumawag ang mommy mo kanina. Gusto niyang ipaalam sa iyo na nagdesisyon na sila ng daddy mong magpa-annul. It seems like your mother find someone new.”
Saglit siyang hindi nakaimik. Kinapa niya ang damdamin niya kung may nararamdaman siyang kahit ano. Sa huli ay wala siyang nakapang kahit na ano. “They should have done it a long time ago anyway,” komento na lamang niya.
Pinagmasdan siya ni Andi. “Does that mean wala ka ng hinanakit sa kanila?”
She bitterly smiled. “Yes. In fact, I don’t feel anything for them now.”
“Hindi ko alam kung sasabihin ko bang that’s good o hindi.”
Sumandal siya sa sofa at tumitig sa kisame. “Honestly, I really don’t know myself,” tanging nasabi niya.
“Do you want to see them?” tanong nito.
She tasted something bitter in her mouth. “No,” malamig niyang sagot.
Bumuntong hininga si Andi. “Then you still feel something for them darling.” Hindi na lamang siya umimik sa sinabi nito.