“OH my Tiffany darling. I am really so sorry. Sobrang traffic dito at kapag hinintay mo pa ako ay sobrang malelate ka sa photoshoot mo. Alam ko pa naman ayaw na ayaw mong nalelate ka. I am really sorry,” paulit-ulit na hinging paumanhin ni Andi.
Bumuntong hininga siya at inilipat sa kabilang tainga ang cellhpone niya. Isinukbit na niya ang isa niyang bag sa balikat niya at ipinatong sa maleta niya ang make-up kita niya. “It’s okay Andi. Hindi mo kasalanan ang traffic. Kung talagang hindi ka aabot, magkita na lang tayo sa mismong venue. Gagamitin ko na lang ang sasakyan ko.”
“Pero marami kang gamit. Ayoko namang dumating ka doon na ikaw ang may bitbit ng mga gamit mo. No, no, nakakawala ng class iyon darling,” argumento nito.
Napailing siya at hinawakan na ang handle ng maleta niya. Lumabas na siya ng unit niya. Nahihirapan man siyang bitbitin ang mga gamit niya dahil hawak niya sa isang kamay ang cellphone niya ay hindi niya magawang magreklamo dito. Hindi niya gustong lalo pa itong makonsiyensiya. “I told you I’m fine. Kayang kaya ko ito,” sabi niya pa habang naglalakad patungo sa elevator.
Tumayo siya sa tabi ng isang matangkad na lalaki na hindi na niya masyadong pinagtuunan ng pansin. “Ang sabi ko naman kasi sa iyo kumuha ka na ng personal assistant para may nakakatulong naman sa iyo. O kaya kahit isang kasambahay para may kasama ka sa bahay,” patuloy na pagsasalita ni Andi.
She sighed. “Andi, you know I’m not comfortable with other people around. Besides, I can perfectly take care of myself. I promised to take care of myself. In fact, bitbit ko na nga ang mga gamit ko at pasakay na ako ng elevator. Magkita na lang tayo sa venue okay?”
Bumuntong hininga ito. Kung kaharap niya lang ito sigurado siyang itinirik pa nito ang mga mata. “Fine. See you there darling,” paalam nito at pinutol ang tawag.
Agad niyang isinilid sa shoulder bag niya ang cellphone. Tiyempong bumukas ang elevator.
Nagpatiuna na siya sa pagpasok sa elevator. Ngunit muntik na siyang matapilok ng mahirapan siya sa paghatak ng maleta niya. Mabuti na lamang at maagap ang lalaking kasama niyang naghihintay sa elevator dahil naiharang nito ang katawan nito sa pinto ng elevator. Maagap din nitong hinawakan ang handle ng maleta niya upang tulungan siya. Aksidenteng dumikit sa kamay niya ang kamay nito.
Nahigit niya ang hininga ng tila makuryente siya sa pagdaiti ng balat nito sa balat niya. Awtomatiko niyang binawi ang kamay at hinayaan itong hatakin papasok ang maleta niya. Bigla siyang nalito sa naging reaksiyon niya. Sanay siyang may nakakadaiting katawan ng lalaki sa mga pictorial niya. Ngunit kahit kailan ay wala siyang naramdamang tulad niyon sa lahat ng mga nakapareha niya. It is in fact, one of the reasons why they call her the ice queen. But to this man…
Nang pareho na silang nakapasok sa loob ng elevator ay binitiwan na nito ang maleta niya. Mabilis niya iyong hinawakan at inilapit sa kanya. Saglit na walang nagsalita sa kanilang dalawa.
“Can’t you say even a short thank you?” malamig na sabi nito makalipas ang ilang floor.
Nagangat siya ng tingin. Nasalubong niya ang matiim na mga mata nito mula sa repleksiyon nila sa pinto ng elevator. Lalo siyang nalito nang magsimulang magrigodon ang puso niya. Why, she never felt that way before. She is the Ice queen. She doesn’t feel stuffs like heart racing and things like that. But that was exactly what she is feeling at that moment. It was weird…and scary.
Hindi niya tuloy naiwasang pagmasdan ito. Hindi maipagkakailang guwapo ito. Katunayan, mas magandang lalaki pa ito sa ibang lalaking modelo at artistang kilala niya. Matangakad ito at katamtaman lamang ang kulay ng balat. Hindi maputi at hindi rin maitim. Hindi rin ito kasing kinis ng mga lalaking modelong nakikita niya ngunit kataka-takang mas gusto niya ang kutis nito, lalaking-lalaki. Matangos din ang ilong nito at manipis ang mga labi. Ang mga mata nito ay tila kay samang tumingin. O masama lang talaga ang pagkakatingin nito sa kanya?
“So? Mahirap bang banggitin ang simpleng thank you Ms. Del Valle?” pukaw nito sa kanya. Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang sarkasmo sa tinig nito. Pinigilan niya ang sariling mag-react sa sinabi nito. Diyata’t may galit sa kanya ang lalaking ito? Hindi naman niya ito kilala.
Mula sa pagkakatingin sa repleksiyon nila sa salamin ay ibinaling niya rito ang tingin. He looks much much better in person than on his reflection. But she remained poker faced. One thing she mastered for so many years is to hide her emotions. Sinalubong niya ang mga mata nito. “Thank you,” malamig niya ring sagot. Nang hindi ito magsalita ay muli na niyang ibinaling sa pinto ang paningin niya.
Bumukas ang elevator sa third floor. Walang salitang bumaba roon ang lalaki at ni hindi tumitinging naglakad ito papasok sa isang pintuan doon. Bago pa niya maigala ang paningin sa floor na iyon ay muli ng sumara ang elevator.
Bigla siyang napabuntong hininga. Bakit ba galit sa kanya ang lalaking iyon? Though she’s used to being hated because of her cold attitude, bakit parang may panlulumo siyang nararamdaman na galit din sa kanya ang lalaking iyon?
Malungkot siyang napatitig sa pinto ng elevator. It is because it is the first time your heart beat fast like that. Yes, in her twenty six years of existence, it was the first time her heart felt like it was alive. At iyon ay dahil lamang sa saglit na pagkakadikit ng mga balat nila ng lalaking iyon. Subalit hayun nga, lumabas ito ng elevator na hindi man lang siya sinulyapang muli.
Bumukas ang elevator nang nasa ground floor na. Ipinilig niya ang ulo at maingat na hinatak ang maleta niya. Hindi na niya dapat pagtuunan ng pansin ang lalaking iyon. She has a very busy day ahead of her after all.
I knew it. She’s really a snob. She can’t even say thank you properly. Ang babaing iyon akala niya yata ay luluhod ang lahat ng lalaki sa kanya. So what if she’s so damn gorgeous? And her skin so smooth? Sa totoo lang ay hindi alam ni Andrew kung bakit ba niya binubuwisit ang sarili niya dahil lamang kay Tiffany Del Valle. Subalit tuwing naiisip niya ang walang emosyong ‘thank you’ nito ay nag-iinit ang ulo niya. Dere-deretso siyang pumasok sa opisina niya at pabagsak na naupo sa kanyang swivel chair.
“Andrew? Bakit parang mainit yata ang ulo mo?” takang tanong ni Clever na pumasok sa opisina niya ng hindi kumakatok. May bitbit-bitbit itong ilang nakarolyong blue prints.
Inis pa ring bumuntong hininga siya at sumandal. “Nakasabay ko sa elevator si Tiffany Del Valle.”
Bumakas ang interes sa mukha nito. “Oh? Ang suwerte mo naman pare.”
He sneered. “Anong swerte? Tinulungan ko siyang ipasok sa elevator ang maleta niya dahil nahihirapan siyang buhatin but she’s so ungrateful. Ni wala siyang balak magpasalamat. She’s really a snob.”
Biglang tumawa si Clever. “Alam mo pare, sa tingin ko kaya ka naiinis sa kanya ay dahil hindi ka niya pinapansin. Nasanay kang halos lahat ng babae nababaliw sa iyo kaya ka nagkakaganyan. Hindi kaya karma na ang tawag diyan?” anitong may bahid ng biro.
Napakunot ang noo niya. “Anong karma? Bakit naman ako makakarma wala naman akong naagrabyadong babae sa buong buhay ko?”
Humalakhak ang kaibigan niya. “Huwag mo ngang inuuto ang sarili mo pare. Paanong walang naagrabayado eh lahat ng naging syota mo hindi mo naman minahal? O hindi ako ang nagsabi niyan ha ang kapatid mo.”
Hindi siya nakaimik sa sinabi nito. “Aprubado na ba ng mga kliyente iyang mga hawak mo?” biglang tanong niya.
Pumalatak ito. “Nililigaw mo ang usapan pare,” komento nito.
Asar na tiningnan niya ito. “Shut up Clev. Daig mo pa ang babae kung makausyoso.”
Nagkibit balikat ito. “I’m just Clever. Just like my name. O, aprubado na iyan lahat.” Inabot niya ang mga blue print.
Napakunot noo siya. “Ayos pare, ang mamahal ng mga materyales nito ah.”
“Mayaman ang kliyente nating yan. Pinakitaan ko siya ng blue print na mas mura ang materyales pero mas gusto niya iyan. Target daw niyang ma-feature sa isang magazine ang bahay niya.”
Napailing siya. Kung siya ang tatanungin ay mas gusto niya nang simpleng bahay. Pero iyon ang gusto ng mga kliyente nilang ginagawa na ring status symbol ang magagandang mga bahay.
“Speaking of being featured, hindi ba na-feature na rin ang bahay ng parents mo sa isang lifestyle magazine? It was your design right?” sabi ni Clever.
Nagkibit balikat siya. “Pakana iyon ni Mandela nang minsang wala siyang maisip i-contribute sa magazine na pinapasukan niya.”
Tumawa ito. “But I think your parent’s house is your best design so far. Iba ang ganda ng gawa mo kapag espesyal sa iyo ang titira,” komento pa nito.
Napakunot noo siya at napangiti. “Yeah right.”