“TITITIGAN mo na lang ba ako o kakain ka? Hindi ka gagaling kapag hindi ka kumain. Huwag kang mag-alala marunong akong magluto at sinisiguro ko sa iyong masarap ito,” pukaw nito sa kanya at bahagyang ginalaw ang kutsara.
She sighed and opened her mouth. Muli siyang napabuntong hininga ng maramdaman niya ang init na humagod sa sikmura niya ng malunok ang lugaw. At tama ito, masarap nga iyon. Hindi kagaya ng walang lasang lugaw ng yaya niya noong bata pa siya.
Saglit pa ay sinusubuan na siya nito at siya naman ay tanggap ng tanggap. Ilang beses pa nitong pinunasan ang gilid ng mga labi niya. Somehow, that simple gesture of his warms her heart. Gayundin ang katotohanang naroon ito sa tabi niya para alagaan siya. Kahit hindi niya alam ang dahilan nito o kung may matibay man itong dahilan ay hindi na mahalaga. She realized that she has been longing for someone to do these things to her.
Nang maubos niya ang isinusubo nito sa kanya ay inilapag nito ang mangkok sa tray at kinuha ang baso ng tubig, ganoon din ang ilang tablet na kailangan niya raw inumin upang gumaling siya. Hindi na siya nagprotesta kahit na nahihiya siya rito. At nahihiya rin siya sa sarili niya. Ipinangako niya sa sarili niya na aalagaan niya ang sarili niya at hindi aasa sa iba, pero heto siya at nagpapapamper kay Andrew. Ganoon na ba kalala ang sakit niya?
“Now, you should go back to sleep,” sabi pa nito at inalalayan pa siyang humiga. Nagpadala na lamang siya rito. Napabuntong hininga siya ng ayusin nito ang pagkakakumot nito sa kanya at muling haplusin ang noo niya. Napapalatak ito. “Ang init mo pa rin. Ano ba kasing ginawa mo kanina at nagkaganyan ka?”
“Nag pictorial.”
Nagsalubong ang tingin nila. “Anong klaseng pictorial?”
She sighed. “In a swimming pool.”
Nagsalubong ang mga kilay nito. “Masama na ang pakiramdam mo nagbabad ka pa sa tubig? And in a swimsuit I bet?”
“It can’t be help. Para iyon sa summer edition ng Young and Free Magazine,” sagot na naman niya. Ni hindi niya alam kung bakit siya nagkukuwento dito. Bukod kay Andi ay wala na siyang ibang pinagsasabihan ng mga kung anu-ano tungkol sa kanya.
Napatitig siya sa mukha nito ng lalong kumunot ang noo nito. “Young and Free? Did you met someone named Mandy?” tanong nito.
Natigilan siya. Pagkuwa’y tumango. Parang lalong bumigat ang pakiramdam niya ng makitang ngumiti ito. Mukhang may something dito at kay Mandy. Pumikit siya para hindi na makita ang mukha nito.
“Pwede ka ng umuwi. Kaya ko na ang sarili ko,” aniya sa pilit pinatatag na boses. Hindi siya pwedeng umasa rito dahil hindi naman ito magtatagal sa buhay niya. Huh? So iniisip mo palang gusto mo siyang tumagal sa buhay mo? Ano bang nangyayari sa kanya? Nagkokombulsyon na ba siya at kung anu-ano na ang naiisip niya? Mga bagay na hindi naman niya iniisip dati? She doesn’t even know the guy well for God’s sake!
Hindi ito umimik ngunit nanatili pa rin sa pagkakaupo sa gilid ng kama niya. Maya-maya pa ay tumayo na ito. Naramdaman niya ang pagkuha nito sa tray at ang paglakad nito palabas ng kanyang silid. She sighed at muling nagpahatak sa antok.
NAALIPUNGATAN si Tiffany na nanginginig sa lamig. She can feel herself burning. And it was so painful she wanted to cry and call someone. Nang bahagya siyang magmulat ng mga mata at mapatitig sa kisame ng silid niyang lampshade lamang ang bukas ay narealize niya na wala ring silbi kahit tumawag siya. She has no one to call for anyway. Besides, she has always been alone.
Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa sarili at namaluktot. She wished someone could hug her at a time like this. Mula noong bata pa siya ay walang gumagawa niyon sa kanya tuwing may sakit siya. Oo at inaalagaan siya ng yaya niya. Pero sa gabi ay mag-isa pa rin siyang matutulog sa kuwarto niyang masyadong malaki para sa kanya. So, she has to bear the cold and the pain alone.
Napaungol siya at lalong namaluktot. Pakiramdam niya nanginginig ang buong katawan niya. Pagkuwa’y tinawag niya ang pangalang hindi niya inaasahang lalabas sa bibig niya. She called out Andrew’s name. Pero malabo namang marinig siya nito. Siguradong nasa kabila na ito at masarap ang tulog. O baka naman nasa ibang lugar kapiling si Mandy. “Andrew,” she sighed.
“Tiffany?” tawag sa kanya ni Andrew.
Nahigit niya ang hininga. Napatitig siya sa bumukas na pinto ng kanyang silid. Wala siyang masyadong maaninag dahil hindi niya maimulat ng maayos ang mga mata niya. Naisip niyang baka guni-guni niya lang iyon. Baka kakatawag niya rito ay naririnig na niya ang boses nito. But then, she remembered that she had never heard him call her name.
Naramdaman niya ang paglundo ng kama niya. Kasunod niyon ang palad na humaplos sa noo niya. It was then she realized it was indeed Andrew. “You’re burning,” puna nito at hinaplos haplos ang buhok niya.
Napahikbi siya. Damn, at parang gusto pa yatang tumulo ng mga luha niya. Hindi pwede iyon. Matagal na panahon na siyang hindi umiiyak. She promised she will never cry again. “W-why are you still here?” mahinang tanong niya.
“You called me.”
“I did not,” kaila niya.
Bumuntong hininga ito. “Hindi kita kayang iwan ng ganyan,” he said in a gentle way na noon niya lang narinig dito.
She shivered. Tumigil ito sa paghaplos sa buhok niya. Gusto niyang magprotesta nang bigla itong tumabi sa kanya. Bago pa niya maisip ang gagawin nito ay ipinatong na nito ang ulo niya sa braso nito at niyakap siya ng mahigpit.
“Matulog ka na,” bulong nito at muling hinaplos ang buhok niya.
Bahagyang naibsan ang lamig na nararamdaman niya sa yakap nito. Sumiksik siya sa katawan nito. He smells good. Ang sarap din sa pakiramdam ng init na nagmumula rito. Napabuntong hininga siya. Funny, but she feels at ease and comfortable in his arms. Na para bang dati na nila iyong ginagawa. Ang sarap pala ng may kayakap sa mga ganoong pagkakataon. Naramdaman niyang hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya. Pagkuwa’y humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. She smiled despite the heaviness she feels. Then, she drowsed to sleep.
NAGISING si Tiffany sa kung anong liwanag na sumisilaw sa mga mata niya. Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay nalaman niyang sikat pala ng araw iyon. Napabangon siya hindi dahil doon kundi dahil sa katotohanang nakabukas ang kurtina ng kuwarto niya na palagi niyang pinapanatiling sarado.
Biglang bumalik sa isip niya ang mga nangyari kahapon at sa nagdaang gabi. Napatingin siya sa kama niya. Wala na siyang katabi ngunit may naaamoy siyang amoy na hindi sa kanya. Amoy ni Andrew.
Nang maalala ito ay tuluyan na siyang bumangon. Mas maganda na ang pakiramdam niya kaysa kahapon. Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Malamang ay nasa opisina na ito. Sayang, Hindi man lang niya ito napasalamatan. She owes him that after taking care of her. Di bale, magkikita pa naman siguro sila uli. Bumuntong hininga siya at binuksan ang pinto.
Mabangong amoy ng sinangag ang bumati sa kanya pagkabukas niya ng pinto. Awtomatiko siyang napatingin sa kusina niya. Nahigit niya ang hininga ng makita ang pamilyar na likod ni Andrew. Nakapagpalit na ito ng damit at abala sa harap ng kalan habang hinahalo ang sinangag sa kawali. Ni hindi niya alam kung saan nito kinuha ang kaning niluluto nito dahil wala naman siyang bigas. Nakaipit sa pagitan ng balikat at tainga nito ang cellphone at abala sa pakikipag-usap.
May kung anong mainit na kamay na tila humaplos sa puso niya habang nakatitig dito. Marahan siyang lumakad palapit dito. Unti-unting naging audible sa kanya ang sinasabi nito sa kabilang linya.
“Bumaba na ako diyan kanina, iniwan ko iyong mga draft para sa bagong subdivision na ipinapatayo ng Barcenas Real Estate. Oo nandiyan. Ikaw na muna ang kumausap sa kanila. Busy nga ako ngayon. Ang kulit mo Clever huwag ka na ngang magtanong,” sabi nito na tila naiinis na nga sa kausap.
Saglit itong tila nakinig sa kausap habang hinahalo halo ang sinangag. “No. How in hell did you even know that? No, don’t you even dare tell her. Hindi niya ko titigilan kapag ginawa mo iyan. Malilitikan ka talaga sa akin Clev.”
Napaatras siya nang biglang itong lumingon sa kanya. Their eyes met. “Sige na. ang kulit mo. Ikaw na munang bahala diyan.” Iyon lang at pinutol na nito ang tawag. Pinatay na rin nito ang kalan at tuluyan ng humarap sa kanya.
Tumahip ang dibdb niya nang malawak itong ngumiti. “Good morning. Okay na ba ang pakiramdam mo?”
Huminga siya ng malalim. Bago sa kanya ang may makagisnang tao sa unit niya paggising niya sa umaga. Lalo na ng isang taong nagluluto ng almusal para sa kanya. At isang guwapong lalaki pa na kailan niya lang nakilala. But she has no complains. In fact, it made her feel so good and happy. Something she never felt before.
Lumapit ito sa dining table at humatak ng silya. “Breakfast?” nakangiting sabi nito.
Naitukod niya ang palad sa lamesa. She felt as if her heart melted with that smile.