NANG maghiwalay sila ng mommy niya ay agad niyang tinawagan si Andrew. Gusto niya itong makausap agad tungkol sa sinabi ng mommy niya. May parte kasi niya ang gustong sumama rito. ngunit may isang bahagi naman ang pumipigil sa kanya. ang bahagi ng pagkatao niya na gustong manatili sa tabi ni Andrew. Pero hindi naman niya pwedeng basta sundin ang bahagi niyang iyon. Dahil wala naman silang commitment ni Andrew. Baka kapag ito ang pinili niya ay mauwi lang sa wala ang lahat.
Out of coverage area ang cellphone nito. Sinubukan niya rin itong tawagan sa telepono sa unit nito pero naka answering machine mode iyon. Imposible namang nasa opisina pa ito ng firm nito dahil alas otso na ng gabi. Kaya malamang nasa isang lugar ito na hindi niya alam, at hindi ito nagabalang sabihin sa kanya. samantalang siya ay sinabi rito kung saan at anong oras sila magkikita ng mommy niya.
Sa huli ay si Andi na lang ang tinawagan niya. Agad naman nitong sinagot ang tawag nito at pumayag na makipagkita sa kanya. matapos ang saglit na pag-uusap nila ay bumiyahe siya patungo sa bahay nito sa isang sikat na subdibisyon. Ito pa ang nagbukas ng pinto para sa kanya. he offered her vodka pero tumanggi siya.
Pinagtaasan siya nito ng kilay. “At bakit ayaw mo?”
“I just don’t feel like drinking Andi,” sabi na lamang niya. Ang totoo ay ayaw ni Andrew ng babaeng umiinom. At ayaw niyang maging isang babaeng aayawan ni Andrew.
Sumalampak ito sa tabi niya at mataman siyang tiningnan. “So? What do you want to talk about darling?” tanong nito.
Bumuntong hininga siya at nagsimulang magkuwento. Nakikinig lamang ito sa kanya at hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nang matapos niyang ikuwento ang napag-usapan nila ng mommy niya at maging ang suhestiyon nito ay tumingin siya rito.
“Ikaw gusto mo bang sumama sa kanya?” tanong nito.
Saglit siyang hindi nakahuma pagkuwa’y bumuntong hininga. “I’m still undecided Andi. Pero naisip mo rin kasi, baka ito na iyong hinahanap ko. The home I’ve been wanting to have since I was a child. Kasi mommy ko iyon, at base naman sa kwento niya ay mabait naman ang asawa niya. At baka wala talaga rito sa pilipinas ang swerte ko at naroon pala.”
Mataman siya nitong tiningnan bago masuyong ngumiti. “You know darling, I’ve been meaning to tell you this since we first met. The home that you’re looking for, is not necessariliy a house or a unit or a country. Sometimes you can be at home in someone’s presence, in someone’s hugs and kisses.”
Natigilan siya. Biglang gumitaw sa isip niya si Andrew at lahat ng ginawa nito para sa kanya, maging ang mga yakap at halik nito na nakakapagpakalma at nakakapagpawala sa kalungkutan niya.
“So, isipin mong mabuti Tiffany, have you already found your home?” malumanay na tanong nito.
Napangiti siya sa reyalisasyong iyon. Pagkuwa’y tumango.
Ngumiti na rin si Andi. “Oh, darling, I am so happy for you.”
Yumakap siya rito. “I am too Andi.” Pagkatapos noon ay kinuwento niya rito si Andrew. Sinabi niya rito ang lahat. Pati ang pangamba niya dahil walang pa ring pangalan ang kung ano mang mayroon sila. At maging ang mahirap na desisyong kailangan niyang gawin, kung sasama ba siya sa mommy niya o mananatili sa pilipinas.
“Ang masasabi ko lang sa iyo darling, doon ka sa kung saan ka pinakamasaya. Hindi na mahalaga kung may assurance ka na tatagal iyon o hindi. As long as your happy, to hell with it diba? After all, life is about taking risks. So, saan ka ba mas masaya?” tanong nito.
Napangiti siya. Dahil isang pangalan lang ang naisip niyang sagot sa tanong na iyon. Nang masalubong niya ang mga mata ni Andi ay ngumiti ito ng nangeenganyo. “Go for it Tiffany.”
ILANG araw nang tinatawagan ni Tiffany si Andrew. Ngunit hanggang sa araw na iyon ay hindi niya ito makontact. Pinuntahan na rin niya ito sa opisina nito ngunit wala rin ito roon. Ang sabi ng kaibigan nito ay tumawag lang daw rito si Andrew nang isang beses para ihabilin ang mga trabaho nito.
It really bothers her. Hindi kasi siya nito kinokontact. Kahit simpleng text lang wala. She’s starting to feel nervous lalo pa’t bukas na ang flight ng mommy niya. Gusto niya man lang makausap si Andrew para mawala na ang guilt na nararamdaman niya tuwing naaalala niya ang disappointment sa boses ng mommy niya nang sabihin niyang hindi siya sasama rito.
At ngayon nga, kahit gabi na ay huminto pa rin siya sa third floor, nagbabakasakaling naroon pa si Andrew sa opisina nito. Habang naglalakad siya patungo sa opisina nito ay ni wala na siyang nakasalubong na tao. Baka nga wala ito roon.
Pabalik na sana siya nang makarinig siya ng halakhak mula sa opisina nito. Mukhang hindi naisara ng husto ang pinto niyon. Tahimik siyang lumapit doon. Kakatok na sana siya nang marinig niya ang usapan ng mga ito.
“Pare, may nalaman ako. Balita ko nagpublic display of affection ka daw kay Tiffany nang minsang dumalaw ka sa shoot niya para sa magazine nila Mandy totoo ba?” narinig niyang tanong ni Clever.
“Kanino mo na naman nasagap ang tsismis na iyan?” sabi ni Andrew.
Tumawa si Clever. “Sa isang reliable source. So? Totoo nga?”
Saglit na tumahimik bago niya muling narinig ang boses ni Andrew. “I just did that to help her. Pinagtangkaan kasi siya ng hindi maganda ng kasama niyang modelo. So I pretended that there is something between us para tigilan na siya ng lalaking iyon.”
Napaawang ang mga labi niya sa sagot na iyon ni Andrew. Mahina lang iyon pero para iyong bombing sumabog sa mukha niya.
“Talaga ha? Ginawa mo iyon dahil lang sa rason na iyan? Ang bait mo naman.”
“Matagal na akong mabait. Besides, I just cant leave a helpless woman alone,” patuloy nito.
Tumawa si Clever. “Yeah,yeah. Besides you hate her right? Sabi mo pa nga dati masydo siyang snob at kung makaasta ay parang diyosa na akala ay luluguran ng lahat ng lalaki sa mundo. So, you are not one of those men huh.”
Hindi na niya tinapos ang pakikinig sa usapan ng mga ito. Dahil kapag nagtagal pa siya roon ay baka matunaw na lamang siya sa kinatatayuan niya sa labis na hiya. At sakit, at galit. God, she’s so pathetic.
Ganoon lang pala kasimple ang rason ni Andrew kung bakit mabait ito sa kanya. Samantalang siya ay handang ipagpalit ang pagkakataong makasama ang mommy niya para dito. Worst, ganoon pala ang tingin nito sa kanya. What she heard just broke her heart. Just when it was just starting to beat.
Nang makarating siya sa unit niya ay doon niya lamang hinayaang tumulo ang mga luha niya. Then, she made a decision. Tinawagan niya ang mommy niya para sabihing sasama na siya rito. pagkatapos niyon ay tinawagan niya si Andi. Nang marinig niya ang excited na boses nito ay napasinghot siya.
“Andi… I’m going to France after all.” Iyon lang at humagulgol na siya.