CHAPTER 18

1078 Words
KINAKABAHAN si Tiffany. Kaninang umaga ay tinawagan niya ang mommy niya at sinabing maaari silang magkita sa gabing iyon. Katatapos lamang ng isa niyang commitment at dumeretso na siya kaagad sa isang mamahaling coffe shop na iyon kung saan nila napag-usapang mag-uusap ng kanyang ina. Maaga siya ng sampung minuto sa usapan nila. Kasalukuyan niya itong hinihintay. Hindi man niya iginagala ang tingin niya ay ramdam naman niya ang curious na tingin ng mga customers sa paligid niya. Maya-maya pa ay dumating na ang hinihintay niya. Lalo siyang kinabahan ng magtama ang tingin nila ng mommy niya. Halos ganoon pa rin ang itsura nito. Sexy pa rin ito at tila tumanda lamang ng ilang taon at hindi sampung taon. And she looks exactly like her. Isang bagay ang kapansin-pansin dito. Hindi tulad noong huli niya itong nakita, mas mukha na itong relax at walang problema. In fact, mukhang masaya ito. Isang tingin pa lang ay alam na niyang alagang alaga ito ng bago nitong asawa. Nang makalapit ito sa lamesa niya ay alanganin pa itong ngumiti. “Tiffany,” bati nito at pasimpleng sumulyap sa paligid bago umupo sa harap niya. “They are looking at us. Dapat yata hindi na lang tayo dito nagkita. I forgot that you are really famous now,” anitong may tipid na ngiti sa mga labi. “I’m so proud of you,” dugtong nito na bahagyang nakapagpaawang ng mga labi niya. She has been longing for her to tell her that since she was young. Nang tumanda siya ay hindi na niya inasahang maririnig pa iyon mula rito. But her mother said it, with that proud look in her eyes and a contented smile on her lips. Her heart swell. Tipid siyang ngumiti. “Thank you. Shall we take our order?” tumango naman ito at siya ng nagkusang kumaway sa waiter. Parehong kape lamang ang inorder nila. “I’m glad that you are doing good on your own Tiffany. Tama lang pala na hinayaan kitang mamuhay ng mag-isa,” sabi nito maya-maya. Natigilan siya. “What do you mean by that?” hindi niya naiwasang sabihin. Bumuntong hininga ito. “You don’t deserve to be in a loveless house hija. Kung nanatili ka pa sa bahay na iyon ay ewan ko lang kung anon g nangyari sa iyo. So, when you said you want to be a model and to live alone, pumayag na ako kaysa ikulong ka sa bahay na kahit ako ay nasasakal.” Hindi siya nakaimik. Lumungkot ang mga mata nito. “Alam kong marami akong pagkukulang sa iyo anak. Babae ka pa naman at dapat inalagaan ko. But I was so selfish back then. Pakiramdam ko ako lang ang miserable sa pakikisama sa daddy mo na ipinilit lang naman ng mga magulang ko na pakasalan ko para mapanatiling makapangyarihan ang pamilya namin. Hindi ko naibigay ang atensyong kailangan mo. “Instead, I clinged to a marriage that was made to fail right from the start. Nang marealize ko iyon ay huli na ang lahat. Matanda ka na at may sariling pangalan. Ayoko namang biglang sumulpot uli sa buhay mo dahil ayokong masabihang biglang lumapit sa iyo dahil lang sikat ka na. So what I did was file an annulment. That’s when I met Faustino, my lawyer. We fell in love with each other and decided to get married. And he made me so happy. Kaligayahang hindi ko naramdaman sa tagal ng relasyon naming ng daddy mo,” kwento nito. Tumango siya. Naiintindihan niya ito. Dahil ganoon din ang naramdaman niya kay Andrew, an unexplainable happiness. Bigla siyang natigilan. So, does that mean she loves him? Ginagap ng mommy niya ang mga kamay niya. “Kaya anak, this might be too late, but I still want to say sorry. Faustino made me realize na kahit sa tingin ko ay huli na. dapat pa rin kitang kausapin. Lalo pa’t sa France na nga kami titira. I want you to know that I love you. Because you will always be my only daughter. And that I am proud of you kung ano man ang narating mo ngayon dahil iyan sa sarili mong kakayahan.” Naramdaman na naman niya ang pag-iinit ng gilid ng mga mata niya. “Mommy, it’s okay. Everything is okay,” usal niya. Nagkusa na siyang tumayo upang tumabi rito. Niyakap niya ito. Gumanti ito ng yakap. Wala na silang pakielam kung magtaka man ang mga tao roon kung bakit parehong namamasa ang kanilang mga mata. She silently thanked the heavens. Iniisip na naman niya kung anong nagawa niyang mabuti at binibigyan siya ng magagandang bagay sa loob lamang ng dalawang linggo. Ah, maybe it was because of Andrew. Para itong guardian angel na biglang dumating sa buhay niya at binigyan siya ng labis labis na saya. Matapos ang iyakan moment na iyon ay mahigit tatlong oras din silang nagkuwentuhan ng mommy niya habang umiinom ng kape. Base sa mga kuwento nito ay mukhang masayang masaya ito sa piling ng bago nitong asawa. Siya naman ay ikinuwento rito ang mga projects na ginagawa niya. Hindi pa niya naikuwento rito si Andrew dahil nahihiya pa siya. Wala pa naman kasi silang pormal na usapan ng binata. Naubos na nila ang ikatlong tasa ng kape nila at nagpasya ng umuwi ng bigla itong magsalita. “Tiffany, why don’t you come with us in France? Para magkasama tayo na hindi natin nagawa sa loob ng mahabang panahon? May mga modeling agency din naman doon anak. Sa ganda mong iyan ay siguradong marami ding kukuha sa iyo doon. What do you think?” Natigilan siya sa mungkahi ng kanyang ina. Sabagay, patapos na ang kontrata niya sa Timeless. Maaari siyang sumama sa mommy  niya at doon na lamang sa France magtrabaho, makakasama pa niya ito at makakalapit na siyang matagal na niyang pangarap. But then, she has to leave all she has in this country behind. Kasama na roon si Andi… at si Andrew. Napatitig siya sa expectant na mukha ng mommy niya. Nakokonsiyensiya siya na hindi siya makaoo agad ditto. Sa huli ay pilit na lamang siyang ngumiti at pinisil ang kamay nito. “I’ll ask my manager and agency first mommy. At si Andrew na rin. Ngumiti ito. “Oo naman hija. Just  call me kapag nakausap mo na sila ha?” Pinigilan niya ang mapabuntong hininga. “Yes, mommy.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD