Two (WARNING RATED SPG, KUNG HINDI KAYANG MAGBASA NG GANITONG KWENTO, THEN STOP) THANK YOU.

1316 Words
Two Mahigit isang lingo na kaming nakauwi after ng bakasyon namin with Shane. Nasa Paris na rin ito ngayon at abalang-abala sa trabaho nito. "Oh! Kumusta ka na?" excited na tanong nito pagkasagot ko nang tawag n’ya. Blooming na blooming ang isang ito. Halatang nag-e-enjoy sa latest project nito. May mga pictures pa nga itong pinadala sa akin kahapon. "Ito ako, miss na miss ka na." Nanunulis ang ngusong ani ko rito. Sanay rin kaming pareho na madalas magkasama, lalo na noong college. Para ko na kasi itong kapatid. "Hindi kita miss, si Apple ang miss ko!" biro nito na ikinatawa ko. "Kung hindi ko lang anak si Apple, baka nagselos na ako!" tatawa-tawang ani ko rito. "Ay girl! May chika ako sa ‘yo!" sabi nito. May ngisi sa labi na waring iyon na ang pinakamainit na chika na pwede nitong i-share. "Don't tell me meron na agad? My gosh! Shane, masyado kang marupok!" biro ko rito. It’s just a joke, halata naman kasing happy ito. "Aba! Biyaya na ito ng langit tatanggi pa ba ako?" kumibot-kibot pa ang ilong nito. "Ewan ko sa ‘yo!" "Nasaan nga pala si Apple?" tanong nito. "Tulog na! Hinihintay ko lang si Brent, nasa office pa! Tambak ang trabaho n’ya." Naaawa na lang ako rito. ‘Pag dumarating ito halata sa mukha ang pagod kaya naman inuunawa ko na lang. "Sabagay, naiintindihan mo naman siguro ‘no! Tambak talaga ang trabaho n'yan pangit na ‘yan dahil sa naging bakasyon natin!" ani nito. Tumango-tango naman ako. "Oo naman, kaya nga inuunawa ko na lang kapag dumarating dito na pagod na pagod." "Eh ‘di wala munang loving-loving?" nakangisi nitong tanong sa akin. "Wala muna, babawi na lang kami kapag ‘di na s'ya busy!" tugon ko rito. For me, never magiging reason ang s*x para mag-away kami nito. Ganoon lang siguro talaga kapag pasan ang responsibility sa company na mina-manage nito. After all, ako naman ang reason kung bakit pasan nito iyon. Sabay pa kaming na tawa dahil sa tinuran ko. "Sige girl, ibaba ko na ‘yong tawag nandyan na ‘yong bisita ko!" nakangisi nitong sabi. "Utang na loob, Shane! Pagamitin mo ng condom!" hagalpak ang tawa na naging tugon nito saka ko ibinaba ang tawag. Bumalik sa isipan ko ang asawang hanggang ngayon ay wala pa rin. Sinubukan kong tawagan si Brent pero hindi ito sumagot. Sunod na tinawagan ko ang secretary nito. Kawawa rin ang secretary nito dahil kung overtime si Brent ay ganoon din ito. "H-ello, Ma'am?" nautal pa ang secretary nito nang sagutin ang tawag ko. "Nasa office ka pa ba?" tanong ko rito. "Yes po, Ma'am, gusto n’yo po bang kausapin si Sir? May tinatapos lang po s'yang pirmahan!" ani ng secretary ni Brent. Kawawa naman ang asawa ko. Hanggang ngayon ay nagtratrabaho pa. "Sige nga. Thank you, May!" Maya-maya lang sumagot na si Brent. "Hi love, I'm still here in the office!" bakas sa boses nito ang pagod. "I understand, ingat sa pag-uwi ha!" bilin ko rito. "Okay, I love you!" ani nito sa akin. "I love you too!" tugon ko rito. Ibinaba ko na ang tawag saka tumabi sa natutulog kong anak. Susubukan ko na lang munang matulog para makapagpahinga rin. Naalimpungatan na lang ako nang maramdaman ko ang pagtabi ng asawa ko sa akin. Hindi ko na tinignan ang oras pero mabilis akong tumugon ng yakap dito. Saka muling na tulog. --- "Gagabihin ka na naman ba?" tanong ko rito habang inaayos ang necktie nito. Napakagwapo talaga ng asawa ko. Lalo pang gumagwapo sa paningin ko sa bawat araw na lumilipas. "For sure, may tinatapos kasi kaming proposal love! ‘Wag mo na akong hintayin, matulog ka na lang!" "Okay, I love you ingat ka! ‘Wag kang magpapalipas ng gutom ha!" "Okay! Bye, anak!" Humalik ito sa natutulog pa naming anak saka mariing humalik sa mga labi ko. Tulog pa si Apple kapag umaalis ito, tulog na si Apple kapag umuuwi. Halos ‘di na nakakapag-bonding ang mga ito. Nang bumaling ito sa akin ay may ngisi sa labing nakaguhit. "Miss na miss ko na ‘to!" sabi nito saka pinisil ang dibdib ko na ikinatawa ko. "Agahan mo kasing umuwi!" biro ko rito. "I'll try love!" sabi nito saka dinampot na ang gamit nito. "Ingat ka!" inihatid ko pa ito sa garahe. Nang makaalis ito. Si Apple naman ang inasikaso ko. Darating kasi ang teacher nito. Homeschooling muna si Apple dahil medyo takot pa akong ihalo ito sa ibang bata. Inasikaso ko ang lahat ng kailangan n’ya saka naming hinintay ang teacher n’ya. Nang dumating ang teacher ng anak ko nagpasya akong maghanda ng pagkain namin kahit may kasambahay kasi kami hands on pa rin ako sa paghahanda ng kailangan ng mag-ama ko. Pagkatapos ay umakyat ako sa silid namin para maligo. Natigilan ako nang mapansin ko ang cellphone ng asawa ko na naiwan nito. Dali-daling dinampot ko iyon. May password ang phone. Kailan pa ito natutong maglagay ng password? Hindi naman nito ugaling maglagay ng password sa device nito. Sinubukan kong hulaan ang password nito. Sa ikatlong subok ay nabuksan ko na at wedding anniversary namin ang password nito kaya naman nabuksan ko. "I'll wait for you!" basa ko sa isang message ng unknown number doon. Saktong bumukas ang pinto at mabilis na pumasok ang asawa ko. Kinuha nito agad iyon na ikinagulat ko. Halatang tumakbo pa ito paakyat ng silid dahil hingal na hingal ito. "Sino ‘yong nag-text?" tanong ko rito. "Ito ‘yong ka-meeting ko mamaya." Humalik ito sa pisngi ko saka mabilis na tumalikod. Male-late na ito kaya siguro nagmamadali. Nagkibitbalikat na lang ako. May tiwala ako sa kanya. Pero sa mga sumunod na araw na kita ko ang nagsisimulang pagbabago ng asawa ko. "Paranoid ka na naman!" saway ni Shane sa akin. Sa tabi nito ay isang foreigner na ayon dito ang pangalan ay Adam. "Shane, hindi ko alam. Natatakot na ako sa tinatakbo ng utak ko ngayon!" frustrated na sabi ko rito."May na kita akong resibo na mula isang flower shop, pero hindi naman n'ya ako binigyan ng bulaklak nitong mga nakaraang araw!" "Naku! Girl, ‘wag kang ganyan sobrang loyal ng asawa mo sa ‘yo!" saway nito sa akin, saka yumakap sa lalaking katabi nito. Nakakailang ang sweetness nila. "Marahil tama ka. Sige na, ibaba ko na ang tawag baka maka istorbo pa ako!" humagikgik lang ang Gaga at tumango. I’m happy for her, mukha namang matino ‘yong Adam. --- "May, nasa office ka pa ba?" tanong ko sa secretary ng asawa ko. "Yes, Ma'am. Nasa board meeting pa po si Sir!" mabilis na sabi ng babae. Siguro naiinis na ito sa palagi kong pagtawag dito. "Gabing-gabi na, May. May trabaho pa rin s'ya!" frustrated na sabi ko. Hindi naman kasalanan ng secretary ni Brent. Pero mukhang ang tunog ng tinig ko ay parang sa kanya ko na naibaling ang frustration ko. "Opo, Ma'am. Kasi late nang dumating ‘yong investor kung saan ngayon po nagpre-present si Sir!" paliwanag nito. Bumuntonghininga ako. "Okay, I understand! Ingat kayo d'yan!" nanlulumo ang tinig na ani ko rito. "Okay po, Ma'am!" Hinintay ko talagang dumating si Brent. 2:30 am nang narinig ko ang papasok na sasakyan nito. Nagulat pa ito nang makita ako. "Love, bakit gising ka pa?" agad itong lumapit sa akin at tumabi sa upuan. "I miss you!" sabi ko rito na mabilis umupo sa lap nito.Yumakap naman agad ito sa bewang ko. "I miss you too! I badly miss you!" sabi nito saka kinabig ako palapit dito saka kinuyumos nang mariing halik na mabilis kong tinugon. Hinayaan ko ito sa gusto nitong gawin sa katawan ko. Habang tulog ang mga kasama namin sa bahay pinagsawa namin ang isa't isa saksi ang malawak na sala sa mainit na tagpo na pinagsaluhan naming dalawa. Pero kinabukasan paggising ko---wala na naman s’ya. Hindi man lang kami nakapag-usap nang maayos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD