Three (WARNING RATED SPG, KUNG HINDI KAYANG MAGBASA NG GANITONG KWENTO, THEN STOP) THANK YOU.

1160 Words
Three "Nasaan ka na ba? Pupunta ako d'yan sa office mo!" mariin kong sabi rito nang sagutin nito ang tawag ko. Hindi ito umuwi kagabi. Iyak na nang iyak ang anak namin dahil miss na miss na raw nito ang daddy nito. "Wala ako sa office ngayon, may lunch meeting ako with one of my investors!" paliwanag ng asawa ko. Napairap ako sa dahilan nito. "Bakit hindi ka umuwi kagabi? Hinintay kita, nag-aalala ako alam mo ba ‘yon?" frustrated kong sabi rito. Bumuntonghininga ang lalaki sa kabilang linya. Tiyak naman siguro na alam nito na ang nangyayari, grabeng pagka-busy naman sa trabaho iyon. To the point na parang nakalilimutan n anito na may mag-ina itong naghihintay rito. Naiiyak ako sa sobrang sama ng loob dito. "I'm sorry, love. Sa office na ako na tulog kagabi. Tinapos ko talaga ang trabaho kahit tanungin mo pa ‘yong secretary ko." Malungkot ang tinig nito, dahilan para makaramdam ako ng guilt. "Bakit gano’n? Hindi ka naman dating ganyan? May oras ka pa rin sa amin ng anak mo. Pero ngayon halos ‘di ka na n'ya makita paggising n'ya or kahit bago man lang s'ya matulog!" nagdaramdam na ani ko rito. "I'm sorry, okay? Babawi ako kapag hindi na busy!" sabi nito."Nandito na ‘yong ka-meeting ko, sige na ibaba ko na!" hindi na ako nito hinintay na makasagot nang putulin nito ang tawag. Nakaka-frustrate ang ganitong sitwasyon. Kalaban mo sa oras ang demanding na trabaho ng asawa mo. Tapos wala kang magawa kasi alam mong ginagawa nito iyon para sa pamilya n’yo. "You okay, Mommy?" tanong ng anak ko."Is that Daddy? Did you tell him, I miss him?" "Yes, it's Daddy. M-iss ka na rin daw n'ya. Babawi raw si Daddy kapag hindi na s'a busy!" tumango naman ang anak ko sa akin. Kailangan ko lang magtiwala sa asawa ko na babawi ito. Bumawi naman ang asawa ko pag-uwi nito pero ng mga sumunod na araw para na naman akong mababaliw kaiisip. To the point na hindi ito umuwi ng dalawang araw at ayon dito ay nasa trabaho ito. Nagdududa na ako, ‘yong instinct ko na something is wrong. Nakausap ko ang secretary nito at ayon dito busy raw talaga ang boss nito. Kaya ‘yong frustration ko inilabas ko lahat kay Shane. Buti pa itong best friend ko may oras na makinig sa mga hinaing ko. "Gano’n talaga, Lisse. Kung busy s'ya para naman sa inyo ng inaanak ko ‘yon." Kasama na naman nito ang jowa nitong si Adam. Nakayakap pa ang lalaki sa bewang nito. Ang hinahon nitong magsalita, siguro ay pinapa-impress ang nobyo nito. "Para kasing lumalabas na mas mahalaga ang trabaho n'ya kesa sa amin ng anak n'ya!" himutok ko rito. Ito lang ang nasasabihan ko ng mga hinanakit ko at sama ng loob. "Para naman sa inyo iyon, kaya s'ya nagtratrabaho! Alam mo kaya hindi ka mapanatag d'yan, iniisip mo kasi na baka nagloloko s'ya! Girl, sa sobrang busy n'yang asawa mo feeling ko wala ng oras magloko ‘yan!" tama naman si Shane. Baka hindi lang talaga ako sanay na halos wala ng oras ang asawa ko sa akin. Hindi ko naman mapuntahan ito sa office nito dahil 'busy' raw ito. Ayokong makagulo pa sa office. Wala na nga akong naitutulong sa company. Tine-text naman ako ng secretary nito ng schedule nito at punong-puno nga iyon. Pati lunch break ay hindi bakante. Parang sa ganoong schedule ay malabo kami nitong magkita talaga. Sunday, ayon dito hindi ito papasok dahil may asikasuhin daw ito sa isang branch kasama ang secretary nito. Niyaya ako nitong sumama kaso may exam si Apple at parating na ang teacher nito kaya tumangi ako. Saka nga lang kami nagkaoras sa isa't isa nang naliligo ito at pumasok ako roon at sumabay rito. "Ingat!" sabi ko rito nang makasakay ito at pinausad na nito ang sasakyan. Akala ko pa naman magkakaroon kami ng quality time nito ngayong Sunday. Mali pala ako. Saka siguro fault ko rin dahil nakiusap ako sa guro na lingo na ito magpunta. Tinawagan ko si Shane. Ang loka-loka kasama na naman ‘yong Adam at mukhang pagod ang Gaga. Mukhang satisfied pa at malawak ang ngisi. "Girl?" nakangising ani nito. "Pagod na pagod?" biro ko rito. Ngumisi naman ito. "Yes. Pagod na pagod!" sabi nito saka malakas na tumawa."Eh ikaw? Nabibisita pa ba ‘yan? Baka bilasa na ‘yan?" biro nito. "Oo naman, nabibisita pa kani-kanina nga lang eh!" pagsakay ko sa Biro nito. "Ay! Iba rin!" malakas itong napahalakhak. Madami pa kaming napagkwentuhan nito bago ito nagpaalam dahil may trabaho raw ito. Abala si Apple at ang teacher nito sa mini library ni Apple kaya umakyat ako sa kwarto naming mag-asawa. Habang inaayos ang mga pinaghubaran ni Brent natigilan ako ng may makapkap ako. Sinong hindi mag-iisip ng mali? Kung may makikita kang resibo sa bulsa nito. From a restaurant and hotel na dumadagdag sa mga hinala ko rito. Sinubukan kong tawagan ito para kumprontahin pero hindi ito sumagot. Sa gamit nito sa table sa gilid ng kwarto kung saan naka set up ang computer nito sinubukan kong magtingin-tingin. Pero wala akong na kita. Sinong mapapanatag nito? ‘Yong instinct ko na may ginagawa ang asawa kong kalokohan patuloy na ginugulo ang utak ko. So, I texted May, the secretary of my husband. "Can you send a photo of my husband right now?" limang minuto hanggang umabot sa sampung minuto saka nag-reply ito. Larawan ng asawa ko sa site kausap ang head engineer. "Pasensya na po, Ma'am. Umikot po kasi kami sa site kaya ngayon ko lang nabasa ‘yong text n’yo!" sabi nito nang sagutin ko ang tawag n’ya. "It's okay, May. Thank you, ‘wag mo na lang sabihin sa asawa ko. Ingat kayo d'yan, paki-text na lang ako kung pauwi na kayo!" sa ilang taon naming pagsasama ng lalaki never pumasok sa isip ko na magloloko s'ya. Lately nga lang eh. At hindi ko alam kung bakit napa-paranoid talaga ako. "Ma'am, mukhang nagkayayaan po sila na mag-dinner sa bahay ng head engineer malapit dito sa site! Ewan ko lang po kung makauwi kami!" ani ng secretary. "Gano’n ba? Okay, salamat! Balitaan mo na lang ako mamaya kung makakabalik kayo rito sa Manila.” Nanlulumong ani ko rito. "Okay po, Ma'am!" nang ibaba ko ang tawag nanlulumong napasalampak ako sa sahig. Ano ba ang dapat kong gawin? Gulong-gulo na ako. Mali ba itong nararamdaman ko? May rason ba talaga para paghinalaan ko ang asawa ko? Oh God, help me please. Si Brent at Apple lang ang mayron ako. Itong pamilyang ito lang ang mayron ako. At ayokong masira po ito, Panginoon. Parang-awa mo na po---ayokong magulo ang pamilyang binuo ko. Usal ko habang tulala sa kisame ang tingin. Matagal ko nang tinalikuran ang aking ama simula nang magkaroon ito ng ibang pamilya kaya matagal ng ang anak at asawa ko lang ang itinuring kong pamilya kasama ang best friend kong si Shane.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD