bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

book_age18+
51.6K
FOLLOW
219.7K
READ
revenge
dark
love-triangle
sex
family
bxg
bxb
cheating
brutal
like
intro-logo
Blurb

RATED SPG! BAWAL SA BATA! HUWAG NA PONG ITULOY kung hindi ganitong genre ang inyong hanap. Salamat po.

THE BROKEN VOW SERIES 1

Maayos naman ang pagsasama ni Melisse at Brent. Mahal na Mahal nila ang isa't isa simula pa noong college, nagpakasal at nagkaroon ng anak. Pero 'yong masayang pamilya na binuo nilang dalawa ay nagbago dahil sa isang hinala. Hinala na nauwi sa pagkabuhay ng curiosity ni Melisse na magsiyasat.

At nang makumpira ang hinala kahit pa gustuhin n'ya ng isang pamilya unti-unti iyong nawasak. Lalo pa nang nalaman n'ya ang tunay na sekreto ng kanyang asawa.

"Revenge is not just a word for me, it is definitely an action towards those cheaters!" Melisse Sandres

chap-preview
Free preview
One (WARNING RATED SPG, KUNG HINDI KAYANG MAGBASA NG GANITONG KWENTO, THEN STOP) THANK YOU.
One "Ang swerte mo ‘no, may pamilya ka na... masaya! Lahat ng bagay na magpapasaya sa ‘yo, nakukuha mo." Bakas ang lungkot sa tinig ni Shane habang magkatabi kaming pinapanood ang anak kong si Apple at ang asawa kong si Brent. Naghahabulan sa dalampasigan. Malakas ang tili ng bata na halatang masayang-masaya na kalaro ang kanyang ama. "Maghintay ka lang dadating din ‘yong taong hindi ka lolokohin at mamahalin ka na tulad nang pagmamahal ni Brent sa akin." Bakas sa tinig ko ang kasiyahan bilang asawa ni Brent, proud sa pagiging loyal ng asawa ko. "Mayroon pa kayang gano’n?" sabi nito saka bahagyang tumawa. Puro sablay kasi ang mga past relationship nito. Hindi ko nga alam kung bakit nagiging gano’n. Samantalang okay naman itong best friend ko. "Mayroon ‘yan, tiwala lang!" sabi ko rito saka tinap ang balikat nito. Saksi ako sa lahat ng heartbreaks ni Shane. Kaming mag-asawa na kaibigan na ito simula pa noong college kami. Meron naman itong hinabol-habol na lalaki pero hindi ito natipuhan. Isa rin sa mga kaibigan namin, si Zack. Si Zack na iniwan na kami sa hindi ko malamang dahilan. "Mommy!" sabi ng anak ko na tumatakbong palapit sa akin. Halata ang takot sa mukha ng asawa ko dahil sa takot na madapa ang apat na taong gulang naming anak. Yumakap agad ito sa akin nang nakalapit na at dinilaan pa ang daddy nito. Mamula-mula ang balat nito tanda na nagtagal sa arawan. "Tama na ‘yan, pawis na pawis na si Apple!" saway ko sa asawa ko na humalik pa sa sintido ko saka sa anak naming panay ang hagikgik dahil sa pangingiliti ng ama. Nang malingunan ko si Shane bahagya itong ngumiti. Bakas sa mat anito ang ingit habang pinanonood kami. Nginitian ko ito. Alam ko na darating din ‘yong time na makikilala nito ‘yong lalaking magiging reason ng happiness nito. "Magpahinga na muna tayo. Kanina pa naglalaro itong batang makulit. Ikaw,Shane?" tanong ko rito. Kanina pa kami rito. Simula nang pumunta kami sa dalampasigan ‘di na tumigil kalalaro si Apple kaya naman tiyak kong pagod na ito. "Dito muna ako!" sabi nito saka kumaway sa amin. Kinuha ni Brent ang anak naming si Apple saka kami naglakad pabalik sa cottage na nirentahan namin. Pagpasok namin sa cottage na tinutuluyan namin ay agad kong inasikaso ang anak para makapagpahinga na. Mukha pa naming may energy ito para maglaro, pero kailangan din nitong magpahinga. "Daddy, bakit ako isa lang ang mommy ‘yong classmate ko may 2 mommies daw s'ya!" Nagkatinginan kami ni Brent sa biglang tanong ni Apple sa kanyang ama. Hindi agada ko nakasagot. "Gusto mo ba?" nanlaki ang mata ko sa tanong ni Brent, Mabilis kong kinurot ang tagiliran nito. Alam ko naman na nagbibiro lang ito. Never n’yang magagawa iyon sa akin. Mahal naming ang isa’t isa. "Oh, baby oh! Si mommy kinukurot ako!" sumbong pa nito sa anak namin. "That's bad, Mommy!" nanunulis ang ngusong sabi nito. Mas lalong namula ang pisngi nito. "Gusto mo ng ibang mommy kaysa sa akin?" nakaangat ang kilay na tanong ko sa anak. Pero pinipigil ang ngiti dahil tiyak ko naman ang isasagot ng anak ko. "No, no! kaw lang ang Mommy ko! I love you!" napangiti ako pero pasimple pa ring kinukurot ang tagiliran ni Brent na tawa nang tawa. Pagkatapos ipaliwanag kay Apple ang tanong nito ay pinatulog muna namin si Apple na binantayan na ng Yaya nito sa kwarto nito. Bago kami pumasok sa kwarto naming mag-asawa. Mabilis itong yumakap sa akin. Naglalambing na naman. Alam ko na ang pakay nito. Lalo’t pilit na kinakapa ang harapan ko. Pasaway! "Inaantok ako, Brent. Pwede later na lang?" sabi ko rito saka humiga sa kama. Humihingi nang pasensya ang tingin para sa asawa na biglang napasimangot. Alam ko namang miss na rin nito ang makapagsolo kami. Kapag kasi galing ito sa trabaho, pagod na lang palagi. Kaya naman nakakatulog agad. Nagtalukbong ako ng kumot. Gusto ko kasi talagang magpahinga. Marahas ang naging buntonghininga nito. Narinig kong sumara ang pinto. Nagtampo siguro pero iginugupo na kasi ako ng antok ko kaya naman natulog muna ako. Mamaya ko na lang ito susuyuin. Nagising ako dahil sa tinig ng anak kong si Apple. Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog, pero mukhang matagal lalo na ng makita ang oras. "Mhie!" "Y-es, baby?" papikit-pikit na tanong ko sa anak kong si Apple. “Hungry na ako! I want chicken!” mabilis akong tumayo. Kapag nagsabi kasi itong gutom na ito at hindi agad naibigay ang gusto ay sinusumpong at iiyak na lang basta. "Nasaan si Daddy?" tanong ko rito na bahagyang pinisil ang baba nito. "I don't know, Mommy!" tugon nito. Dinampot ko ang cellphone ko para tawagan sana ito. Pero na kita kong nasa bedside table rin ang cellphone nito. Kaya naman nagpasya akong lumabas na ng cottage para pakainin sa restaurant na malapit ang anak ko at ang Yaya nito. Iginagala ko rin ang paningin ko baka sakaling makita ko ang asawa ko. "Melisse!" tawag sa akin ni Shane na mabilis na nakalapit sa akin. Mukhang kaaahon nito sa dagat dahil basang-basa pa ang katawan nito na naka two-piece lang. Bagay na bagay rito ang yellow two-piece swimsuit nito. Ewan ko ba, sobrang ganda naman nitong kaibigan kong ito pero laging sawi sa pag-ibig. Isa rin itong modelo at maraming nakakatrabahong tiyak na babagay rito. Sadyang wala pa ‘yong the one n’ya. "Kakain muna kami, ikaw?" tanong ko rito. "Susunod ako, nasaan si Brent?" tanong nito sa akin. Which is tanong ko rin kanina. "Ewan ko ba sa lalaking ‘yon. Nagugutom na si Apple, kita na lang tayo sa restaurant!" sabay turo ko sa malapit na restaurant. Tumango naman ito at nagpasya nang tumungo sa cottage nito na nasa kabilang dereksyon. Puno na kasi ang mga hotels sa islang ito kaya sa cottage kami tumuloy. Solo lang din ni Shane ang cottage na gamit n’ya. Pwede naman s’ya sa cottage naming ngunit gusto n’ya raw na magsolo muna. "I want chicken, Mommy!" sabi ni Apple na ikinatawa ko. Halata kasi sa tinig nito na pinapaalala nito sa akin ang pakay naming sa restaurant. "Oo na, Miss chicken!" tatawa-tawang ani ko rito. --- "Daddy, saan ka galing?" matatas na tanong ng anak ko kay Brent nang dumating ito sa restaurant. "May nakita akong kaibigan ko anak kaya naman nakipagkwentuhan si Daddy! Hi, Wife!" humalik ito sa akin at mabilis na tumabi nang upo. "Anong gusto mong kainin?" tanong ko rito. He leaned forward, sabay bulong sa akin. "Ikaw!" "Tsk, tumigil ka sa kaharutan mo nagugutom na kami! Ang tagal mo pang bumalik." "Ikaw na ang bahala. Alam mo naman ang gusto ko, eh." Nakangising ani nito na natatawa dahil sa pamumula ng mukha ko. Puro kasi kalokohan ang naiisip nito. "Tita Ninang!" matinis na tili ni Apple nang makitang papasok si Shane na natawa dahil sa lakas ng boses ng anak ko. Umupo ito sa tabi ni Apple at ng Yaya Divine ng anak ko. "Um-order na rin ako ng food mo, Shane!" imporma ko rito. "Oh! Thank you!" sabi nito saka inabala ang sarili sa pakikipagdaldalan sa anak ko. Isang lingo lang naman kami rito sa resort, dahil si Brent ay may trabaho pa habang si Shane may flight patungong Paris. Back to work na naman ang isang ito roon. Ayon pa nga rito ay full ang schedule nito. "Mamimiss ko si Apple!" out of nowhere ay sabi nito. Nanunulis ang nguso saka pinisil ang baba ni Apple. "Ano ka ba, 5 months ka lang naman doon tapos pwede naman kayong mag-video call!" alo ko rito na ikinangiti nito. "Sabagay, baka sakali magkaroon na rin ako ng Apple kapag nagpunta ako ng Paris!" nakangisi nitong sabi. "Baliw, trabaho ang reason nang pagpunta mo roon hindi lalaki!" paalala ko na ikinatawa nito. "Why? Single na naman ako, baka sakaling ‘yong destiny ko nasa Paris!" excited nitong sabi na ikinatawa naming mag-asawa. "Naku! Shane, baka naman kasi inau-under mo ‘yong mga naging boyfriends mo!" biro ng asawa ko na ikinatawa ni Shane. "Aba! Ayaw pa nila ‘yon? Todo effort pa nga ako para makarating sila sa langit!" "Tita Ninang, ‘di ba para makarating sa langit kailangan mamatay ang mga tao?" singit ni Apple na ikinatawa namin. Oo nga pala may batang matabil ang dila na nakikinig sa amin."Are you a killer, Tita Ninang?" inosenteng tanong nito. "OMG, Apple!" tawa nang tawa na sabi ni Shane saka pinisil ang pisngi nito."Ba't ba ang cute ng inaanak ko?” tanong nito na halatang giliw na giliw sa bata. Isa rin ito sa magaling mag-spoil sa anak naming ni Brent. Kaya love na love rin ni Apple ang ninang n’ya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
394.0K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
297.5K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
504.0K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
553.0K
bc

He's Cold Hearted

read
162.5K
bc

The ex-girlfriend

read
141.1K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
601.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook