MAAGA AKONG NAGISING KINABUKASAN AT HANDA NA RIN ANG MGA GAMIT KO. Sa totoo lang ay nagdadalawang isip na ako kung itutuloy ko ba ito o hindi na kasi kailangan kong tumira sa mga taong hindi ko naman kilala.
Pero nang matanggap ko ang text ni Ma’am Salve na papunta na ang driver niya rito ay ipinagsawalang bahala ko na lang ang kabang nararamdaman ko.
Magkakasabay kaming kumain ng agahan, at alam kong nalulungkot sina Nanay at Tatay dahil halata iyon sa kanila. Pinilit ko naman ang sarili na huwag na lamang iyong bigyan ng pansin.
Baka kasi kapag masyado akong naapektuhan sa lungkot na nararamdaman nila ay hindi na ako tumuloy. Eh, kailangan kong gawin ito para sa surgery ni Nanay.
Alas siete ng umaga nang dumating na ang driver ni Ma’am Salve na si Mang Kanor, hinatid ako ng buong pamilya ko sa gate at mahigpit ang naging yakap sa akin nila Nanay at Tatay.
“Umuwi ka kahit isang beses lang sa isang linggo, ah?” ang pagpapaalala ni Nanay, pilit naman akong ngumiti at tumango.
Ganito pala ang pakiramdam kapag kailangan mong magtrabaho malayo sa pamilya mo. Sa pilipinas lang din naman pero sobrang nakakalungkot na, paano pa iyong mga kailangang magtrabaho sa abroad?
Sa tingin ko ay triple ang lungkot na naramdaman ni Tatay noong kinailangan niyang umalis ng bansa para magtrabaho.
Habang nasa biyahe naman ay tahimik lang ako. Pagkasakay ko kanina ay inabutan din ako ni Mang Kanor ng tatlong pirasong bond paper, doon ay nakasulat iyong mga importanteng bagay na kailangan kong aralin tungkol kay Astrid De Asis.
Katatapos lang pala ng birthday niya last month, nakasulat din doon na ang Nanay niya ay namatay dahil sa cancer, hindi niya kilala ang Tatay niya. Naging freelance model na siya sa iba’t ibang mga bigating kompanya at brand.
Sa pebrero naman ang wedding anniversary nila ni Leon, teka, sa susunod na buwan na ito, ah? Bigla akong napangiwi. Ibig bang sabihin kailangan naming mag-celebrate?
Marahan naman akong natawa sa ideyang iyon. Ni hindi nga ako sigurado kung tatagal ako ng isang buwan. Dahil sa marahang pagtawa ko ay napalingon sa akin si Mang Kanor.
“Ay, sorry po, may naalala lang,” saad ko, marahan naman siyang tumango.
Pagkatapos no’n ay bumalik na lang ako sa pagbabasa. I tried to memorize a lot of things about her. Madali lang naman iyon. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras.
Napansin ko na lang na ipinasok ni Mang Kanor ang sasakyan sa isang malaking gate. At halos lumuwa ang mata ko nang mapansin na mansiyon ang bahay. Mas malaki pa sa isang kilalang mall sa Tarlac!
Nalula ako sa nakita. Marami bang nakatira rito? Nagkikita kita pa ba sila? Feeling ko maliligaw ako kapag dito ako tumira.
Nang iparada na ni Mang Kanor ang sasakyan sa garahe ay sabay kaming bumaba. Iginiya niya ako sa daan papasok sa loob. Medyo nagulat pa ako nang mapansing maraming mga tao ang naroon.
Sila sila rin ang mga taong nakita ko sa internet nang mag-research ako sa internet tungkol sa kompanya nila.
“M-Magandang araw po,” ang nahihiyang bati ko at marahan pang yumuko.
“Oh my God, Mom’s right,” ang nakangangang saad nung isang magandang babae nang magsalita ako. Siya si Jona, ang asawa ni Jaguar.
“Good morning, Precy,” nakangiting bati naman ni Ma’am Salve at tumayo pa para lang bumeso sa akin. “Pinaliwanag ko na sa kanila ang plano ko, and they are all here because they want to meet you,” pilit akong ngumiti at marahang tumango.
“Hi, I’m Jona, it’s nice to meet you,” nakangiting pagpapakilala ni Jona, marahan naman akong tumango at ngumiti ulit.
“Nice to meet you rin po. Kilala ko na po kayong lahat. Sorry po, ah? Napa-research kasi ako tungkol sa kumpanya niyo, tapos nandoon ang mga pictures niyo,” ngumiti rin naman siya at marahang tumango.
“Hon, do you think this is going to work?” ang nag-aalangang tanong ni Sir Fred.
“I’m not sure, hon. But I’m desperate. Gagawin ko ang lahat para sa mga anak natin, alam mo ‘yan,” narinig ko ang mahinang pagbubuntong hininga ni Sir Fred, tapos ay tumango na lang din siya.
Tinawag din ni Ma’am Salve ang mga kasambahay at inutusan na tawagin ang Ma’am Astrid, lalo na kapag nakaharap si Leon. Pinaliwanag ulit ni Ma’am Salve sa kanila ang dahilan kung bakit narito ako at naiintindihan naman ng lahat.
“Mga Ma’am at Sir, nasaan po pala si Leon?” ang nahihiyang tanong ko.
“He’s not here, hija. May bahay siyang binili pagkatapos nilang ikasal ni Astrid. At doon lang siya laging nagkukulong,” marahan akong tumango sa sinabi niya. “May isang kasambahay siyang kasama ngayon, Joy ang pangalan niya at alam na rin niya ang gagawin,” tumango ulit ako.
“Precy, we’re going to leave him under your care. Umaasa kami na sana ay makumbinsi mo siyang sumailalim sa eye surgery,” saad ni Sir Fred, pilit na ngiti at marahang pagtango na lang ulit ang naisagot ko.
“Ganito ba talaga ang kulay mo?” napalingon ako kay Ma’am Jona na kanina pa pala nakatitig sa akin.
“O-Opo, Ma’am,” nahihiyang sagot ko.
Hindi kasi ako maputi. Pero hindi rin naman ako maitim. Kayumanggi at pantay ang kulay ng balat ko.
“God, I’m so dead jealous! You’re so pretty,” marahang natawa si Ma’am Salve sa sinabi ni Jona.
“Astrid is nothing compared to her, don’t you think?” nakangising tanong pa ni Ma’am Salve, halos sabay sabay naman silang tumango, maging ang mga kasambahay na naroon ay tumango rin.
“Naku, mga Ma’am at Sir, hindi naman po,” ang nahihiya kong sagot.
“I think you should start calling me Mom, at Dad kay Fred instead of Sir,” saad ni Ma’am Salve.
“Yeah, and call me by my first name, Jona, same goes with my husband, just call him Jag,” kahit na nahihiya at pinilit ko pa ring tumango.
Alam ko na kailangan din iyon. Paano namin mapapaniwala si Leon na ako nga si Astrid kung Ma’am at Sir ang tawag ko sa buong pamilya niya?
“Nabasa mo na ba ang mga importanteng detalye na kailangan mong malaman tungkol sa buhay ni Astrid?” marahan ulit akong tumango sa tanong ni Ma’am Salve.
“Opo, pero hindi ko po matandaan halos lahat,” marahan namang humalakhak si Jag kaya napatingin kami sa kanya.
“You can take that with you, hindi naman niya makikita,” marahan akong natawa sa biro niya pero hindi ang mga magulang niya.
“Stop making fun of your brother’s condition, Jaguar!” pagbabawal sa kanya ni Ma’am Salve kaya napangiwi ako.
“Sorry po,” ang nahihiyang saad ko kasi tumawa ako.
“Alright, hija, you can stay here for lunch, habang binabasa mo pa rin ang mga ‘yan,” saad niya na ang tinutukoy ay ang mga bond papers na hawak ko. “At ihahatid ka namin ni Kanor sa bahay niyo ni Leon mamaya,” dagdag pa niya.
Bahay niyo…
Ang lakas maka-legal wife ng sinabi niya. Gano’n pa man ay hindi ko na lang pinansin. Kagaya ng napag-usapan ay sabay sabay kaming kumain.
At hindi ako sanay na tawagin akong Ma’am Astrid ng mga kasambahay. Nahihiya ako. Pero wala naman akong magagawa. Tinatawag ko nga ring Mom at Dad sina Ma’am Salve at Sir Fred.
At halos lamunin na ako ng lupa dahil ramdam ko ang sobrang pamumula ng mukha, kaya sa huli ay iniwasan ko na lang na tawagin sila.
Habang kumakain naman ay tinatanong nila ako tungkol sa buhay ko sa Tarlac, maluwag sa loob naman ang mga naging sagot ko. At nang matapos kumain ng tanghalian ay nagpahinga lang kami saglit bago nagpasya si Ma’am Salve na ihatid na ako sa bahay ni Leon.
Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. This is it! Sana lang ay hindi ako mabisto agad ni Leon, kasi masasayang lang ang pagod ko sa biyahe. Sana rin ay makumbinsi ko siya para matapos na agad ito.
Nang nasa harap na kami ng bahay ni Leon ay namangha ako kasi ang ganda ng pagkakagawa. Sumisigaw ito ng karangyaan. Hindi ito kasing laki ng mansiyon nila pero malaki rin para sa dalawang taong nakatira.
At dito na rin ako titira hanggang sa mga susunod pang araw, o baka nga buwan pa kung hindi ko agad magagawa ang kailangan kong gawin.
Nang makababa na kami sa sasakyan ay pinagbuksan kami ng pinto ng kasambahay nila, ngumiti siya sa amin at bumati. Siya pala si Joy, labing siyam na taong gulang pa lang.
“Ma’am Astrid, dapat po sungitan niyo ako lagi, ah?” pabulong na saad ni Joy na siyang ikinagulat ko.
“H-Ha?” nalilitong tanong ko naman.
“Kasi po iyong totoong Ma’am Astrid, mainitin ang ulo, tapos ayaw sa akin no’n. Lagi niyo akong pagalitan at sigawan. Estupida! Tonta! Boba! Mga gano’n po,” napangiwi ako sa sinabi niya.
Gano’n si Astrid? Hindi naman ata makatao iyon. Nagbuntong hininga naman ako at umiling.
“Hindi ko ata kaya iyon, kunware na lang nagbago na ako,” nahihiyang sagot ko kaya sila naman ni Ma’am Salve ang napangiwi.
“Parang imposibleng magbago ang babaeng iyon,” walang ganang sagot ni Ma’am Salve.
“Eh, kunware lang po, Ma’am. Hindi kasi gano’n ang ugali ko, baka iyon pa ang ikabisto natin,” saad ko ulit.
“Ikaw na ang bahala, Pre—Astrid. I’ll let you do what you want to do, just please… please do everything as well just to convince him,” pilit akong ngumiti at tumango.
“Gagawin ko po ang kaya ng powers ko,” sagot ko na lang.
“Joy!” muntikan na akong mapatalon sa gulat nang makarinig nang galit na sigaw mula sa ikalawang palapag ng bahay.
“Mabait po si Kuya Leon, pero simula nang mabulag siya at iwan siya ni Ma’am Astrid, naging mainitin na ang ulo niya,” pabulong na saad pa ni Joy bago tumayo.
“Kuya, papunta na po!” sigaw niya pabalik tapos ay patakbong umakyat patungo sa ikalawang palapag.
“Let’s go?” tanong ni Ma’am Salve kaya napalingon ako sa kanya.
Mariin naman akong pumikit at huminga ng malalim. Tapos ay ngumiti at marahang tumango.
“Tara po,” sagot ko.
Kaya mo ito, Precy!
Naglakad na kami papunta sa ikalawang palapag. Itinuro ni Ma’am Salve ang isang pintong nakabukas kaya doon kami nagpunta. Nakita namin si Leon na nakaupo sa dulo ng kama at may dugo ang kanang kamay.
Tapos ay sahig naman ay mag isang basong nabasag at nagkalat ang mga bubog. Si Joy ay kasalukuyan iyong nililinis.
“Anak…” nag-aalalang saad ni Ma’am Salve at mabilis na dinaluhan si Leon.
“What are you doing here, Mom?” walang emosyong tanong niya.
“I’m here to check on you,” sagot ni Ma’am Salve. “At… kasama ko ang asawa mo,” dagdag pa niya, natigilan si Leon na halatang nagulat sa sinabi ng Nanay niya.
“Don’t make me laugh. She’s not coming back! At aasa pa ba ako na magkaka-ayos kayo? We both know how much you hated her!” sagot naman ni Leon.
“I used to hate her, anak, but I had to set this hatred aside for the betterment of everything… she came back and asked for our forgiveness, kaya sana ay mapatawad mo rin siya kagaya ng kung paano namin siya napatawad…” sagot at pagsisinungaling ni Ma’am Salve.
Ang bigat talaga sa puso na magbitaw ng mga kasinungalingan. Pero madalas ay para ito sa ikabubuti ng lahat kaya kailangan nating gawin.
“Well, guess what, Mom? I’m not as kind as you are. Maniniwala kayo sa paghingi niya ng tawad? She might be scheming something to get more of our money!” may halong diin na saad naman ni Leon.
Mukhang hindi magiging madali ito, ah? Parang ang laki ng galit niya sa asawa niya. Kung sabagay, kung sa akin nangyari ang nangyari sa kanya sa tingin ko ay magagalit din ako ng todo.
Nilingon naman ako ni Ma’am Salve, tapos ay marahan siyang tumango na parang inuutusan akong magsalita.
“Leon…” mababa ang boses na saad ko, nahalata kong muli ang gulat sa kanya nang marinig niya ang boses ko.
“W-What are you doing here? Get the hell out of my house!” sigaw niya kaya muntik na akong mapatalon dahil sa takot.
“Leon… alam ko galit ka sa akin, p-pero hayaan mo sana akong bumawi sa ‘yo… g-gusto kitang alagaan, gusto kong alagaan ang asawa ko,” marahang tumango si Ma’am Salve sa sinabi ko at ngumiti.
It’s like she’s secretly saying that I’m doing a great job.