HINDI KO ALAM KUNG PAANO KO NAGAGAWANG MAGSINUNGALING. Pero kagaya ng sinabi ko ay kailangan ko itong gawin. Ang makita si Leon ngayon na puno ng hinanakit at galit ay parang nagsasabi sa akin kailangan ko siyang tulungan.
At kung ang tulong na maibibigay ko ay ang pagpapanggap na ito ay gagawin ko. Alam ko na pansamantala lang ang tulong na ito, kasi kung makukumbinsi ko man siya na sumailalim sa eye surgery, kapag nakakakita na ulit siya ay malalaman na niya ang pagkukunware namin.
Malamang sa malamang ay magagalit ulit siya at sa pagkakataong iyon, kahit pa hindi niya ako kilala ay damay na ako sa galit niya. Pero mas mabuti na iyon. Basta makakita lang ulit siya at magawa ang mga bagay na nakasanayan na niyang gawin.
Hindi dapat niya sayangin ang buhay niya sa mga bagay na nangyari na. Oo, masakit at mahirap iyong tanggapin, pero maraming mga tao na nagnanais na makamit din ang kung ano ang mayroon siya ngayon.
Hindi lahat ng bulag ay may kakayahang sumailalim sa eye surgery, suwerte siya kasi may pera sila.
“Hindi kita kailangan kaya makakaalis ka na,” maanghang at madiin na saad niya.
“Naiintindihan ko ang galit mo, kasi alam ko na masyadong malaki ang kasalanan ko. Pero hayaan mo lang ako na alagaan ka, hindi ako hihingi ng kapalit. I just want to… redeem myself. I want to earn your forgiveness. At hindi na mahalaga kung matagal pa bago dumating ang araw na mapapatawad mo ako, maghihintay ako,” ang pag-arte ko ulit, sarkastiko naman siyang natawa at napailing.
“You should’ve done that long before it was too late, Astrid. You want my forgiveness? Go ahead and cry blood!” pasigaw na saad niya at umiling pa. “God must forgive because I don’t think I can ever forgive you,” dagdag pa niya.
“Anak, I have to go now. I’m sorry that I have to hear this, but I’ll give you both a privacy so you two can talk,” saad ni Ma’am Salve.
Tumango pa siya sa akin bago nagpasyang lumabas na sa silid. Sakto rin naman na tapos na si Joy sa pagkolekta ng mga bubog kaya tumayo na rin siya at nagpasyang umalis.
“Ah, Joy,” tawag ko sa pangalan niya bago siya makalabas ng pinto.
“P-Po, Ma’am Astrid?” nagkibit pa siya ng balikat nang itanong iyon, kumindat naman ako sa kanya.
“Puwede ba akong makisuyo ng first aid kit, please?” tanong ko.
“Sige po, Ma’am, ihahatid ko na lang po rito,” sagot niya.
“Thank you,” saad ko ulit bago nilingon si Leon.
“You don’t have to act nice, Astrid. You were never nice to her. Bakit ka pa ba bumalik, ha? Ano? Kulang pa ang perang ninakaw mo sa akin? Sabihin mo! Bibigyan na lang kita para lubayan mo na ako at ang pamilya ko!” sigaw ulit niya.
Mariin naman akong pumikit. Ang hirap naman neto. Hindi ako na-inform na instant artista pala ang trabaho ko. Drama pa ang pag-arte. Nakakaloka.
Naalala ko naman na nakasulat sa mga bond papers na ibinigay sa akin ni Mang Kanor namatay sa cancer ang Nanay ni Astrid, tapos ay ten million ang ninakaw niya kay Leon. Napangiti ako nang may maisip na kuwento.
“R-Regarding the ten million…” mababa ang boses na saad ko. “I… I actually donated it to a charity helping people with cancer, I’m sorry, Leon… p-pero, hahanap ako ng trabaho maliban sa pagmo-model, babayaran ko iyon… pati lahat ng ginastos mo para sa akin babayaran ko rin,” nakita kong nagtiim siya ng bagang dahil sa sinabi ko.
“Are you insulting me?” madiing tanong niya, mabilis naman akong umiling kahit pa hindi niya nakikita.
“Hindi, Leon... hindi! I just really want to start a new. I want to start on a clean state,” sarkastiko ulit siyang humalakhak at umiling.
“You will never be clean, Astrid. Do you want me to remind you how dirty and nasty of a woman you are?” naghahamong tanong niya. “Ilang matatandang businessman na ba ang gumamit sa ‘yo para sa pera, ha?” napasinghap ako sa tanong niya.
Diyos ko po! Kaloka naman pala si Astrid. Hindi ko inakala na may mga ganitong babae pala sa totoong buhay.
“Hindi mo na kailangang ipaalala, Leon…” nilungkutan ko na ang boses ko.
“So, inaamin mo na nagpapagamit ka nga sa iba’t ibang mga lalaki?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Nakakahiya ka!” galit na sigaw ulit niya.
Hala, nanghuhuli lang ba siya? Asar naman ang isang ito! Hindi ako ready sa mga isasagot ko.
“Pinagsisisihan ko na sinaktan at niloko kita… at alam ko na hindi ka maniniwala kasi… kasi sobra ang sakit na binigay ko sa ‘yo. At hindi rin kita pipilitin na maniwala, pero sana… sana hayaan mo akong manatili sa tabi mo para alagaan ka,” nilungkutan ko ulit ang boses ko nang sabihin iyon.
“Ilang beses ko bang kailangang ulitin sa ‘yo na hindi kita kailangan?” madiing sagot niya.
“Alam ko, Leon, kapag alam kong okay ka na… kapag nagagawa mo na akong kausapin nang walang halong galit sa puso mo, kahit pa hindi mo pa rin ako tuluyang napapatawad, lulubayan na kita. Sa ngayon, nakikiusap ako, hayaan mo lang akong manatili sa tabi mo,” saad ko ulit.
Akmang magsasalita pa siya pero tinikom na lang ulit niya ang bibig niya. Bumalik din naman si Joy na dala ang first aid kit na hiningi ko.
“H-Heto na po, Ma’am Astrid,” saad niya at inabot sa akin ang kulay puting plastic box.
“Thank you, Joy,” sagot ko. “Uhm, nananghalian na ba kayo?” tanong ko pa.
“M-Ma’am Astrid, sorry po, a-ayaw po kasing kumain ni Kuy—Sir…” muntik na akong matawa nang umarte rin si Joy na parang natatakot sa akin.
“Ikuha mo siya ng pagkain, Joy, ako na ang magpapakain sa kanya,” saad ko ulit.
“I’m not hungry, and stop making decisions for me! You don’t have the right to do so!” madiing saad ulit ni Leon.
Pero nakaalis na si Joy para gawin ang utos ko. Ngumisi pa siya sa akin bago niya kami iwan ni Leon sa kuwarto. Binuksan ko naman ang first aid kit para masimulan ko nang malinisan ang sugat ni Leon.
Nagulat pa siya nang hawakan ko ang kamay niya na may sugat, agad niya iyong hinila palayo sa akin at marahas pa niya akong itinulak kaya napaupo ako sa sahig.
“Ouch!” gulat na saad ko, naramdaman ko ang impact at sakit nun sa balakang, kumunot naman ang noo niya na parang nagulat din dahil sa ginawa niya.
“Don’t touch me, woman! Kaya ko ang sarili ko. I can always ask Joy to help me if I need a hand, anyways! Umalis ka na!” madiing saad niya pero hindi ako nakinig.
Duh! Wala naman akong choice. Kahit pa ramdam ko ang sakit sa balakang ko ay umupo ako sa harap niya, tapos ay muli kong hinawakan ang kamay niya. Akmang ilalayo ulit niya pero agad kong idinikit ang cotton ball na may alchocol sa sugat niya dahil sa inis.
“Aw!” galit at inis na saad niya dahil sa hapdi.
“Kapag hindi ka tumigil sa pag-iinarte bubuhusan ko ‘yan ng alcohol!” saad ko, halata ulit ang gulat sa kanya dahil sa sinabi ko.
“See?” hindi makapaniwalang tanong niya. “You just can’t hide your true colors, can’t you?” galit na dagdag pa niya.
“Oo na, masama na ang ugali ko. Pero tumahimik ka muna! Lilinisin ko lang ang sugat mo, okay?” naiinis na saad ko.
“I told you—” idiniin ko ulit ang cotton ball na may alcohol sa sugat niya kaya hindi niya naituloy ang sasabihin niya. “Aw!” reklamo na lang ulit niya.
“Isang salita pa, sige,” pagbabanta ko.
Mukhang natakot naman siya kasi bigla siyang nanahimik. Napansin ko rin ang pamumula ng buong mukha niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya o galit na nararamdaman, pero hindi ko na lang pinansin.
Marahan kong nililinisan ang sugat niya at kung may pagkakataon ay hinihipan ko pa iyon para bahagyang mawala ang hapdi. Alam ko naman kasi kung gaano kahapdi kapag nililinisan ang sugat.
Nang matapos na ay agad ko naman iyong binalot ng benda. At natapos ko iyon nang walang naririnig na kahit na ano sa kanya.
“Oh, edi ang bilis lang matapos kung hindi ka pabebe?” tanong ko nang bitawan ko na ang kamay niya, sumimangot naman siya dahil sa sinabi ko.
“Why do I feel like you’re not Astrid?” natigilan ako sa tanong niya. Nilingon ko siya at nakita kong nakakunot ang noo niya na parang nag-iisip. Sa huli ay umiling na lang siya. “Nevermind,” saad pa ulit niya.
Pumasok naman ulit si Joy sa loob dala ang isang tray na may lamang pagkain. Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango.
“Salamat, Joy, pasensiya na sa utos, ah? Magpahinga ka na muna,” saad ko nang tanggapin ang tray sa kanya.
“N-Naku, wala po iyon, Ma’am,” sagot niya bago nagpaalam at lumabas na ulit.
“Leave me alone. I want to rest,” saad ni Leon tapos ay humiga na sa kama niya.
“Leon, kailangan mong kumain,” sagot ko naman.
“Hindi ikaw ang magsasabi kung ano ang kailangan kong gawin at hindi. Tigilan mo na ako at ang pagpapanggap mo na santo!” sigaw naman niya.
“Aalis na ako, basta kumain ka lang,” napansin ko na natigilan ulit siya sa sinabi ko. Saglit pa siyang nag-isip bago nagbuntong hininga.
“Fine. Just get out of my life and don’t ever come back!” sagot niya at muling umupo. Nagngising demonyo naman ako dahil doon. Ang sungit ng isang ito, pero ang daling utuin.
“Oo, Leon, kumain ka lang at aalis na ako. Hindi mo na ako makikita kahit na kailan,” natigilan ulit siya sa sinabi ko tapos ay sumimangot.
“Iniinsulto mo ba ako?” napangiwi ako sa tanong niya.
Gaga! Singhal ko sa sarili ko. Paano ko nakalimutan na bulag nga pala siya at hindi naman talaga niya ako nakikita?
“Uhm, what I mean is… kahit kapag nakakakita ka na ulit, hinding hindi na kita guguluhin pa,” kunware ay malungkot na sagot ko naman.
“Better be sure, woman,” aniya.
Gamit ang kutsara ay kumuha ako ng kanin at ulam. Tapos ay idinikit ko iyon sa labi niya. Binuksan naman niya ang bibig niya at agad na tinanggap iyon. Habang ginagawa iyon ay hindi ko maiwasan ang sarili ko na tumitig sa guwapo niyang mukha.
His face and manly features screams perfection. How can he be this drop dead gorgeous? Sabi nila hindi raw lahat ay ibibigay sa atin ni God. Bakit feeling ko hindi naman totoo? Perpektong perpekto si Leon, eh.
Guwapo… mayaman. Ay hindi pala. Hindi siya nabiyayaan ng mabuting asawa. Pero makakahanap pa naman siya ng iba. Iyong mamahalin at aalagaan siya, basta huwag lang niyang sayangin ang buhay niya.
“Ano, isang subo lang? Tapos na?” bumalik ako sa reyalidad nang magsalita siya, saka ko lang napansin na tapos na nalunok na niya ang unang subo ko sa kanya.
“Ay, sorry naman agad! Heto na, excited?” gulat na saad at tanong ko naman tapis ay sinubuan ko siya ulit. “Aayaw ayaw pa tapos nagmamadali naman,” bulong ko pa.
Habang ngumunguya siya ay bahagya ring gumagalaw ang Adam’s apple niya, at mula doon ay umakyat ang titig ko sa mga pula niyang labi. Napalunok ako dahil sa nakita.
Diyos ko po! Unang araw pa lang pero natutukso na akong makahalik ng guwapong fafables. Nakakaloka naman. Mariin akong pumikit at umiling. Mali, Precy. Mali!
Hindi ka dapat magnasa sa taong may asawa na, o kahit na kanino pa. Masama iyon! Ang bulyaw ko sa sarili ko. Napansin ko na nalagyan siya ng sauce sa gilid ng kanyang labi.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko pero marahan kong idinampi doon ang hinlalaki ko at pinunasan, pansin ko na parang nagulat siya sa ginawa ko pero hinayaan lang niya ako.
Sinubuan ko na lang ulit siya para mawala iyong init na nararamdaman ko. Sino ba naman kasi ang hindi matutukso, eh, ang guwapo niya?
“You look better with stubble beard,” hindi ko alam bakit nasabi ko iyon.
Naalala ko lang kasi base sa picture na nakita ko sa internet, makinis ang mukha niya, ngayon ay medyo makapal na ang stubble beard niya at parang mas guwapo siya kapag may ganito.
“You never liked me with stubble beards, you were always asking me to shave, right?” nalilitong tanong naman niya. Napangiwi ako. Patay!
“I mean… people change. Ngayong tinititigan kita, napansin ko na… mas guwapo ka pala kapag may stubble. Mas mature ka tignan, can you keep it that way for me?” sumimangot siya sa tanong ko.
“No, I’m going to shave it,” asar na sagot niya. “I’m full. Give me something to drink and get the hell out of here, just like what you promised.”