DAYS WENT REAL FAST. Naging normal naman ang takbo ng bawat araw. Nasabi ko na rin namin ni Leon kina Nanay at Tata yang estado ng relasyon namin, medyo hindi pa nga sila makapaniwala kasi hindi naman daw nila nakitang nanligaw sa akin si Leon. Pero gano’n pa man ay hinayaan na lang nila ako sa desisyon ko. Sinabi rin ni Tatay na at least, kilala na niya ang kasintahan ko. Atsaka, marami pa naman daw niyang panahon para mas lubusang makilala si Leon. May isang pagkakataon din na nagpunta kami ni Leon sa BGC para katagpuin ang isang kliyente, pagkatapos no’n ay dumiretso kami sa mansiyon nila para sabihin sa mga magulang niya na girlfriend na niya ako. Masaya silang lahat dahil doon. They even welcomed me to their family wholeheartedly. Si Jag naman ay walang hinto sa katatawa at pang-aa