WHAT HAPPENED LAST SATURDAY NIGHT KEPT BUGGING MY THOUGHTS THE WHOLE WEEKEND. Walang nangyari sa amin ni Leon maliban sa halik, muntik na, pero mabuti na lang ay pareho pa kaming nakapagpigil. Atsaka, hindi ko rin ma-imagine ang sarili ko na gawin ang bagay na iyon kasama siya sa sala namin. Takot ko na lang na baka lumabas at magising ang isa sa pamilya ko, tiyak na problema iyon. Sigurado rin na sasama ang loob ni Tatay sa akin kung nagkataon. Kaya naman nagpasya na akong matulog sa kuwarto ko no’n katabi si Joy. Kahit pa naaawa sa kalagayan ni Leon na sigurado akong nahihirapang pagkasyahin ang sarili niya sa maliit na sofa ay hinayaan ko na lang siya. They ate their breakfast at home the next morning. At noong makauwi na sila ay nagsimula na ang laging pagte-text sa akin ni Leon. Na