NAPANGITI AKO NANG MAKITA ANG EXCITEMENT NG LAHAT. Lahat ng kasama sa outing na ito ay malalaki ang ngiti habang buhat ang kanya kanya nilang mga bagahe. “Nakaka-excite!” masayang saad ni Joy, katabi ko kasi siya at hinihintay lang namin na dumating ang lahat bago umalis. “Mukhang mas masaya sana kung kasama natin sila sa sasakyan,” sagot ko naman. “Asa ka naman. Eh, bet nga ni Kuya na masolo ka lagi,” pabulong naman na sagot niya kaya napailing na lang ako. Totoo ang sinabi niya kasi iyon din ang napansin ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Pero sa tingin ko, kung hahayaan ko lang siya na maging sweet siya sa akin sa harap ng iba ay papayag siyang makasama namin sila sa iisang sasakyan. “Ready na ba ang lahat?” narinig ko ang pasigaw na tanong ni Ysa, halos sabay sabay naman silang