NAPABUNTONG HININGA AKO DAHIL SA INIS. Tapos ay ibinagsak ko ang ulo sa mesa. Malakas ang naging impact no’n at ramdam ko na napatingin ang iba pang mga empleyado sa gawi ko, pero hindi ko na lang sila pinansin. It’s lunch time and I’m currently here on pantry. Madali lang naman ang trabahong pinagawa ni Leon pero sumakit na ang daliri ko kapipindot sa photocopy machine. I mean, sobrang dami ng mga papel na iyon! Hindi ko talaga alam kung kakayanin ko bang tumagal dito at makatrabaho siya. Baka araw araw akong ma-highblood dahil sa mokong na iyon. Nakakairita. “Balita nga na two years lang natapos niya sa college, kaya daming nagreklamo sa mga nag-apply na secretary ni Mr. Montealegre kung bakit siya ang kinuha,” may narinig akong nagsalita sa may bandang likuran ko. Hindi naman ako ta