MARAHAN KONG ITINULAK PABUKAS ANG GATE NAMIN. Bagsak naman ang magkabilang balikat ko habang naglalakad papasok ng bahay. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kanina. “Oh, anak, mukhang pagod tayo, ah?” napalingon ako kay Tatay nang sabihin niya iyon. Saka ko lang napansin na nakaupo pala silang lahat sa maiit naming terrace. It’s almost six in the evening when I got home. Alas cinco ang labas ko pero medyo traffic sa bayan kung saan umikot ang jeepney na sinakyan ko kaya medyo natagalan ako sa biyahe pauwi. Napabuntong hininga naman ako at agad na umupo sa bakanteng silya katabi ng inuupuan ni Nanay. Tapos ay nagmano ako sa kanila ni Tatay, maging kay Tita. “Hindi naman po, wala pa namang masyadong ginagawa sa opisina. Naninibago lang po siguro ako,” sagot ko naman. Kasinung