MAAGA AKO NAGISING KINABUKASAN. Alas seis ata iyon ng umaga. Nagtataka ako kasi hindi naman ako agad na nakatulog kagabi kaiisip ng mga nangyari kahapon at kung ano ang mga maaaring mangyari sa araw na ito. Tatayo na sana ako mula sa kama nang makarinig ng katok sa kuwarto ko. “Anak, unang araw mo sa trabaho! Kailangan maaga ka para matuwa ang boss mo sa ‘yo at mas magustuhan ka niya! Bangon na anak naming maganda, luto na ang almusal!” masayang saad ni Tatay kaya napanguso ako. Sa natatandaan ko ay parang ayaw niyang magtrabaho muna ako, pero ngayon mas mukhang excited pa siya kesa sa akin. Well, hindi naman talaga ako excited. Sa totoo lang ay natatakot akong pumasok, hindi dahil sa trabaho kung hindi dahil sa boss mismo. “Gising na po!” sagot ko na lang. “Sige, ‘nak, hintayin ka na