I WOKE UP THE NEXT DAY FEELING EMPTY. Aminado ako na hindi ako agad na nakatulog kagabi dahil sa dami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Ang dami kong na-realize kagabi, pero ang pinakanakakatakot at nakakabahala sa mga reyalisasyong iyon ay ang katotohanang mahal ko na talaga si Leon. Ang akala ko kasi talaga ay simpleng pagkakagusto lang ang nararamdaman ko sa kanya dahil sa kabutihan niya, hindi ko namalayan na tuluyan na nga pala akong nahulog sa kanya. Hindi ko naisip na mahuhulog ako ng ganito kabilis, lalo pa’t mahigit isang buwan pa lang buhat nang makilala ko siya. Maybe it was around three in the morning when I fell asleep, and it was around five when I woke up. Pinilit ko ang sarili ko na matulog ulit pero hindi ko na magawa. Kaya naman nagpasya ako na iwan si Leon sa kuwar