HINDI KO ALAM KUNG GAANO KAMI KATAGAL NA NANATILING TAHIMIK. Hindi kami nag-uusap pero hindi naman ako naiinip dahil ramdam ko ang mainit niyang presensiya sa tabi ko. Marahan kong isinandal ang ulo ko malapit sa may dibdib niya habang ang kaliwang braso niya ay naka-akbay pa rin sa akin. Gusto kong manatiling ganito sa mahabang oras. Gusto ko rin na mangyari ito sa pagitan namin sa matagal na panahon. Gusto ko… pero alam ko na imposible. Kasi nga darating din naman ang araw na matatapos ang lahat ng ito. When that day comes, I have to continue my life without him. Mahirap sa parte ko kasi alam kong hindi niya ako kilala. Ni hindi nga rin niya malalaman na may isang Precy Dulay na nag-exist at naging parte ng buhay niya. I softly closed my eyes while feeling his presence more. Ang pina