THE NEXT FEW DAYS OF OUR STAY HERE ON ISLA AMARA JUST WENT WELL. Masaya ako na hindi na nagbukas pa ng usapin si Leon patungkol sa nangyari o nakita niya noong isang araw. Kagaya ng sinabi ko ay naniniwala akong nakita talaga niya ako. Gano’n pa man ay hindi ko na lang din muna inisip iyon. Ngayong araw naman ay ang wedding anniversary nila ng asawa niya. We both woke up early to do what we usually does here for the past few days. Maghihilamos, kakain ng agahan, tapos ay tatambay sa kubo, kapag naisipan ay maliligo sa dagat o kung hindi kaya ay sa infinity pool, o kung hindi kaya ay mamimingwit ng mga isda na puwedeng idagdag sa tanghalian o hapunan namin. It was the same routine but for some reasons, we’re not growing tired of it. Kung tutuusin ay nag-eenjoy pa nga kami. Mario and Lui