Chapter 43

2153 Words

ALAS CINCO IYON NANG HAPON NANG LUMABAS ULIT SI TATAY MULA SA KUWARTO NILA. Si Leon ang una niyang hinanap para ayain na uminom. Hindi naman umalis si Leon, nagpasya siya na mag-siesta rin sa matigas naming sofa. Pagkatapos kasi ng nangyari kanina ay sinabi ko sa kanyang magpapahinga muna ako dahil sa hiyang nararamdaman. Hinayaan naman niya ako sa gusto kong mangyari. Pagkapasok ko nga sa kuwarto ko ay tawa nang tawa si Joy, ako naman ay sinimangutan lang siya. Ngayon ay nasa kuwarto pa rin kami ni Joy at hinayaan si Leon na makipag-inuman kina Tatay at Lando. “Sure ako na magki-kiss talaga kayo kanina kung hindi ko lang nasira ang moment niyo, sorry ulit, Ate, ah?” napangiwi ako sa sinabi ni Joy. “Joy, hindi kami maghahalikan, okay? At kahit pa hindi ka dumating iiwas ako!” sagot ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD