Chapter 42

2226 Words

NANG LUTO NA ANG TANGHALIAN AY INAYA NA KAMING KUMAIN NINA NANAY. Mabuti na lang at dumating din sina Tatay bago pa matapos si Tita sa pagluluto. Nagawa pa nga nilang magpahinga ni Lando saglit habang sumasabay sa amin sa kuwentuhan. Itong maharot ko nga na pinsan mukhang tinamaan pa kay Joy, mukhang nagpapapansin kasi. Hinayaan ko na lang. Kilala ko naman si Lando, at alam ko na kung sakaling ligawan niya si Joy ay seseryosohin niya ang dalaga dahil responsable siyang tao. “Umiinom ka ba, Leon?” tanong ni Tatay habang kumakain pa rin kami. Ngumiti naman si Leon bago marahang tumango. “Opo, Tito,” magalang na sagot niya. “Kung gano’n gusto mo bang mag-inuman tayo mamayang hapon?” tanong pa ulit ni Tatay kaya napangiwi ako. Gusto ko sana silang bawalan pero hindi ko naman magawa. Lalo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD