Chapter 9

2193 Words
HINDI KO MAALIS ANG NGITI SA LABI KO HABANG HINAHATID SILA MA’AM SALVE SA GATE. Nagulat kasi ako sa biglaang pagbabago ng ugali at trato sa akin ni Leon. Medyo nakakalungkot lang talaga na kasinungalingan ito, pero hindi ko maiwasang isipin na sobrang mahal pala talaga niya si Astrid. Imagine? He thinks that I am really his wife who left him, and in just a span of twenty four hours, okay na agad ang presensiya ko sa tabi niya. Napakabuti niyang tao. Ang bilis niyang magpatawad. At ang laking tanga ni Astrid para iwan ang ganito kabuting tao. Mahihirapan na siyang makahanap ng lalaki na kagaya ni Leon, iyong mamahalin at tatanggapin siya kahit na marami pa siyang pagkakamaling nagawa sa buhay niya. “You’re doing a great job, hija,” napalingon ako kay Ma’am Salve nang sabihin niya iyon, saka ko lang napansin na nasa gate na pala kami. “I’m still worried that he’ll just hope for nothing, but it’s better than losing his sense of sight forever. Kaya kahit na mahirap para sa akin na tanggaping niloloko natin siya, pipilitin ko kasi ayaw ko na tuluyan niyang sirain ang buhay niya para sa walang kuwentang tao,” malungkot akong napangiti sa sinabi ni Sir Fred. “Nakukunsensiya nga rin po ako, pero iniisip ko na lang na ginagawa ko ito para matulungan din siya. Atsaka para na rin po sa surgery ni Nanay,” sabay silang ngumiti sa sinabi ko bago marahang tumango. “Thank you, hija,” mababa ang boses na saad ni Ma’am Salve. “Alright, we’ll get going now. I’ll see you later tonight,” paalam niya bago sila naglakad papunta sa sasakyan nila. Ngumiti na lang ako at hinayaan sila. Pinanuod ko rin na makaalis ang sasakyan nila bago ako nagpasyang bumalik sa poolside. Umupo naman ako ulit sa lounger na inuupuan ni Leon, tumabi ako sa kanya at alam kong naramdaman niya iyon kasi bahagya siyang gumalaw. “What did they tell you?” mababa ang boses na tanong niya sa akin. “Wala naman, sabi lang nila na masaya sila kasi mukhang okay na tayo,” sagot ko sa kanya. “S-Sinabi ko na lang na hindi pa talaga tayo okay, but you’re trying to be open with me, just like what you said,” marahan siyang tumango sa sinabi ko. “Mahirap para sa akin na tanggapin ang lahat ng nangyari, pero susubukan ko…” malungkot akong ngumiti dahil sa sinabi niya, tapos ay nilingon ko si Joy at nakita ko na gano’n din siya. “Ano kaya ang puwede nating gawin ngayong araw?” pinilit kong pasayahin ang boses ko nang itanong iyon, gusto ko rin kasing ibahin na ang usapan. “I can’t do much because of my condition so I don’t know,” mababa ang boses na sagot ni Leon. “Hindi ko po alam, Ate, eh. Kayo po, ano po ba ang gusto niyong gawin?” sagot at tanong naman pabalik sa akin ni Joy. “Do you guys want to watch a movie?” masayang tanong ko, napansin ko na tinakpan ni Joy ang bibig niya gamit ang magkabilang kamay para pigilan ang pagtawa, si Leon naman ay agad na napangiwi. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na hindi nga pala siya nakakakita. Hindi rin niya mae-enjoy. “Yeah, I bet I’m going to enjoy it very much!” sarkastikong saad niya kaya ako naman ang napangiwi. “Ang sungit naman, nagsa-suggest lang. Sorry na,” malambing na sagot ko naman kaya napahagikghik si Joy. “You both can watch, I think I’ll just rest for a bit. My back is aching, maybe because I wasn’t able to get my right sleeping position last night,” saglit akong natahimik nang sabihin niya iyon. “Marunong akong magmasahe, gusto mo massage na lang kita?” mababa ang boses na tanong ko. Napahagikgik ulit si Joy dahil doon at hindi ko alam kung bakit, si Leon naman ay namula ulit ang magkabilang tenga. Teka, may mali ba sa sinabi ko? Saglit akong natahimik ulit at pinakaisip ang huli kong sinabi. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto ang karaniwang bagay na laging idinidikit sa ‘pagmamasahe’. “Masahe lang!” agad naman na saad ko, halos pasigaw pa iyon kaya malakas na tumawa si Joy. “Naku, Ate, wala naman kaming sinasabi. Ikaw lang ata itong nag-iisip ng kung ano ano,” nang-aasar na saad ni Joy. Dahil doon ay naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Si Leon naman ay marahang natawa kaya nalaglag ang panga ko. This is actually the first time that I heard him laugh and it’s so damn sexy! Paano niya nagagawang akitin ako gayong wala naman siyang kaakit akit na bagay na ginagawa? Napakaguwapo talaga niya. Dinaig pa ang maraming mga astista na madalas kung maging leading man sa mga teleserye at pelikula. “Yeah, I think I need a massage,” saad ni Leon sa huli. Kaya naman iyon na napagkasunduan. Balak ko sana na ako na ang magluluto ng tanghalian pero sinabi ni Joy na siya na raw ang bahala, mag-moment na muna raw kami ni Leon kaya marahan na namang natawa si Leon. Ako naman ang umalalay sa kanya habang paakyat kami sa kuwarto niya. Naka-akbay ang kaliwang braso niya sa akin habang ang mga kamay ko naman ay nakapulupot sa bewang niya. As soon as my soft left hand touched his still dressed tummy, I felt the hardness of his abs. Again, I felt electrified. Sobra akong nag-iinit at kahit na minsan ay hindi ko pa naramdaman ito sa kahit na kaninong lalaki. Kahit pa naman kasi noong nag-aaral ako at may magtangkang manligaw ay hindi ko binibigyan ng pansin. I didn’t entertain even just one single guy in my entire life. Kaya ano itong nararamdaman ko ngayon? Maybe I’m getting infatuated especially this is the very first time that I got this close to a man. Si Tatay at Lando lang kasi ang mga lalaking napalapit sa akin ng sobra, at siyempre, walang malisya iyon dahil pamilya ko sila. Ngayon… ay ewan! Nakakaloka. Nang makapasok na kami sa kuwarto niya ay inalalayan ko pa rin siya hanggang sa makaupo na siya sa kama. Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng dugo ko sa ulo ko nang makita siyang naghubad ng suot na damit pang-itaas. I softly bit my lower lip as I saw how his perfectly built body. Halatang alaga sa gym. Nabanggit naman ni Ma’am Salve na hilig din talaga ni Leon ang mag-gym noong nakakakita pa siya. Sa bawat paggalaw niya ay gumagalaw din ang mga muscles niya sa katawan na ngayon wala nang damit. Ano kaya ang pakiramdam kung hahawakan ang tiyan niya na may abs? Pababa sa… napailing ako sa dumi ng naiisip ko. “Hey, you still here?” bigla akong bumalik sa reyalidad mula sa makamundong pagnanasa nang marinig ang marahan niyang boses. “Ah, oo, dumapa ka na,” medyo kinakabahang sagot ko naman. Gano’n naman ang ginawa niya. Dumapa siya sa kama habang ang ulo ay nakatagilid sa kanang bahagi niya. “Teka lang, ah? Mag-sound lang ako para hindi nakakainip,” nakita ko ang marahan niyang pagtango nang sabihin ko iyon. Kinuha ko naman ang cellphone ko at agad na pinindot ang music icon. Tapos ay pinindot ko rin ang shuffle at play button. Nang magsimula na ang magandang kanta na sinasabayan ko pa ay ibinaba ko ang cellphone ko sa bedside table at sumampa na rin sa kama. “There’s a baby oil inside the bathroom,” narinig kong saad niya, huminga ako ng malalim dahil doon. “K-Kukuhanin ko lang,” kinakabahang sagot ko. Patakbo naman akong bumaba sa kama at pumasok sa banyo. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at nakita ko na sobrang namumula ang mukha ko. Nagbuntong hininga na lang ako bago kunin ang baby oil at bumalik na sa kama. Alam ko na alam niyang bumalik na ako dahil gumalaw ang kama pagkasampa ko. Hindi naman ako nag-aksaya ng panahon na buksan ang baby oil at pinatakan ng kaunti ang likod niya. Naglagay din ako no’n sa kanang kamay ko bago ko hinawakan ang likod niya at sinimulan na ang pagmamasahe. Marahan ko ulit na kinagat ang ibabang labi ko nang maramdaman ang init na lumalabas sa katawan niya. Para akong lalagnatin dahil sa kakaibang init na nararamdaman ko rin naman ngayon. Hindi ko sukat akalain na magnanasa ako sa isang lalaki, hindi lang iyon, kahapon ko lang siya nakilala pero sobrang lakas na ng epekto niya sa akin. Imposible naman na may gusto na ako sa kanya dahil hindi ko pa naman siya kilala ng lubusan, normal lang naman siguro magnasa sa isang guwapo at matipunong lalaki, ano?            Tama! Normal lang iyon. Lilipas din ito. Kaya ko namang pigilan ang sarili ko. Pero paano kung siya ang mag-aya na mag-ano kami? I mean, he’s under the impression that I am his wife, and making love is a normal thing to do for married couple. So what if he asks for it? Naku, hindi ko alam! Hindi ako ready sa ganito. Oo, aminado naman ako na nakakaramdam ako ng kakaibang init sa kanya, pero kasi, ayaw ko pa rin na may mangyari sa amin dahil nga hindi naman ako si Astrid. At gusto ko na ia-alay ko lang ang v-card ko sa lalaking mahal ko, iyong lalaki na magiging asawa ko na. I don’t want to lose my v*rginity just for this… no! I cannot let that to happen. “Can you push it a little harder?” napalunok ako nang itanong niya iyon. Alam ko naman na ang tinutukoy niya ay ang pagmamasahe ko sa kanya pero bakit feeling ko may ibang meaning? Naku, Precy, napakadumi na talaga nang utak mo! “G-Ganito?” tanong ko at mas bahagya pang diniinan ang pagmamasahe ko sa kanya. “Oh, yeah, that was good…” mababa ang boses na sagot niya. Napalunok ulit ako dahil doon. That way he said that feels like he’s moaning out of pleasure. Napakahirap magpigil, kaya paano pa sa mga susunod na araw? Hindi ko na alam. At kung dadating man ang panahon na hingin niya ang ‘bagay’ na iyon, kailangan ay may dahilan ako para hindi mangyari o matuloy man lang. Kailangan ngayon pa lang ay umisip na ako ng maraming idadahilan sa kanya. “I think I’m okay now, thank you,” pagkatapos ng ilang minutong pagmamasahe sa likod niya ay saad na niya. Nakahinga naman ako nang maluwag at agad na inalis ang kamay ko sa likod niya. Tapos ay mabilis akong bumaba sa kama para ibalik sa banyo ang baby oil at makapaghugas na rin ng kamay. Naging mabalis lang naman iyon. Pagkalabas ko ay nakita ko siyang nakasandal sa headboard ng kama niya habang wala pa ring suot na damit. Damn it! Even the Greek Gods would definitely envy his perfect body. “Uhm, b-bababa na muna ako para matulungan si Joy sa kusina,” mababa ang boses na saad ko. “Can you stay here with me for a minute?” marahang pakiusap niya. “B-Bakit?” kinakabahang tanong ko naman. “I… just want to cuddle. I mean, we haven’t tried cuddling before, so I guess… uhm, c-cuddling would help me open up with you a bit more, uh, it’s okay if you don’t want to,” ramdam ko rin ang kaba sa boses niya nang sabihin niya iyon. Talaga? Hindi pa sila nag-cuddle ni Astrid kahit na minsan? Nakakapagtaka naman ata. “H-Hindi, okay lang,” nakita ko na napangiti siya dahil sa sinabi ko. Agad naman niyang inilahad ang kanang braso niya, parang sinasabi sa akin na sumandal ako doon. Kaya kahit na kinakabahan ay sumampa ulit ako sa kama at tumabi sa kanya. Nang maramdaman niya ang presensiya ko ay marahan pa niya akong hinila para mas mapalapit sa kanya. Muntik na akong mapasinghap dahil doon, mabuti na lang at napigilan ko. “I can you heart beating loudly, are you afraid of me?” puno ng lambing na tanong niya. “H-Hindi, Leon, n-nahihiya lang ako,” sagot ko naman. “You don’t have to,” sagot niya. Marahan niyang idinampi ang ilong niya sa buhok ko at naramdaman ko ang mahina niyang pagsinghot dito na parang inaamoy ako. “You changed your favorite shampoo brand?” natigilan ako sa tanong niya. Wala ang tungkol sa bagay iyon sa printed details na binigay sa akin ni Ma’am Salve. “A-Ah, oo, I mean, it’s just nothing but expensive,” naramdaman ko ang marahan niyang pagtango dahil sa sinabi ko. “I’m mad…” saad niya, nagulat naman ako at hindi nakapagsalita. “I’m hurting…” dagdag pa niya. “But at the same time, I’m happy that finally, we get to cuddle like this,” malungkot akong napangiti dahil doon. Kung alam mo lang na hindi talaga ako si Astrid, Leon. “Sorry, Leon,” mahinang bulong ko. “Just… promise that you won’t leave me again…” mariin na lang akong pumikit sa sinabi niya. Ano ba ang tamang sagot doon? Hindi ko rin alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD