Chapter 8

2389 Words
MAAGA AKONG NAGISING KINABUKASAN. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pag-iisip ng kung ano-ano. Hindi ako nakakain ng hapunan at sa tingin ko ay nalipasan ako ng gutom kasi ramdam ko na medyo masakit ang tiyan ko pagkamulat ko sa mga mata ko. I took a glance at the wall clock and found that it’s just seven in the morning. Hindi naman ako nag-aksaya ng panahon na tumayo mula sa kama at pumasok sa banyo para makaligo na. Naging mabilis lang iyon. Balak ko kasing kumain ng kahit biscuit lang sana, o kahit na anong light meal ang mayroon para lang maibsan ang gutom na nararamdaman ko. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong lumabas sa kuwarto at naglakad pababa. Naninibago ako kasi ito ang unang beses na gumising akong wala sa bahay namin. Ito ang unang beses na mag-aagahan ako na hindi nakikita ang pamilya ko. Bahagya akong nakadama ng kalungkutan pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon. Nang makapunta na ako sa kusina ay nakita ko si Joy na naroon din. Nakaupo siya sa hapag habang nagce-cellphone. “Magandang umaga, Joy,” ang nakangiting bati ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin, sinuklian naman niya agad ang ngiti ko sa kanya. “Magandang umaga, Ate, kain ka na ng agahan,” saad niya at itinuro ang mesa na kung saan may nakahapag sinangag, tocino at bacon. “Wala sana akong balak na kumain ng heavy meal ngayon, mukhang nalipasan kasi ako ng gutom. May gatas at kahit biscuit ba rito?” marahan naman siyang tumango sa naging tanong ko. “Opo, Ate, maupo ka na, ikukuha kita,” mabilis akong umiling sa sinabi niya. “Hindi na, Joy, ako na lang,” sagot ko agad tapos ay naglakad papunta sa lababo at kumuha ng isang klaro at babasaging baso. Inilapag ko iyon sa lababo at binuksan ang refrigerator. Kinuha ko iyong fresh milk para makapagsalin na sa baso, tapos ay may nakita akong cookies kaya iyon na lang din ang kinuha ko. Bumalik din naman ako sa hapag pagkatapos. “Nag-almusal ka na, Joy? Si Leon, kumain na rin ba?” tanong ko bago kumagat sa isang cookie. Ngumisi naman siya at marahang tumango. “Kumain na kami, Ate,” sagot niya. “Tinanong nga ako kanina kung kumain ka raw ba kagabi, ang sabi ko hindi kasi natutulog ka na,” marahan akong tumango sa idinagdag niya. “Hindi ko kasi namalayan, siguro napagod ang katawan ko dahil sa biyahe, nasaan nga pala si Leon?” sagot at tanong ko ulit. “Nasa kuwarto niya, Ate, nagpapahinga. Lagi naman siyang gano’n,” tumango ulit ako sa sinabi niya. “Pero, Ate, kaninang tinanong niya ako kung kumain ka ba, mukha siyang nag-aalala,” kinikilig na dagdag pa niya kaya napangiwi ako. “Ayaw lang nun na may mamatay sa gutom sa puder niya,” sagot ko kaya marahan siyang humalakhak. “Hindi rin, feeling ko nag-aalala pa rin siya kay Ma’am Astrid kahit na papaano,” napabuntong hininga ako sa sinabi niya. “Joy, nakukunsensiya na ako,” kumunot ang noo niya sa sinabi ko. “Bakit naman, Ate? Para sa kanya rin naman ang ginagawa natin,” malungkot akong ngumiti sa sinabi niya. “Oo nga, pero parang pinapaasa kasi natin iyong tao. Paano kung mapatawad niya ako, tapos… umasa siya na ako talaga si Astrid? Paano kung umasa siya na kapag nakakakita na ulit siya, magiging maayos na ang pagsasama nila ng taong wala naman talaga rito?” sunod sunod na tanong ko. Narinig ko rin ang mahinang pagbuntong hininga ni Joy dahil doon. Alam ko na napaisip din siya dahil sa sinabi ko. “Hindi ko rin po alam, Ate,” mahinang sagot niya kaya tumango ako. “Kapag nangyari iyon, baka mas mag-iba lang ang ugali niya. At alam ko na sa pagkakataong iyon ay damay na tayong lahat sa galit niya kasi kasama tayo sa panloloko,” nakita ko ang bahagyang takot na rumehistro sa mukha ni Joy dahil sa sinabi ko. “Ayaw ko rin na magalit sa akin si Kuya, Ate, kasi baka mawalan ako ng trabaho. Lalo na itong trabahong ito lang ang bumubuhay sa pamilya ko. Pero kung para naman sa ikabubuti ni Kuya, kung dahil sa pagsisinungaling na ito ay babalik siya sa trabaho at dati niyang buhay, okay lang siguro,” malungkot ulit akong ngumiti dahil sa sinabi niya. “Napakabuti mong tao, Joy,” sagot ko na lang. Pagkatapos no’n ay tumahimik na kami at ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Nang matapos na ay nagpasya ako na maglibot sa ka-buo-an ng bahay para kahit na papaano ay maging pamilyar ako rito. Lima ang kuwarto, at tatlo ang common bathroom. Tapos ay may isang maid’s quarter na may apat na higaan. Malaki iyon. Sa labas naman ay may hardin, tapos bandang likod ng bahay ay may swimming pool. Nagpasya ako na tumambay na muna sa poolside dahil wala naman akong ibang gagawin. Umupo ako at ibinabad ang mga paa ko sa tubig. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig lang sa malinaw at malinis na tubig ng pool hanggang sa makita ko si Joy na inaalalayan si Leon papunta sa poolside, ngumisi pa sa akin si Joy nang makaupo na si Leon sa isang lounger. “Kukunin ko lang po iyong juice,” magalang na saad pa niya bago nagpasyang bumalik na sa loob ng bahay. Mahina na lang akong napabuntong hininga at hinayaan siya. Tapos ay marahan ko pang inalis sa tubig ang mga paa ko, umaasa na hindi makakagawa ng kahit na anong ingay pero wala rin namang nangyari. Nagsimula na akong maglakad, balak ko kasi na bumalik na lang din sa loob. Ayaw ko muna kasi sanang makipagsungitan at makipagsagutan ngayon kay Leon lalo na at masyado akong maraming iniisip. Pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo nang magsalita siya. “Joy said you didn’t eat last night,” medyo nagulat pa ako kasi napakahinahon ng boses niya. “Ah, uhm…” hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko. “I’m sorry if I offended you in anyways, but you also have to understand that what you did to me was too much. I just can’t hide the emotions and disappointment,” marahan akong tumango sa sinabi niya kahit pa hindi naman niya nakikita. “Naiintindihan ko, Leon, and you don’t have to apologize. I totally understand where you are coming from. Pasensiya na rin kung sobra na ang pakekealam ko,” mababa ang boses na saad ko. “K-Kumain ka na ba?” mahina akong natawa sa tanong niya kaya kumunot ang noo niya. “What the hell? I’m trying to reach out and be open here and you’re going to laugh at me? Nakakainis talaga!” naiiritang saad niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na matawa. Ang cute kasi niya kapag ganito siya, iyong nag-aalala. Hindi naman ako nagdalawang isip na umupo sa tabi niya at pansin ko na natigilan siya nang maramdaman ang presensiya ko. “Huwag ka nang magsungit,” mababa ang boses na sagot ko. “Thank you sa concern, oo, kumain na ako ng agahan. And thank you for trying to be open with me. Alam ko na hindi pa talaga tayo okay, pero masaya ako kasi sinusubukan mo. Kaya sana huwag mo na rin akong ipagtulakan palayo. Hayaan mo lang ako na alagaan ka sa pagkakataong ito,” may halong paglalambing na dagdag ko pa. Peke naman siyang umubo dahil doon. Hindi rin nakawala sa akin ang pamumula ng magkabilang tenga niya. “I… I asked Joy to reheat the kare-kare that you cooked because I like it. That’s what I ate for my breakfast. C-Can you cook it again some other time?” napangiti naman ako at mabilis na tumango. At sa lapit ng katawan namin sa isa’t isa, ngayon ay sigurado na ako na kahit hindi niya makitang tumatango ako ay nararamdaman naman niya. “Oo naman, sabihan mo lang ako kung kailan mo gustong kumain ulit no’n, ipagluluto kita,” nakangiting sagot ko. “T-Thank you,” marahan pa ring sagot niya, pero pansin ko na medyo kinakabahan siya at hindi ko alam kung bakit. “Alam mo, lumabas tayo nila Joy minsan. Mukhang naiinip na kasi ang isang iyon dito,” nakita kong napangiti siya dahil sa sinabi ko. “You’re not afraid to be seen with us by your elite friends? Hindi ba ay ayaw mong nakikita ka nila na may kasamang katulong? O, baka mapahiya ka lang kasi bulag ang asawa mo.” Medyo nakadama ulit ako ng lungkot dahil doon. “I’m trying to change for the better, Leon, kung pagtatawanan nila ako, wala akong pakealam. Ang ibig sabihin lang no’n ay hindi sila mga totoong kaibigan. And I also realized na hindi naman pala ako dapat na mahiya kapag kasama ko kayo. I was just blinded by my false beliefs… atsaka bakit ko ikakahiya ang asawa ko, eh, ang guwapo niya?” hinaluan ko ng kaunting pagbibiro ang huling linyang sinabi ko kaya namula ulit ang magkabilang tenga niya. “Ang sweet naman,” napahagikgik pa si Joy nang sabihin iyon, saka lang namin napansin na nakabalik na pala siya dala ang isang pitsel ng juice at tatlong baso. “Ikaw, Joy, okay lang ba sa ‘yo iyon?” tanong ko naman. “Ano po iyon, Ate?” tanong naman niya. “Na lumabas tayong tatlo minsa. Kain sa labas, o picnic, mga gano’n ba? Mukhang naiinip ka na kasi rito,” malawak ang naging ngiti ni Joy sa sinabi ko at mabilis na tumango. “Opo!” masaya at parang batang sagot pa niya. “Naiinip ka ba rito, Joy?” mababa ang boses na tanong naman ni Leon. “Eh… minsan po Kuya. Lalo na nung wala pa si Ate, wala naman kasi akong makausap, tapos magdadalawang buwan na akong walang day off kasi hindi ko naman kayo puwedeng iwan,” kumunot ang noo ni Leon dahil sa sinabi ni Joy. “Hindi na sumagi sa isip ko ‘yan, pasensiya ka na. Hayaan mo, kakausapin mo si Mama na magpadala na muna ng ibang kasambahay rito, you can have a week paid leave,” malawak ang naging ngiti ni Joy sa narinig. “Totoo po, Kuya? Sinabi niyo ‘yan, ah?” masayang saad pa niya, ngumiti naman si Leon at tumango. “There’s no need to ask for a new househelp, Leon, I’m already here to take good care of you and do the chores,” sagot ko naman.            “Oo nga po, Kuya, atsaka wala rin naman akong balak na mag-day off ng isang buong linggo. Charot lang iyon. Kahit isang araw lang okay na. Balak ko lang talagang magpa-rebond ng buhok,” sagot naman ni Joy. “Kayo ang bahala,” sagot naman ni Leon. “Basta, Joy, if you have to go home or if you need something, don’t hesitate to tell us, okay?” tumango ulit si Joy bago sumagot. “Opo, Kuya, salamat,” nakangiting saad niya. Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo tapos ay nagsalin ng juice sa mga baso. Pagkatapos ay hinawakan ko ang isa at inalalayan ang kanang kamay ni Leon para mahawakan niya iyon ng maayos, pilit naman siyang ngumiti kahit pa pansin ko na medyo naiilang siya sa ginawa ko. “Thank you,” saad na lang niya. Akmang magsasalita na sana ako pero agad din akong natigilan nang makita si Ma’am Salve na paparatig dito, kasama niya si Sir Fred. “Mom, Dad,” bati ko sa kanila at tumayo pa, tapos ay ngumisi pa ako kaya napangiti siya. “Looks like you’re all having a good time, huh?” pagbibiro ni Sir Fred. “Dad,” bati ni Leon nang marinig ang boses ng tatay niya. “What are you doing here?” mababa ang boses na tanong pa niya. “We’re just here to check on you, anak, nag-aalala kasi ako na baka pinagtabuyan mo ang asawa mo,” sagot naman ni Ma’am Salve kaya napangiwi si Leon. “I’m not going to do that,” mahinang sagot naman niya. “Yeah, I know that, too, itong Mama mo lang naman ang nag-iisip ng kung ano ano kaya dumaan na kami rito,” sagot naman ni Sir Fred. Ngumiti silang dalawa ni Ma’am Salve sa akin. It’s like they’re both saying that I’m doing it well. Kaya naman ngumiti rin ako at marahang tumango. “Well, anyways, we’ll leave for Pangasinan today. We just really stopped by to check on you. Hindi na rin kami magtatagal. We’ll be back later tonight,” saad ni Ma’am Salve. “Naku, masarap po ang danggit diyan,” mabilis kong tinakpan ang bibig ko dahil sa nasabi ko, totoo naman kasi, pero nabigla lang ako. Base sa kasi sa kuwento nila sa akin, masyadong maarte si Astrid, kaya mukhang imposible na kumakain iyon ng danggit. “You never liked dried fish, especially their smell,” kunot noong saad ni Leon. “Uhm, I tried it once, and it’s really good, so…” napatango tango naman siya sa sinabi ko. “Really, hija? Don’t worry, bibilhan namin kayo,” nakangiting sagot naman ni Ma’am Salve. “T-Thank you, Mom,” sagot ko kaya napangiti ulit sila ni Sir Fred at sabay pang napailing. “Don’t mention it. Alright, we have to go now, we’ll see you later tonight,” sagot naman niya. “Dito po ba kayo magdi-dinner?” tanong ko. “Yeah, I think you should! My wife already knows how to cook kare-kare, and you guys should try it! It’s really good!” may halong pagmamalaking saad ni Leon kaya napanganga ang dalawa. Nang lumingon sila sa akin ay malawak ang naging ngiti nila. Ma’am Salve even mouthed ‘thank you’. Kaya ngumiti na lang ako bilang tugon. “Well, if that’s the case then we’ll expect to eat kare-kare for dinner later tonight,” malawak ang ngiting sagot ni Sir Fred. “I’ll also ask Jag and Jona to join us,” dagdag pa niya kaya tumango si Leon. “Sure, Dad. You both take care,” sagot niya. Muling nagpaalam sa amin ang mga magulang niya, sinabi ko naman na ihahatid ko sila sa gate at hinayaan nila akong gawin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD