Chapter 10

2201 Words
HINDI KO ALAM KUNG GAANO KAMI KATAGAL NA NAKAHIGA HABANG NAKAYAKAP SIYA SA AKIN. Ako naman ay nakaunan sa makisig niyang braso. Hindi ko rin maintidihan pero kahit na kinakabahan ako sa mainit niyang presensiya sa tabi ko, kahit na papaano ay magaan pa rin ang loob ko at pakiramdam ko sa mga makikisig niyang braso. Sa mahabang oras na magkatabi kami ay walang nagsasalita, pareho lang kaming natihimik at pinakikiramdaman ang presensiya ng bawat isa. All of a sudden, I can’t help myself but to feel envy towards Astrid. Hindi ko pa rin alam ang sagot sa tanong kung bakit at paano pa niya nagawang lokohin, saktan at iwan ang ganito kabuting tao. Leon screams perfection, not just because he’s wealthy and good looking but also because he’s kind and gentle. Ganitong mga lalaki ang dapat na binibigyan ng halaga. Isa siyang malaking tanga. Para sa akin ay biniyayaan na siya ng Panginoon ng diyamante pero binitawan pa niya ito para humanap ng ginto. Well, based on the stories I’ve heard from Ma’am Salve and Joy, she’s really a gold digger. Nailigtas ba ni Astrid ang mundo sa nakaraang buhay niya para mahalin siya ng isang Leon Montealegre? O sadyang inukit lang ng Panginoon na mangyari ito para sa huli ay magsisi siya kasi sobra ang kasamaan ng ugali niya at iyon ang magiging karma niya? Hindi ko alam. Pero kung ako man ang mabibiyayaan ng isang lalaki na katulad ni Leon, sigurado ako na gagawin ko ang lahat para lang alagaan siya at iparamdam sa kanya na hindi siya nagkamali na ako ang napili niya kahit pa sobrang dami ng babae sa mundo. I won’t even give him any reasons to leave me. Hahayaan ko siyang magdesisyon kung dumating man ang araw na maisip niyang hindi na ako ang gusto niya. But as long as he’s into me, I’ll treasure him. Hindi ko nga alam kung bakit itong mga bagay na ito ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Siguro ay dahil sobra akong naaapektuhan sa pagpapanggap na ito. “You okay?” malambing na tanong ni Leon pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, mahina naman akong nagbuntong hininga bago marahang tumango. Alam ko na ramdam niya ang pagtangong iyon kasi sobrang lapit lang ng katawan namin sa isa’t isa. Sobrang lapit na sa tingin ko, kahit ang hangin ay mahihiyang dumaan. “M-Medyo inaantok lang,” mahinang sagot ko naman. Totoo iyon. Siguro dahil na rin matagal kaming naging tahimik at sa dami ng iniisip ko kaya nakaramdam ako ng antok. “You can rest and sleep if you want. I’ll just wake you up on lunchtime,” marahan ulit akong tumango nang sabihin niya iyon. Hindi na ako sumagot. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinayaan ang sarili na dalawin ng antok sa makisig niyang braso. MARAHAN KONG IMINULAT ANG MGA MATA KO. Naramdaman ko kasi ang malaki at magaspang na palad na humahaplos sa kaliwang balikat ko. “Wake up, sleepyhead,” narinig ko pa ang mahinang boses ni Leon. “K-Kakain na ba?” medyo inaantok na tanong ko pa. “Yep, we have to,” sagot niya. Napabuntong hininga ako at agad na tumayo mula sa pagkakahiga. Medyo nagulat pa ako nang makita si Joy na nakatayo sa paanan ng kama hawak ang cellphone niya, halatang kinuhanan niya kami ng picture habang natutulog ako. “Ay, sorry po, Ate, ise-send ko lang sana kay Ma’am Salve, tiyak ako na matutuwa iyon kapag nakita niya,” saad ni Joy kaya marahan akong tumango. “Okay lang, Joy, pasa mo rin sa akin mamaya para may kopya ako,” sagot ko naman. “Kinuhanan mo kami ng picture?” sabay kaming napalingon kay Leon nang itanong niya iyon. “Opo, Kuya, sorry po,” nahihiyang sagot ni Joy. “No, it’s okay. It’s such a shame that I won’t see it, but I’ll ask my wife to print it out, it will be a good bedside table display,” sagot naman niya. “Papasa ako mamaya, Joy, ha?” pakiusap ko naman. “Opo, Ate,” sagot niya. “Tara, baba na tayo para makakain na,” saad ko naman. Iyon naman ang ginawa namin. Ako na ang umalalay kay Leon na agad umakbay sa akin pagkatayo namin. Marahan din kaming bumaba sa hagdan, hindi naman namin puwedeng madaliin dahil sa kondisyon niya, baka mamaya ay ikapahamak pa namin. Nagluto si Joy ng menudo, mukhang masarap ang pagkakaluto kasi masyadong makulay ang sabaw. At hindi nga ako nagkamali “Ang galing mong magluto, Joy,” saad ko habang kumakain kami. “Mas magaling ka, Ate, ang sarap nung kare-kare kagabi,” sagot naman niya kaya napangiwi ako. “Nagpa-practice pa ako, alam mo naman, baguhan pa sa kusina. Ang mabuti pa turuan mo akong magluto ng iba pang ulam sa mga susunod na araw,” kumindat pa ako sa kanya nang sabihin iyon. “Wala pong problema, Ate,” sagot naman niya. Lumingon ako kay Leon para sana alukin pa siya ng ulam. Kumakain kasi siyang mag-isa, sinabi naman niya na kaya niya pero inaalalayan ko pa rin siya. Kahit pa kaya niya ay alam kong mahihirapan kasi siya. Pero natigilan ako nang makita ko siyang nakangiti. “Bakit ka nakangiti?” tanong ko sa kanya, mabilis naman siyang umiling. “I’m just happy that you guys are getting along well. I’m also happy that you are eager to learn a lot of new things you didn’t even want to do before,” napangiwi ako sa sinabi niya. “I’m a married woman now, Leon, paano ko maaalagaan ang asawa ko kung wala akong masyadong alam sa gawaing bahay?” nakita ko ang muling pagpula ng magkabilang tenga niya, si Joy naman ay napahagikgik. Hindi ko maintindihan kung bakit laging namumula ang mga tenga niya kapag may sinasabi akong sweet, kinikilig ba siya, o ano? Ewan. Hindi na mahalaga. Basta ang importante ay tuluyan kong makuha ang loob niya para makumbinsi siya na sumailalim sa eye surgery. “Kailan mo nga pala balak magpa-eye surgery, Leon?” tanong ko ilang sandali lang ang nakakalipas. “Why, you no longer want to take care of me?” mababa ang boses na tanong din niya kaya natigilan at napanganga ako. Mabilis naman akong umiling kahit pa hindi niya nakikita. “H-Hindi, Leon, naisip ko lang… gusto ko kasi na bumalik sa normal ang buhay mo,” narinig ko ang pagbubuntong hininga niya. “I won’t go under any surgeries or operations, whatever you want to call it. I just want to stay this way,” may halong diin na sagot niya. “P-Pero, Leon, ayaw mo na bang bumalik sa dati mong buhay?” tanong ko ulit. “Ayaw mo na bang makita ang maganda kong mukha?” may halong pagbibiro na tanong ko pa pero hindi man lang siya tumawa. “God knows how I badly wanted to, Astrid. But I don’t want to see you walking out of my life again. So it’s a big fat no. Hindi ko alam kung hanggang kailan ka mananatili sa tabi ko, at ayaw ko nang makakita pa para kung sakaling umalis ka ulit, hindi ko na rin makita pa…” nakaramdam na naman ako ng lungkot dahil sa sinabi niya. “P-Pero, Leon—” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita ulit siya. “Alam ko na may iba pang dahilan kung bakit ka bumalik, Astrid. Bumalik ka ngayong hindi na ako nakakakita, tapos biglang okay na kayo ni Mama? I’m not stupid not to know that something’s going on here,” madiing saad pa niya kaya napanganga na naman ako. “H-Hindi naman na ako aalis ulit, eh…” may halong pagsusumamo na saad ko. “Prove it,” matigas na saad niya bago tumayo mula sa hapag. “I’m done eating. Magpapahinga na muna ako,” saad niya. “Joy!” tawag pa niya sa pangalan ni Joy para alalayan siya. Hindi naman ako nakakilos dahil doon. This is my very first attempt to convince to go under eye surgery, and yes, obviously it’s a fail attempt. But I’m not going to stop. Iyon lang naman kasi talaga ang rason kung bakit nandito ako at kung bakit ko siya naalala. Hinatid ni Joy si Leon sa kuwarto, tapos ay bumalik ulit siya sa hapag para sabayan ulit ako sa pagkain. Hindi ko maintindihan pero nawalan na ako ng gana pagkatapos no’n. “Naaawa na ako sa kanya, Joy,” saad ko habang nakatitig sa plato ko na hindi pa nahahati ang lamang pagkain. “Ako rin po, Ate, sobrang sakit na ng mga bagay na pinagdadaanan niya. Alam ko na nahihirapan din siya, pero mas gusto niyang mahirapan sa kondisyon niya para lang hindi na siya iwan ng asawa niya na ang akala niya ay nandito talaga,” pabulong na sagot ni Joy. Napabuntong hininga ulit ako at marahang tumango. Biglang bumalik ang mga nangyari kanina bago ako nakatulog. He treated me as if we’re already okay. Alam ko na pinipilit lang niya, pero mukhang back to zero na naman kasi binuksan ko agad ang usapin tungkol sa eye surgery. Bad move, Precy. Sana ay naghintay ka pa ng ilang araw, iyong tipong nakuha mo na talaga ang tiwala niya. “Kakausapin ko na lang siya mamaya,” saad ko na lang, marahang tumango si Joy na tila nagsasabing iyon nga ang tamang bagay na kailangan kong gawin. Kakausapin ko siya, hihingi ako ng sorry at sasabihin ko kunware na irerespeto ko ang desisyon niya. Na kahit pa hindi na siya muling makakita ay hindi na ako aalis at mananatili na lang ako sa tabi niya para alagaan siya. Hindi puwede na magbago ulit ang pakikitungo niya sa akin kaya sa tingin ko ay kailangan kong gawin ito. “Joy, magpapahinga na muna rin ako. Iwan mo na lang sa lababo ang mga pinagkainan, ako na ang bahala mamaya,” mababa ang boses na saad ko. “Okay lang, Ate, ako na ang bahala rito. Wala naman akong ibang gagawin,” pilit akong ngumiti sa kanya at marahang tumango. “Salamat, Joy,” sagot ko na lang. Uminom muna ako ng tubig bago nagpasyang tumayo at umakyat na rin. Dumiretso ako sa kuwarto kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama at tumitig sa kulay puting kisame. Hindi ko na matandaan kung gaano ako katagal na tulala lang, wala ring ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang nangyari habang kumakain kami. Tapos ay bigla ko na namang naalala ang pamilya ko sa Tarlac. Kumusta na kaya sila? Isang araw pa lang na hindi ko sila kasama pero parang ang tagal na. Napabuntong hininga na lang ako ulit at nagpasyang puntahan si Leon sa kuwarto niya. Hindi na ako kumatok dahil bukas naman ang pinto, naabutan ko siya na nakahiga lang sa kama. Bukas ang mga mata niya kaya alam kong gising siya. “Leon…” mababa ang boses na saad ko. “If you’re here to convince me, just leave, Astrid. I’m not in the mood for an argument,” mababa ang boses na sagot niya. Naglakad naman ako papunta sa kama at umupo sa gilid nito, alam kong naramdaman niya iyon dahil sa muling paggalaw ng malambot niyang kama. “Hindi, Leon, gusto ko lang sanang mag-sorry kung iniisip mong pinipilit kita na sumailalim sa eye surgery,” mahinahong sagot ko naman. “Gusto ko lang naman na bumalik sa normal ang lahat, pero hindi kita pipilitin kung ayaw mo dahil sa huli ay ikaw rin naman ang madedesisyon niyan. Kung gusto mong manatili sa ganitong kondisyon, tatanggapin ko, at umasa ka na hindi ako aalis sa tabi mo para alagaan ka,” nakita kong nagtiim ang mga bagang niya dahil sa sinabi ko. “Darating ang araw na magsasawa ka rin,” malungkot na sagot niya. Marahan ko namang hinawakan ang kaliwang kamay niya na siyang ikinagulat nita. “Malaki ang kasalanan ko sa ‘yo, Leon, and if taking good care of you forever is what it takes to have your forgiveness and earn your trust for the second time, then, I’ll do it. Pinapangako ko na sa pagkakataong ito, hindi na ako aalis sa tabi mo. Kahit pa sungitan mo ako araw araw, sigawan o itulak palayo…” puno ng sinseridad na sagot ko naman. Narinig ko ang mahinang pagsinghot niya, saka ko lang napansin na may kaunting luha na tumulo mula sa kaliwang mata niya. Tumagilid naman siya sa akin, siguro ay para itago iyon. “I want to rest, Astrid,” mahinang saad niya. Hindi ko maintindihan pero parang gusto ko siyang yakapin. Kasi alam ko na nasasaktan siya. Kaya naman kahit na nagdadalawang isip ay agad akong humiga sa tabi niya at niyakap siya mula sa likod niya. “Okay lang naman siguro na sa pagkakataong ito, ako naman ang pagpaparamdam sa ‘yo ng yakap ko, hindi ba?” tanong ko pero hindi siya sumagot. Hinayaan ko na lang siya at mas hinigpitan ko na lang ang yakap. At habang ginagawa ko iyon ay rinig ko ang t***k ng puso naming dalawa na pareho ang lakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD