Chapter 11

2103 Words
HINDI KO NAMALAYAN NA NAKATULOG PALA AKO ULIT. Nagising ako na nakayakap pa rin kay Leon na ngayon ay masarap pa rin ang tulog. I took a glance at the wall clock and saw that it’s already six in the evening. Ang tagal pala ng naging tulog naming dalawa. Tiyak ako na hindi kami agad makakatulog mamaya. Pero teka, saan ba ako matutulog mamaya? Sa bakanteng kuwarto ba o tatabi ako sa kanya? Napangiwi ako sa naisip. Ano ka ba naman, Precy? Kagigising mo lang pagtulog na naman ang iniisip mo. Singhal ko sa sarili ko. Pero siguro magtatanong na lang ako kay Leon kung puwede akong tumabi sa kaya mamaya. I mean, don’t take it the wrong way, okay? It’s not like I want to sleep beside him. Ayaw ko lang kasi na magtaka siya kung bakit hindi ako natutulog sa tabi niya. Okay fine, I have to admit that there’s a part of me that wants to sleep beside him. Tulog lang at cuddle. Wala nang iba. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako kasi hindi ko na rin maintindihan kung ano ang mga pumapasok sa isip ko. I am even arguing with myself through mind, damn it! Marahan kong hinila ang kamay ko na nakayakap pa rin sa kanya kaya bahagya siyang gumalaw. Natigilan ako saglit kasi ayaw ko siyang magising pero umayos siya bigla ng higa at iminulat niya ang mga mata niya. “Uhm, sorry kung na-istorbo kita sa pagtulog. Bababa na sana kasi ako para masimulan ko na ang pagluluto sa kare-kare,” mababa ng boses na saad ko, mahina naman siyang nagbuntong hininga at tumango. “Can you help me shower once you’re done?” nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Hindi ako ready, Diyos ko! Noong wala pa ako rito, sino ang tumutulong sa kanya na maligo? Si Joy ba? Hubo’t hubad ba siya? Ay ewan! Bakit ko ba iniisip ito? “I always do shower alone, but it’s kind of hard because I can’t see anything. It’s okay if you don’t want to and you’re not comfortable,” mababa pa rin ang boses na saad niya. Siguro ay napansin niya na tumahik ako bigla. Mabilis naman akong umiling kahit pa hindi niya nakikita. “Hindi, okay lang. Sasamahan kita,” agad na sagot ko. Tipid naman siyang ngumiti at marahang tumango. Tapos ay bahagya siyang humiga at isinandal ang ulo sa headboard ng kama. “Thank you,” saad niya. “Don’t mention ito, Leon,” sagot ko naman. “Bababa muna ako para makapagluto. Babalik ako agad dito pagkatapos,” saad ko, tumango na lang ulit siya at hindi na sumagot. Bumaba na ako sa kama at naglakad na pababa para makapunta sa kusina. Nakita ko naman doon si Joy na hinihiwa na ang mga sangkap para sa putaheng lulutuin ko. “Joy, ako na riyan,” agad na saad ko pagkalapit ko sa kanya. “Ay, Ate!” Marahan pa akong natawa nang muntik siyang mapatalon dahil sa gulat. “Nagulat ako,” natatawang dagdag pa niya. “Pasensiya na,” natatawang saad ko pero umiling naman siya at ngumiti. “Okay lang, Ate,” sagot niya. “Hinahanda ko lang naman mga sangkap, para pagkagising mo, iluluto mo na lang. Bawas sa trabaho mo,” napangiti ako sa idinagdag niya. “Salamat, Joy,” sagot ko. Maaasahan talaga si Joy. Napakasipag na bata. Kinuha ko na sa kanya ang ginagawa niya at sinabi kong magpahinga na muna siya. Hinayaan naman niya ako sa gusto kong mangyari pero hindi siya umalis sa kusina para masamahan at makakuwentuhan ako. “Wala ka bang balak na mag-aral ulit, Joy?” tanong ko habang ipinagpapatuloy ang paghiwa ng mga sangkap. “Gusto ko po, Ate, pero saka na siguro. Uunahin ko na muna ang mga kapatid ko,” ngumiti ako at tumango sa naging sagot niya. “Ipagpatuloy mo, kahit makatapos ka lang sana ng dalawang taon sa kolehiyo, o kung hindi kaya mas maganda kung matapos mo ang kurso na gusto mo talaga. Ako kasi dalawang taon sa kolehiyo ang natapos,” saad ko naman. “Oo, Ate, kapag nakaipon,” sagot na lang niya. Habang nagluluto naman ay marami kaming napag-usapan ni Joy. Marami siyang nai-kuwento sa akin tungkol sa buhay niya. Nalaman ko rin na taga-Cebu pala talaga siya, may mga kamag-anak siya sa Pangasinan na minsan ay pinapasyalan niya pero kaya hindi siya umuuwi sa Cebu ay dahil nanghihinayang siya sa pamasahe, imbes na gamitin niya sa pamasahe, eh, pinapadala na lang daw niya. Hindi naman ako nainip dahil sa dami ng mga napag-usapan namin. At kagaya ng sinabi ko kay Leon, pagkatapos magluto ay nagpahinga lang ako saglit bago ako naglakad pabalik sa kuwarto niya. Alas siete na iyon. Kailangan ay matapos na si Leon para makaligo na rin ako, baka kasi dumating na sina Ma’am Salve at nakakahiya naman kung hihintayin pa nila ako bago maghapunan, lalo na alam ko pagod sila sa biyahe, at isa pa, hindi naman ako totoong parte ng pamilya nila para hintayin pa nila. Kinakabahan ako kasi baka hubo’t hubad siya mamaya. Sana lang talaga ay magsuot siya ng shorts habang naliligo. Nakakatukso kasi masyado, baka mamaya hindi ko na mapigilan ang sarili ko. “Uhm, Leon, gusto mo na bang maghilamos?” tanong ko pagkapasok ko sa kuwarto niya. Oo, hilamos ang itinanong ko sa kanya. Kung hilamos lang kasi, hindi na niya kailangang hubarin ang lahat ng saplot niya. “I’ll take a shower,” mababa ang boses na sagot niya kaya mariin akong napapikit. “Sige, halika na,” mababa ang boses na sagot ko. Sobra ang kabang nararamdaman ko pero hindi ko iyon ipinahalata. Inalalayan ko naman siya nang tumayo na siya sa kama, agad siyang umakbay sa akin at sabay kaming naglakad papasok sa banyo. As soon as we’re already inside the bathroom, he immediately took his tee shirt off. Palihim akong napasinghap nang makita ko ulit ang maganda niyang katawan. Ang katawang pangromansa… Mabilis akong napailing dahil sa mga kahalayan na nabubuo na naman sa isip ko. Magtigil ka, Precy! Pagbabawal ko naman sa sarili ko. Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko nang makita siyang hubarin din ang suot niyang board shorts. Napapikit pa ako kasi nasaktan ako sa naging reaksiyon ko. Marahan kong hinaplos ang ibabang labi ko sa pag-aakalang nasugatan iyon, mabuti na lang at hindi naman. Ngayon ay nakakulay pulang underwear na lang si Leon. Para siyang model ng mga sikat na underwear brands. Iyong mga model na madalas makita sa mga billboard, magazines o sa mga Malls. “Hey, are you still here?” tanong niya, saka lang ako bumalik ulit sa reyalidad. Hindi ko maintindihan pero para akong laging lutang kapag siya ang kausap ko. Lalo na kapag nakikita ko ang maganda niyang katawan. Lalo naman siguro ngayon kasi naka-underwear lang siya. “O-Oo,” sagot ko naman at agad siyang hinawakan sa braso para alalayan siyang pumasok sa shower area. He softly chuckled, and when I look up to see his face, I saw him grinning and I don’t know why. “Bakit?” kunot noong tanong ko sa kanya. “Your hands are cold and shaking, I know that your kind of tense and nervous, Astrid. Don’t worry, I won’t do something you won’t like,” naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil doon. “H-Hindi, ‘no,” pag-arte ko naman. “A-Atsaka hindi ba normal lang naman ito kasi mag-asawa tayo?” mas lalo siyang napangisi nang sabihin ko iyon. “Are you saying that we can make love right now?” nang-aakit na tanong pa niya kaya nanlaki ang mga mata ko. “H-Huwag muna ngayon, may period kasi ako,” kinakabahan na sagot ko. At muntik ko nang sabunutan at iumpog ang sarili ko sa tiles dahil sa naging sagot ko. Seryoso, Precy? Huwag muna ngayon? Ibig sabihin darating ang araw na papayag ka? Sunod sunod na tanong ko sa sarili ko. Kailangan ko na talagang gumawa nang maraming rason para hindi matuloy kung sakaling hihilingin man niya na mangyari ang bagay na iyon. Ang hirap ng pagpapanggap na ito. Nakakainis. “Alright, if you say so,” sagot niya at nagkibit na lang ng balikat. Nakita ko na parang may kinakapa siya sa pader. When his right hand reached the shower knob, he turned it on. Medyo nagulat pa ako kasi nabasa rin ako. Marahan ko na namang kinagat ang ibabang labi ko nang makita ang tubig na unti unting bumabasa sa katawan niya. He looks even hotter with his wet looks, Jesus! “I can’t find the soap,” narinig kong saad niya. Saka ko lang napansin na kumakapa pala ulit siya para hanapin ang sabon. “H-Heto,” sagot ko naman. Mabilis kong kinuha ang sabon at hinawakan ang kanang kamay niya para ibigay iyon sa kanya. Pakiramdam ko ay napaso ako nang magdikit ang mga balat namin. “Thanks,” sagot niya tapos ay nagsimula nang magsabon. Bahagya akong lumayo at nag-iwas ng tingin, hinayaan ko lang siya. “I can’t reach my back, can you?” nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa tanong na iyon. “S-Sige,” kinakabahang sagot ko naman. Inabot niya sa akin ang sabon na agad ko namang tinanggap. Tapos ay hindi na ako nag-aksaya ng panahon na sabunin ang likod niya para matapos na agad. Kung saan saan ko na lang idinadapo ang tingin ko habang ginagawa iyon, huwag lang sa katawan niya mismo para kahit na papaano ay mabawasan ang kaba at hiya ko sa sarili ko. “O-Okay na ba?” tanong ko, humarap naman siya sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko. I tried to look away but it’s too late, I kind of saw his bulge part and felt like my blood all goes up in my head. “Dito pa,” nang-aakit na saad niya. Bago pa ako makapag-react ay mabilis na niyang nahawakan ang kamay ko at ipinatong sa galit niyang miyembro. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat kaya agad kong hinila at binawi ang kamay ko. “Leon!” pagbabawal ko pa sa kanya. Malakas naman siyang humalakhak na parang natutuwa sa nangyayari. “Alright, I’m just kidding,” natatawang sagot niya tapos ay tumalikod na ulit sa akin. Para naman akong nakahinga nang maluwag dahil doon. Gano’n pa man ay kinakabahan at nahihiya pa rin ako sa sarili ko. Goddamn it! I just touched his massive member, he may still be wearing underwear but I felt his hardness. Nakakainis! Moments later, I saw him rinsed his body with the water flowing down the shower. “Can you hand me over the shampoo, please?” kahit na kinakabahan pa rin ay ginawa ko naman. Kinuha ko ang shampoo, binuksan at hinawakan ko ang kanang kamay niya para maglagay no’n sa palad niya. Hindi naman siya nag-aksaya ng oras na ilagay iyon sa buhok niya. Ibinalik ko na ang shampoo at sabon sa lalagyan tapos ay nag-iwas na ako ulit ng tingin. “Where’s the towel?” tanong niya ilang minuto pa matapos siyang magbanlaw. “T-teka, kukunin ko lang,” mababa ang boses na sagot ko. Mabilis naman akong naglakad palabas ng shower area at kumuha ng isang towel sa drawer na nasa loob ng banyo. Tapos ay naglakad na ulit ako pabalik para ibigay iyon sa kanya. “I’m sorry, but can you also prepare some clothes that I can wear?” tumango na lang ako kahit pa hindi naman niya nakikita. “Oo naman,” sagot ko tapos ay hinawakan ko na ulit siya sa kaliwang braso para alalayan na lumabas ng banyo. Pinaupo ko muna siya sa kama habang naghahanap ng damit na maisusuot niya. Kumuha ako ng isang branded na underwear, kulay puting tee shirt at isang kulay asul na board shorts. “H-Heto na, Leon,” mahinang saad ko at ipinahawak sa kanya ang damit na susuotin niya. “Thank you, Astrid. I can take it from here,” sagot naman niya. “S-Sige, maghihilamos lang din ako,” sagot ko naman. Tumango naman siya at hinayaan na ako. Marahan akong naglakad palabas sa kuwarto niya. Nang makapasok na ako sa silid na ino-okupahan ko ay mabilis akong sumandal sa likod ng pinto habang hawak ang dibdib ko na ngayon ay malakas ang kaba. Grabe, sobrang pagpipigil na naman ang ginawa ko. Paano pa sa mga susunod na araw nito? Sigurado naman kasi ako na hindi iyon ang huling beses na sasamahan at aalalayan ko rin siya sa pagligo niya. Mariin na lang akong pumikit at umiling. Bahala na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD