Ilang sandali lang dinalaw agad si Lovelyn ng antok pagkatapos ng pag-angkin ni Wyatt sa kaniya. Hindi na niya namalayan na binihisan siya nito habang tulog ngunit pagsapit ng madaling araw nagising siya sa mainit na haplos at pinong halik ng asawa. Kahit antok na antok siya nagawa ni Wyatt na painitin siya hanggang sa nakadalawa pa ito sa pag-angkin sa kaniya. Hindi nga ipagkakaila napasok na nito ang puso niya at pag-aari na ni Wyatt ang katawan niya. "Sweetheart, good morning," lumundo ang kama sa kaniya likuran. Narinig ni Lovelyn ang mahina boses ni Wyatt, subalit hindi niya ito pinagkaabalahang pansinin dahil sa inaantok pang diwa. Gusto pa n'yang magpahinga dahil latang-lata pa sa oras na iyon ang kan'yang pakiramdam. "Alas dose na heart, pauwi na tayo ngayon," tumigil ito sanda