CHAPTER ONE
Dahan-dahan ang lakad ni Lovelyn, papasok sa kanilang bahay ng maabutan siya ng kanyang Ama na galing sa kusina.
Malapit na sana siya sa kanilang hagdan upang umakyat patungo sa k'warto niya, dahil gusto niyang makaiwas sa sermon ng Ama, ngunit timing ang araw niya ngayon at mukhang masasabon siya nito ng todo.
"Lovelyn!" Sigaw nito sa panagalan niya.
"D-daddy," nauutal niyang sagot dito.
"Saan ka naman inabutan ng umaga Lovelyn?!" Malakas na sigaw ng kanyang Daddy.
"Gawain ba, ng matinong babae ang umuwi ng ganitong oras!?" muli nitong sigaw.
"Daddy meron lang po pinuntahan," mahina niyang boses.
"Kailan ka, magtitino ha?! Noong isang gabi nasangkot ka sa gulo ng club dahil sa kalasingan mo, may nasapak kang anak ng isang senador!!" Malakas na wika nito at namumula ang mukha sa galit.
Lumapit sa kanila ang kanyang Yaya at umawat sa nagsisimula nilang away ng Ama.
"Alejandro!" sigaw ng kanyang Yaya.
"Hindi mo naman kailangan magalit ng ganyan sa anak mo. Pwede mo naman kausapin nang mahinahon, umagang-umaga nag sisigawan kayong mag-ama." Saway nito sa kanyang ama.
Laking pasalamat niya sa kan'yang Yaya, hindi lamang ito tumayong Yaya, sa kanya naging Ina din niya ito mula ng mawala ang Mama niya.
Masama na tumingin ang Daddy niya kay Yaya Nora. "Huwag kang makikialam sa pag disiplina sa anak ko. Alam ko kung ano ang ikabubuti n'ya!" mariin na sabi ni Daddy kay Yaya.
Nakita niya sa mata ng kanyang Yaya na nasaktan sa binitawang salita ng ama. Sa tingin niya nga ay malapit na itong umiyak kahit siya ang labis na sinigawan.
Napasulyap siya sa kanyang Daddy at sa kanyang Yaya, pagkatapos pagsalitaan ng masakit ito ng Daddy niya, bakit sa tingin niya ay lumamlam ang mata nito sa kan'ya Yaya Nora? O, masyado lang siyang na hangover kaya kung ano-ano ang napapansin niya.
Muli ay nabaling ang tingin nito sa kanya ngunit nabawasan na ang pamumula ng kaninang galit na mukha.
"Wala ka nang nagawang matino sa buhay mo lahat ay sakit sa ulo ang iniuuwi sa pamamahay na 'to!" wika ulit ng kanyang ama at napatingala dahil napahilot sa kanyang batok. Huminahon na ito ngunit malamig at madiin naman ang boses.
Napatikhim muna si Lovelyn bago mag salita. "Dad, ilang beses ko bang sasabihin, na sila ang naunang nanggulo. Pinagtanggol ko lamang ang sarili ko, hindi ako lalaban kung hindi nila kami ininsulto." pangangatwiran niya pa sa ama.
Hindi siya pinakinggan nito. "Palagi 'yan ang katwiran mo kapag nasasangkot ka sa gulo. Kung hindi dahil sa ugali mo na 'yan at palaging gumagawa ng walang k'wentang bagay hindi sana maagang binawian ng buhay ang Mommy mo." Malamig nitong sabi.
Napasinghap siya ng muli nitong pina-a-alala ang nakaraan. Gusto na niyang maalis ang guilt na hanggang ngayon ay dala-dala sa dibdib. Pero paano mangyayare 'yon kung sa tuwing makakagawa siya ng mali, palaging binabanggit nito ng ama niya.
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin Dad, para hindi mo na silipin ang konting pagkakamali ko.Lahat naman ay mali para sa'yo, kulang nalang na itakwil mo ako bilang anak mo," wika ni Lovelyn sa Ama at nag-umpisa nang maglabasan ang luha.
"Ginagawa ko ang lahat para matuwa at maging proud ka sa lahat nang achievement ko, pero hindi parin sapat iyon sa'yo. Lahat mali at mga pagkakamali ang nakikita mo, Dad? Minsan ba ay natanong mo kung ayos lang ako? Diba hindi pa nangyayare 'yon kasi ang totoo dy'an sa puso mo ako pa rin ang sinisisi mo sa pagkamatay ni Mommy," hilam ang luha na sabi niya sa Ama.
"Sana nga ako nalang ang nawala para masaya po kayo ngayon."
Pagkasabi niyang 'yon ay mabilis siyang tumakbo sa taas, mabilis na pumasok ng kanyang kwarto at pabagsak na humiga sa kanyang kama.
Saksi ang buong kwarto sa kanyang pagluha. Hanggang kailan ipapamukha ng kanyang Daddy, ang nagawa niyang pagkakamali no'n. Kung puwede lang hilingin na siya ang ipalit sa Mommy niya, ay matagal na niyang gusto.
Anim na taon na ang lumipas pero hanggang ngayon wala pa rin nakuhang lead sa mga sangkot sa naturang aksidente. Sabi ng ilan, ay malabong makita ang nakabanga sa kanila no'n dahil madalang ang mga bahay sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente. At bukod do'n ay posibleng may nakakita ngunit possible rin na mayaman ang nakabanga sa kanila kaya walang nabalitaan sa media ng araw na 'yon.
Marami na siyang na hire na private investigator pero clueless ang nasabing kaso lalo na at kahit CCTV ay wala sa lugar.
Mahinang katok sa pinto ang nagpatigil sa pag-iyak at pagbalik tanaw niya sa nakaraan.
Marahan na bumangon siya sa kama at binuksan ang pinto. Si Yaya Nora ang nabungaran niya.
Pinag-aralan nito ang mukha niya. Sigurado na mugto na ang kanyang mata sa pag-iyak.
Niluwagan niya ang bukas ng pinto at niyayang pumasok sa loob ang Yaya Nora niya.
Umupo ito sa gilid ng kama na katabi siya. "Ayos ka lang?" nag-aalala ang boses na tanong nito.
Marahan siyang tumango at tipid na ngiti na hindi umabot sa mata.
Niyakap siya nito at nakahaplos ang kamay sa kanyang likuran. "Palagi mo pagpasenyahan ang Daddy mo. Takot lang 'yon na mapahamak ka, alam ko kahit galit ang pinakikita niya sa 'yo pero sa kanyang damdamin bilang ama masakit 'yon sa kanya," malumanay na sabi ni Yaya.
Kumalas siya ng yakap sa kanyang Yaya at ngumiti. "Paano kaya ako Yaya kung wala ka sa tabi ko? Mahal ko po kayo," masaya niyang wika.
Nangingilid ang luha na hinaplos ang kanyang mukha. "Mahal din kita," masaya nitong wika. "Ang drama natin dalawa," wika ulit ni Yaya at mahigpit siyang niyakap.
Nag tagal ang Yaya niya sa kwarto para makipag kwentuhan. Ganito sila palagi pag nag-aaway sila ng kanyang Daddy. Kung hindi niya lang alam na anak siya ng kanyang Mommy, ay iisipin niya na anak siya nito. Daig pa nito ang ama sa pag-a-alala kapag hindi siya nakakauwi ng bahay.
Minsan nga kahit hatinggabi na ay mag- aantay ito hanggang sa makauwi siya. Binalingan niya ito ng tingin ng mayroon siyang maalala.
"Yaya, bakit po hanggang ngayon hindi pa rin kayo nagpapamilya?" naisipan niyang itanong.
Napatda ito sa tanong niya. Hindi pa siya ipinapanganak ay kasambahay na nila ito.
"Naku ikaw na bata ka kung ano-ano ang naiisipan na itanong. Kailangan pa bang e-memorize 'yan? Dahil po sa pag-aalalaga sa'yo kaya wala ng nagkagusto sa'kin," nakangiti nitong sagot pero kita sa mata na hindi umabot ang saya.
"Hindi ako naniniwala Yaya, ang ganda mo po kaya... at sexy," malambing na wika niya.
Totoo naman 'yon kung nag-aayos lang ang Yaya Nora niya, ay maganda ito. At sa pag kakaalam niya ay nasa kuwarenta ang edad nito ngunit hindi halata sa kanyang hitsura.
Iniba ng Yaya niya ang usapan nila kaya naman pinagkibit balikat na lamang niya ito at nang mawala ang kan'yang hinanakit ay 'tsaka iniwan siya nito sa kwarto at pinagpahinga.
"Paano, 'wag ng malungkot ha? At tama na ang iyak. Nakakabawas ng kagandahan 'yon," biro nito bago siya iwan sa kwarto.
Sana pag gising ko may balita na sa hinahanap ko mahina niyang sambit.