"Bakit bumalik kayo agad mga anak? P'wede naman mag vedio call kung sakali," ani ng Daddy ni Lovelyn pagdating sa kanilang bahay. "Daddy, ayaw n'yo po na ihatid ko kayo?" tumulis ang nguso ni Lovelyn na sumagot sa ama, mahina pa ito na tumawa dahil pinulungkot niya ang mukha. "Naglalambing ang Prinsesa ko," umarte pa ang Daddy niya na sandaling lumungkot ang mata. "H'wag mo pasasakitin ang ulo ng asawa mo," dugtong pa nito. Umismid si Lovelyn, pero sumagot naman si Wyatt na nasa tagiliran lang niya. "Nakapag-adjust na ho ako d'yan Dad, sa Prinsesa n'yo," wika nito sa kan'ya ama, kaya mahina ito tumawa. Wow ha! Palagay na talaga ito ng loob sa kaniya Daddy, mabilis talaga itong asawa niya. Naalala pala ni Lovelyn na kailangan niyang mag-impake ng damit. Hinanap niya sa mata kung nasaa